BONG BONG'S POV:Ang bilis talaga ng panahon bukas ay babalik na naman ako sa England para ipagpatuloy ang aking pag aaral doon.. Tapos na kasi ang Christmas vacation ko.
Mabuti na lang at naging napaka productive ang naging bakasyon ko dahil dalawang deals ang na close namin ni Dad. Sa awa ng Diyos ay lumalaban ang maliit naming kompanya sa mga giant companies na dekada na ang tagal.
Halos mag a anim na buwan na rin pala ang Marcos Enterprise.
Ang kompanyang itinayo ni Dad matapos nyang iwan ang dating kompanyang itinayo nila ni tito Benigno.Si ate Imee at Kuya Tommy ang hands on at may kanya kanyang posisyon at trabaho sa kompanya kasama nina Mommy at Daddy.
Ako at si Irene naman ang gumagawa at nag iisip ng idea para sa mga presentation sa aming mga magiging kliyente.
Kapag nandito ako sa Pinas ako mismo ang sumasama at nagpi present sa aming mga potential client.Sa awa ng Diyos ay pangalawa
na itong client na close deal na ako ang nakipag usap at nag present. Masaya akong lahat ng pinag aralan ko ay nagagamit ko na para makatulong sa aming pamilya lalo na kay Dad.Malapit na kami sa parking area pero patuloy pa rin 1sa pangungulit sa akin.
" Mukhang sobrang saya nya talaga ah " nasabi ko na lang sa isip ko habang naglalakad palapit sa pintuan ng kotse.
Muli nya akong tinanong pero wala akong maisip. Maya maya ay napansin ko ang isang matandang lalake. Tulak tulak ang lalagyan ng dirty ice cream.
Naalala ko tuloy nung bata pa ako. Lagi nya akong nililibre
ng dirty ice cream sa tuwing sumasali at nanalo ako sa mga declamation contest or quiz bee na sinasalihan ko. At bilang pagtugon sa pangungulit nya
ay agad kong itinuro ang nakita kong dirty ice cream sa kanya." Sigurado ka ba? Yung dirty ice cream lang ang gusto mo? gulat na sabi nya sa akin ni Daddy.
Ngumiti lang ako sa kanya at dumeretso na sa magtitinda ng ice cream . Sya naman ay tila naguguluhan pa rin pero agad ding lumapit sa kinaroroonan namin.
Pagkabili naman namin ng dirty ice cream ay agad kaming naupo sa isang bench para kumain.
" Talaga bang ito lang ang gusto? muli nyang tanong sa akin. " Pwede naman tayong pumunta sa bar at uminom tutal matagal na rin nung huli tayong mag bonding na dalawa.
Napangiti naman ako sa sinabi nya. Matagal na talaga nung huli kaming magkasama na kaming dalawa lang. Kadalasan kasi buong pamilya kaming nagbo binding eh.
" Okey na to Dad! masarap naman yung dirty ice cream
eh. Kung iinom naman tayo, naku siguradong wala pang 30 minutes uuwi na tayo. Madali kang kasing malasing eh hehe! Tapos no'n baka maalala mo pa yung lahat ng kalokohan ko pagalitan mo pa ako ng di oras , natatawa ko pang hirit sa kanya.Nagulat sya sa sinabi ko at napakamot sa ulo sabay sabi
" Oo nga ano, marami rami pa aman yun. Baka mas marami pa nga ang mai sermon ko kisa mainom natin, bawi nya pang biro sa akin.
Pagkatapos nyang sabihin yun
ay nagkatinginan kami at sabay pang tumawa ng malakas. Bigla kasi naming naalala yung mga panahong naging party boy at lagi nya akong napapag sabihan." Alam mo ba kanina habang pinapanuod kitang kausap ang mga kliyente natin, bilib na bilib ako sa'yo. Kasi kung mag salita ka , ipresenta ang sarili mo, parang matagal mo ng ginagawa ito. Pagkatapos ang dami mo pang alam sa mga bagay bagay. kaya maraming interes nila ang kaya mong sabayan at pag usapan. Hindi sila naiinip. Naisip ko tuloy, si Bonget ba talaga to? natatawa pa nyang saad sa akin.
BINABASA MO ANG
" My Serenity & Happiness "
FanficThis story is based on creative thinking only. A fanfiction about which the protagonist is the First Couple. It's about love that is forged and strengthened by trial and circumstances where they found happiness and comfort in each other's compan...