FERDINAND'S POV:Halos magpuyos ang galit ko sa aking dibdib dahil sa nangyari pero kailangan kong kumalma dahil mas kailangan ni Benigno ang taong magpapakalma sa kanya at hindi ang makikisali
sa init ng ulo nya." Bwiset ! Ano ba talagang gusto nya? Pagkatapos nyang pasukin, baguhin at guluhin ang kompanya natin, ngayon pati yung manugang nyang hilaw parte na ng kompanya. walang hiya ! At itong Boyet Araneta na ito ang kapal rin talaga. Di man lamang nahawahan ng katinuan ng balae ko, ngitngit na sabi ni Benigno.
" Hay, napakalayo ni Manuel sa kuya nya. Siguro nung mag sabog ng kaswapamgan gising na gising si Boyet at mahimbing yung tulog ni Manuel, saad ko sa kanya.
" Akala ko pa naman kaya sya nagpatawag ng board meeting dahil sa pagbalik ko, yun pala dahil lang sa lalakeng yun, Inis na wika ni Benigno.
" Hay, ano bang aasahan mo sa byenan mo ? Sabi ko sabay higop ng kape.
" Basta hindi ako papayag
na maging tau tauhan tayo
sa sarili nating kompanya,
Tugon nya sa akin." Kompanya pa ba natin ito? Technically tayo ang nagtayo, nagpaunlad, at ngayon hawak na ng mga siaraulomg yun, inis ko pang sabi.
" Pasensya ka na , siraulo din kasi ang kasosyo mo kaya ayan tuloy. Ang di ko maintindihan, bakit ba parang pinag aaway nya tayo,nagtatakang sabi nito.
" Kahit ako naguguluhan na, Naisip ko nga baka may plano syang sirain ang pagkakaibigan natin, naguguluhan ko ring sabi.
" Basta paghandaan natin mga yan. Tuso sila at maraming patibong, wika pa ni Benigno.
--------------------------------------------------
REGGIE'S POV:
Hanggang ngayon ay badtrip pa rin ako dahil sa nangyari kagabi.
Mas lalo pang tumindi ang pagka
badtrip ko ng makita ko si Liza at
Helen na magkasama. Masaya silang naglalakad papunta sa library.Habang naglalakad ang dalawa ay nakahawak pa si Liza sa braso ni Helen at may binubulong. Lalo akong nakaramdam ng selos.
" Bro, huy ano ba?, boses na pumukaw sa aking kamalayan.
" Ah Roger , ikaw pala, gulat ko pang sabi.
" Mukhang nakaiskor kana kagabi ah, kanina ka pa nakatulala eh, Ano musta? Pumalag pa ba? tanong ni Roger sa akin.
" Hindi, may umepal kasi eh, inis kong sabi sa kanya.
" Ano? Sino? pagtataka nyang tanong.
" Si Helen Evangelista yung isa sa bestfriend nya, tugon ko .
" Teka , sya ba yung lagi nyang kasama dito sa school? tanong nito sa akin.
" Oo, sya yung laging umeepal at humaharang sa mga plano ko, kweto ko sa kanya.
" Naku pare mag inagt ka don, may chismis kasi sa kanya, aniya sa akin.
" Chismis? napakunot noo ko pang sabi.
" May kakilala kasi akong nag subok pumorma jan pero basted. Sa sobrang obsess , sinundan nya ito hanggang apartment niya. At ayun nalaman nyang may kina- kasama itong tomboy, sabi
nya sa akin." So tama ang hinala ko sa kanya? Teka , sigurado na ba yan? paninigurado ko.
" Oo, kaya hindi malayong may gusto talaga sya kay Liza kaya ganon na lang ang pagtrato nya sa'yo, saad ni Roger.
BINABASA MO ANG
" My Serenity & Happiness "
FanfictionThis story is based on creative thinking only. A fanfiction about which the protagonist is the First Couple. It's about love that is forged and strengthened by trial and circumstances where they found happiness and comfort in each other's compan...