Chapter 59

111 8 0
                                    


Curious na tanong nito tsaka nilaro yung bata, ngumiti naman yung bata sa kanya tsaka yumakap ulit sa'kin.

"Hindi pa kasi namin alam yung pangalan nya." Sagot ko naman sa kanya habang marahang hinahaplos ang buhok ng bata. Hindi naman kasi masyadong nagsasalita yung bata tanging Papa at Mama lang ang madalas nitong binabanggit, siguro ay nahihiya pa ito. Art nodded his head in understanding. Kinuwento na rin namin kay Art kung paano namin nakita yung bata. After we gave him the details, nag-stay muna kami ng ilang saglit sa opisina ni Art.

"Sorry Princess, kung hindi ako nakapunta sa birthday party mo kailangan kasi dito si Titonong. But wait, we have something for you: makakalimutan ba namin yun. Here Princess." Nakangiting turan ni Art kay Kali bago nya inabot yung regalo nilang mag-asawa sa anak ko.

Kahit inaantok na si Kali ay hindi ito nagpapigil na buksan yung regalo nya galing kay Dianne at Art. Nakangiti at napapalakpak naman si Kali ng magustuhan nito yung regalo para sa kanya.

"Oh, Anak, what can you say to them?"

"Thank you, po Nongnong, and to Nangnang. It's so pretty, po." Kali exclaimed happily.

"You're welcome, Princess."

»»»»»

Art suggests na iwan na lang muna yung bata sa kanila at sila na daw ang bahala. Nalungkot tuloy ako bigla lalo na nang tinignan ko yung bata na ngayon ay nakangiting inosente sa aming mag-asawa. Binaba ko muna sya saglit tsaka naman ako bahagyang umupo para pantayan yung bata.

"Baby, dito ka muna sa kanila ha? They will take care of you here." I said, kissing her forehead.

"Iiwan nyo rin po ba ako rito gaya ni Nanay Beth?" She asks innocently, when I just stood up, her voice slightly cracked. My heart sank as I heard her words. I can feel the sadness in her voice.

I gave her a faint smile nang muli akong pumantay sa kanya. "No, baby, but they will go to find your Nanay Beth para makausap namin sya. For now, dito ka muna sa kanila at babalikan ka namin bukas ok ba yun?" I tried to explain to her, but I know hindi pa nito naiintindihan ang mga nangyayari. Hindi ito sumagot ngunit kitang kita ko ang namumuong luha sa mga mata niya.

Argh! Can we just take her home?

Tumayo na ako ngunit bago yun ay hinalikan ko ulit yung noo ng bata at muling hinarap si Art.

"Don't worry. Ate kami na ang bahala sa bata." May tinawag ito at dun ay pumasok ang isang pulis na babae.

I hug the little girl for the last time at hinalikan naman ni William ang tuktok ng ulo nito bago namin sya binigay dun sa babae.

"Tatawagan na lang po namin kayo kapag may balita na."

"Thank you, Art." I said. Nauna nang magpaalam si William sa bata dahil nakatulog na si Kali, kaya sabi ko mauna na lang muna sila sa kotse.
Ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa bata ayaw ko syang iwan dito.

"Baby magpakabait ka dito ha, babalik din kami dito bukas pangako." Niyakap ko sya ng mahigpit at muling dinampian ng halik sa noo.
Naglakad na ako papuntang pintuan, pero hinabol ako nito. 

"Pwease po sama po ako sa inyo." Umiiyak na pakiusap nito habang yakap-yakap ang isang hita ko. Naiyak na rin ako tsaka marahang lumuhod sa harap ng bata. I then look to Art, nginitian lang ako nito tsaka tumango, as a sign that he's allowing me to take the little girl with me, kaya napangiti na rin ako dahil iuuwi na namin itong magandang anghel na ito sa bahay. 

Napahinga ako ng maluwag. Salamat naman, kasi hindi talaga ako sure kung magiging ok ba sya dito. I mean, I trust Art, naman, pero yung mga tauhan nya ewan ko na lang.

L̴o̴v̴i̴n̴g̴ M̴s̴. F̴e̴t̴h̴e̴r̴s̴t̴o̴n̴Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon