Chapter 55

123 5 0
                                    

Nakarinig ako ng pagtikhim na ikinabalik ko sa wisyo. Agad akong napatingin kay Doc na ngayon ay naka taas ang kilay at naka smirk pa.

"A-Ah, mabuti naman po... nandito na po kayo e, chariz. Ano po, medyo kumikirot lang po sya ng konti." Nahihiyang turan ko rito. Naka ngiting napapailing na lang ito.

"Well, buti na lang at daplis lang ang natamo mo, so it means pwede ka nang umuwi bukas, or you can stay here if you want, so I could take care of you." Paliwanag nito na may halong landing suggestion dun sa last part ng sinabi nya. "Just kidding." Agad na bawi nito ng marinig naming tumikhim yung katabi ko.

Naku nagseselos na naman tong asawa ko char.

"Oh, hi, Miss?"

"Fetherston." Boring na sagot ng katabi ko kay Doc.

"Ms. Fetherston, are you the girlfriend?" Biglang tumingin sa akin si Ms. Avi at binalik ang tingin kay Doc.

"Ah-"

"Yes." Agarang sagot ko naman dito.

"Oh ok." Tila dismayadong saad nito tsaka ngumiti ng tipid. "Anyways I'll give you the pain killer later and reresitahan na lang kita para mabawasan yung kirot ng sugat mo. I think that will be all for today. Have some rest, sweetheart. Have a nice day, Ms. Fetherston." Paalam nito. Kita ko naman ang pag-irap ni Ms. Avi sa kanya.

"Thank you, po, Doc." I said and winked playfully at her. Ngumiti naman ito at napapailing na lang sa kalukuhan ko bago sya tuluyang lumabas.


»»»»»

"Wag ka nang magselos mahal, kahit hindi mo ako gusto, sayong-sayo lang ako." Pagbibiro ko rito at nakatanggap naman ako ng irap mula sa kanya.

"Why did you do that?" Medyo di ko gets na tanong nito.

"Do what?"

"Save me." Paglilinaw naman nito.

"Why not? Your boyfriend can't do that, so ako na lang gagawa para sa kanya." I said it calmly but in a sarcastic tone.

"But I hurt you." I could hear the guilt in her voice.

"Yes, you did, pero kahit paulit-ulit mo pa akong saktan, I'll still do the same kung sa ganung paraan ko lang maipaparamdam yung pagmamahal ko para sayo." Malungkot na pahayag ko rito. Natahimik kaming dalawa ng ilang minuto bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "I know you don't want to see me anymore, but thank you for bringing me here." Nakangiting saad ko sa kanya.

She didn't say anything but kept staring at me.

"Pwede ba akong magrequest?" Nahihiyang habol ko pa.

"What is it?"

"Can I kiss you for the last time?" I hope she will say yes.

"Kali..."

"Please, kahit isa lang, if this is the end of us, let me taste your lips for the last time."

Huminga muna ito ng malalim bago dahan-dahang inilapit ang mukha nya sa akin, tsaka ko naramdaman ang pagdikit ng aming mga labi na naka paghatid ng libo-libong paru-paru sa aking tyan. I could feel the love in her kiss, pero syempre guni-guni ko lang yun.

Mas pinalalim ko pa ang halikan namin, I kiss her passionately. Gusto kong maramdaman nya yung pagmamahal ko para sa kanya sa pamamagitan ng halik.

"I love you." Madamdaming saad ko sa kanya habang medyo hinihingal pa. Lakas loob kong naipahayag ang tatlong salitang yun at wala ng bawian pa. "You may go now." I said nicely after naming humiwalay sa paghahalikan.

L̴o̴v̴i̴n̴g̴ M̴s̴. F̴e̴t̴h̴e̴r̴s̴t̴o̴n̴Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon