Chapter 64

132 8 0
                                    


After kong marinig yun ay tila nawalan ako ng boses, I can't even form a single word. Nag-aalinlangan akong tumingin sa kanya at kahit dinadaga na yung dibdib ko sa kaba, dahan-dahan kong kinuha ang isa nitong kamay na hinayaan nya naman bago ko ito marahang dinala sa aking labi at dinampian ng halik ang likod ng kanyang palad. 

“I'm sorry.” I manage to utter it, but almost in a whisper. She quickly withdrew her hand and whispered sternly.

“Just to remind you, we were not alone here if you forgot.” Pagsuway nito.

“Sorry po,” I said at mas pinili na lang na humarap sa bintana at manahimik na lang the rest of the trip, dahil hindi naman na nya ako pinapansin.

Halos isang araw din kaming nagbyahe. From bus to barko, tapos bus, barko, and last bus again. Kung nagtataka kayo kung bakit kami nagbus kung pwede naman kaming mag-eroplano para mabilis, actually pinapili kami if alin sa dalawa ang gusto namin yung mag-bus ba or mag eroplano. Naisip kasi namin new experience para sa amin kung Mag ba-bus na lang. Nakakaumay din kasing mag-eroplano. Mabuti na lang halos lahat kami sa section namin e mas pinili na mag bus pati na rin sa ibang section, pero hindi din naman mawala yung may magreklamo kesyo ganito kesyo ganyan. Tsk ang aarte. Mas lalo kaming natuwa nang malaman na sumang-ayon si Mrs. President na mag bus na lang kaya ayun.


Since smooth lang naman ang byahe, alas kwatro pa lang ng madaling araw ay agad naming narating ang probinsya ng Antique at ang resort na tutuluyan namin for one week. Thank God at ligtas naman kaming lahat na nakarating sa pupuntahan namin.


For the fact that na buong department namin ng BSE ay nandito, I bet the D.U. rented this entire resort for us to stay for our one-week immersion and also to celebrate Mrs. President's birthday.


All of the staff of the resort gave us a warm welcome as we entered the resort. Pinaggroup na yung mga magkakasama sa isang room bali dalawa hanggang apat na katao ang mga pinagsama nila sa isang room at syempre sa sobrang excited ko kahapon e kaagad kong sinearch yung resort na'to pano ko ba na laman? Kumare kasi kami ni Mrs. President, kaya ayun na ichika nya sa akin. Charizz bago pa man kami sumakay ng bus kahapon e inannounce na ni Mrs. President yun kung saan nga ba kami mag iistay. So based sa na research, ko e mukha namang malaki ang mga kwarto nila dito, kaya for sure, kasya talaga kahit apat na tao sa isang kwarto.

Dumistansya na agad ako kay Ms. Avi at kaagad na hinahanap ang mga kumare ko dahil hindi ako nagkaroon ng chance kanina para makachika sila kaya ng mahanap ko sila ay nagsimula naman kaming mag chismisan.

Agad kaming natigil sa pag-uusap nang e announce ni Dean kung sino-sino yung magkakasama sa kwarto. My eyes grow big when my name is called out and that I'm going to share a room sa babaeng iniiwasan ko.

Wow, tadhana nga naman, oh.

Pakiramdam ko may mga matang naka masid sa'kin kaya nilibot ko ang aking paningin at dun nagtama ang mga mata namin ni Ms. Avi, pero agad din itong nag iwas ng tingin na ikinabuntong hininga ko na lang.

“Good luck, mare.” Mapanuksong saad ni Sav tsaka pinalo yung pwet ko.

“Aray! Tangina.” Impit na sigaw ko dahil sa lakas ng pagkakapalo ni Sav sa pwet ko. Gusto ko mang sumigaw pero nandito pa kasi si Mrs. President, kaya mahina lang yun nang lumabas sa bibig ko at baka marinig ni Mrs. President yung mura ko.

Sinamaan ko ng tingin ang mga kaibigan ko na ngayon ay nagpipigil ng tawa. Maya-maya ay hinatid na rin kami ng mga staff sa kanya-kanya naming kwarto.

“Thank you, po.” Pasasalamat ko dun sa staff na naghatid sa'min ni Ms. Avi sa kwarto namin. Tumango tsaka ngumiti naman si ate bago umalis. Nauna nang pumasok yung kasama ko ni hindi manlang sya nag thank you, dun kay ateng naghatid sa'min. Kanina pa sya walang imik mula nung huli naming pag-uusap sa bus.

L̴o̴v̴i̴n̴g̴ M̴s̴. F̴e̴t̴h̴e̴r̴s̴t̴o̴n̴Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon