Rinig ko pang tinawag ako nito, pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa huminto ako sa pinto ng kwarto nila Max, sila kasi yung mas malapit sa'min.
Naka alis na kaya sila?
Nakailang katok na ako, pero wala pa ring nagbubukas siguro nga nauna na sila. Aalis na sana ako, pero nakarinig ako ng mumunting ingay mula sa loob. Sinubukan kong pihitin yung door knob dahil kako wala naman ata silang balak na pagbuksan ako, kaya nang pihitin ko ito ay saktong naka bukas naman kaya tumuloy na ako ngunit ganun na lang ang panlalaki ng mata ko at tila na pako na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ng marinig kong umungol si Ms. Natalie.
“Ahh, M-Max... Fuck!”
Ayun, busy pala ang mga lola nyo taena my not-so-virgin eyes, jusmiyo marimar, why do I need to witness this? 😣😫
Max was between Alie's thighs. Do I need to tell you what they're doing? I think alam nyo na yun. 🥴
They both startled when they felt my presence inside their room.
“Shit! Kali, what are you doing here?” Gulat na saad ni, Ms. Natalie. Humarang naman agad si Max sa kanya tsaka nya inabutan ng maliit na kumot para ipangtakip sa hubad na katawan ni Ms. Natalie. Mabuti na lang at naka damit pa naman itong si Max.
“Dude, what the heck? Don't you know how to knock?” Max hisses before looking at me briefly and looking at Ms. Natalie again.
“You ok, love?” Pabulong na tanong nito kay, Ms. Natalie, but I still heard it. Bahagya namang tumango si Alie bilang kasagutan tsaka sumiksik sa leeg ni Max.“Ano bang malay ko na may ginagawa pala kayong milagro dito.” Saad ko at nagkibit-balikat.
“And FYI, naka ilang katok na po ako noh, pero yun na nga busy pala kayo. Gosh! hindi manlang kayo marunong mag lock, pa'no kung hindi ako yung pumasok? Edi salamat na lang sa lahat.” Panenermon ko sa kanila.
“Eh, ano ba kasing pinunta mo dito?” Napapakamot kilay na tanong ni Max, tsaka sinenyasan si Alie na magbihis na.
“Well, kasi mag-aagahan na daw, tayo na lang yung kulang dun.” Sagot ko at naglakad na papuntang pinto para lumabas na, pero bago yun lumingon ulit ako para asarin si Max.
“Pero Max, mukhang hindi mo na ata kailangang kumain nabusog ka na sa kinain mo kani-kanina lang.” Nanlaki ang mga mata nito bago dumampot ng unan at ibabato na sana sa'kin, pero mabilis akong naka labas ng kwarto nila. Patawa-tawa kong tinungo ang dining hall kung saan ang lahat ay kumakain na at kami na nga lang talaga ang kulang. Well, masyado kasi kaming pa VIP charr.
Kumuha na muna ako ng makakain ko bago ko iginala ang paningin ko para hanapin yung mesa ng mga kaibigan ko. Unang nahagip ng mata ko si Ms. Avi na ngayon ay nakatingin na din pala sa'kin. Malamig ito kung tumingin, kaya heto ako parang nanunuyo ang aking lalamunan, kaya napapalunok ako ng aking laway. Inirapan ako nito bago bumalik sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nya.
Tingnan mo'tong babaeng, 'to kumakain na't lahat-lahat hindi pa rin nagsasawa sa pananaray. Hindi siguro masarap ulam nito dinadamay pa ako. tsk
Charizzz
“Kali! Dito.”
“Tone down your voice, Miss Del Mundo.” Saway ni Dean kay Sav. Humingi naman ito ng paumanhin kay Ms. Janica.
“Sorry po, Dean.” Napapailing na naglakad ako papunta sa table ng mga friends ko.
“Ba't ang tagal nyong dalawa? Siguro nagkainan pa kayo dun noh?” Nakangising tanong ni Sav nang makaupo na ako dahilan para masamid naman si Love sa iniinom nito. Kaagad kong hinagod yung likod ni Love, tumabi kasi ako sa kanya bago ko samaan ng tingin si Sav. Napadaing naman ito sa sakit ng batukan ni Z.
BINABASA MO ANG
L̴o̴v̴i̴n̴g̴ M̴s̴. F̴e̴t̴h̴e̴r̴s̴t̴o̴n̴
RomanceGosh! Kung nakakamatay lang siguro ang karupukan, siguro ay matagal ko nang nilisan ang mundo ng sangkabaklaan. Pero kung sya lang naman, I mean... Why not. Willing naman akong magpakarupok para sa kanya. Charr.