Double update? ☺Umuwi na yung mga kaibigan ko pati na rin yung mga propesora. Ni hindi manlang ako tinignan ni Ms. Avi kanina.
Hays.
"Goodbye, Miss Villarreal." Yun lang ang tanging nasabi nya, tapos gomura na sila.
Ouch!
»»»»»
Monday na naman means pasukan na naman. Hays. Lalo lang tuloy ako tinatamad kumilos nang maalala ko yung mga nakaraang kaganapan. Lalo na kagabi Sunday night, I tried to call Ms. Avi, at yayain sana syang kumain sa labas. Trying to taste the water to see if my confession to Ms. Avi will be the reason for us not to talk anymore.
Pero nakaka ouch lang kasi sabi nya, "Sorry, Miss Villarreal, but I have a date with my boyfriend right now." Walang ganang saad nito na may kasamang diin sa salitang boyfriend. After nyang ibaba yung tawag ay nagsimula namang magsipag bagsakan ang aking mga luha.
Another rejection. Ouch!
Ngayon hindi ko alam kung tama pa ba na nagconfess ako sa kanya. Now that it's more complicated than ever, I feel that Ms. Avi is slowly become distant from me.
Napabuntong hininga ako bago tamad na tamad na bumangon sa aking higaan at tinungo ang banyo at nagsimula ng maligo.
Paalis na ako ng bahay. "Ano ba yan, hindi pa ako nakakaalis ng bahay ubos na agad energy ko." Asar na bulong ko sa sarili ko habang papasok ng kotse ko.
I'm gonna use my Tesla Rose Gold. Gusto ko ring mapag-isa kaya sabi ko kay kuya Jerry sa susunod na araw nya na lang ako ipagdrive.
Habang papasok na ako ng campus, parang gusto ko na lang umuwi. Pakiramdam ko kasi ay magkakasakit ako. Malapit na ako sa classroom namin nang bigla kong maramdaman ang pagsikip ng dibdib ko. Gosh, kala ko masikip lang yung bra ko, kaya inadjust ko pa. Kaloka. Tumigil muna ako saglit at marahang hinagod ang dibdib ko. Nagpa-palpitate na naman ako.Meron na lang akong dalawang minuto bago magsimula ang klase. Pagdating ko sa room saktong nag bell naman. Hinihingal akong na upo sa tabi ni Love.
"Ok, ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Love.
Inayos ko yung pagkakaupo ko tsaka sya hinarap. "Y-Yeah." Binigyan ko sya ng pilit na ngiti.
Hindi nagtagal ay nagsimula na rin si Ms. Avi magturo. Nakayuko lang ako the whole time, dahil nahihiya akong tignan sya.
I clung to my seat as I felt like I was going to run out of breath. I closed my eyes as I tried to calm myself down. I tried the breath in, breath out exercise, and it worked.
Nang magmulat ako ng mata, I saw a pair of hazel-green eyes staring worriedly straight at me, but she quickly averted her gaze from me and continued her lesson.
BINABASA MO ANG
L̴o̴v̴i̴n̴g̴ M̴s̴. F̴e̴t̴h̴e̴r̴s̴t̴o̴n̴
RomanceGosh! Kung nakakamatay lang siguro ang karupukan, siguro ay matagal ko nang nilisan ang mundo ng sangkabaklaan. Pero kung sya lang naman, I mean... Why not. Willing naman akong magpakarupok para sa kanya. Charr.