Epilogue
Kung nababasa mo 'to, baka tulad mo rin ako noon. Baka iniisip mong hindi ka mahalaga. O baka minahal mo ang taong sinaktan ka. Pero ito lang ang gusto kong iwan:
Ang pagmamahal, hindi dapat nagpapaliit sa'yo.
Hindi mo kailangan pagdaanan ang impyerno para lang maramdaman na mahal ka.
At kung sakaling pinili mong manatili, gaya ko—sana dahil pinili ka rin niya. Sana dahil pareho kayong willing magbago, hindi dahil isa lang sa inyo ang lumalaban.
Tandaan mo:
You are not unwanted. You are worthy.
The Door Closed, But This Time, It Was Safe.
Bago kami matulog, bumulong siya muli. "Love, isa pa?"
Napataas kilay ko. "After all that positions? May energy ka pa?"
Tumawa siya. "Para sa'yo, palagi."
Natawa na lang ako at dahil isa akong dakilang maharot. Umulit pa kami.
Dati, ang pinto ng kwarto ay daan palabas mula sa sakit.
Ngayon? Ito ang pinto papasok sa panibagong simula.
Pagod man ang katawan, pero ang puso ko'y punong-puno. Pinagmasdan ko ang mukha ng lalaking dati'y halos sirain ako, pero ngayo'y kaya na akong itayo mula sa lahat ng pagkadapa. Nakapikit siya, payapa, parang batang mahimbing sa pagkakatulog.
Napangiti ako.
Love, this is all I ever prayed for.
Naramdaman kong kumilos siya at yumakap muli sa akin. "You're staring again," he mumbled, his voice deep and husky from sleep.
"Kasi ang sarap mong titigan."
"Sana 'di lang titigan," he smirked, eyes still closed.
"Tulog ka na, Wonu."
"Sabi mo 'yan ah, bukas ulit, misis ko."
I rolled my eyes, but I couldn't stop the laugh from slipping. He was annoying—sweetly annoying.
Tahimik na ang paligid, kundi lang sa mahihinang tunog ng aircon at tibok ng puso naming magkadikit, baka akalain mong wala nang mas mahalaga pa sa mundong ito. Kasi totoo naman.
Dito ko napatunayan, ang tunay na pagmamahal ay hindi perpekto. Pero ito ay mapagpatawad. Mapagpalaya. Nakakagamot.
He broke me once. But he also helped build me again.
The difference? This time, I built myself first.
And he chose to stand beside me.
Kinabukasan, habang umaga pa lang at ramdam pa ang init ng katawan niya sa tabi ko, naramdaman kong gumalaw siya. Dahan-dahang hinalikan ang balikat ko.
"Good morning, my wife."
"Good morning, my pervert."
Tumaas lang ang kilay niya. "Pervert ka diyan, e ikaw 'tong humihila sa'kin kagabi."
"Uy, excuse me. Nauna ka!"
"Okay, okay. Let's call it teamwork."
We both laughed. Ang gaan sa pakiramdam. Gaan na hindi ko inakala mararamdaman ko sa lalaking minsan kong ikinaiyak ng sobra.
Habang nagsasalo kami ng breakfast sa balcony ng suite, sa harap ng napakagandang tanawin ng dagat, bigla siyang naging seryoso.
"Thank you for not giving up on me."
Napatingin ako sa kanya. "No, Love. Thank you for proving I made the right choice."
May mga mata kaming nagkatinginan noon na punong-puno ng pangako. Na anuman ang dumating, pipiliin naming ipaglaban ang isa't isa. Hindi dahil kailangan. Kundi dahil gusto.
Hindi lahat ng nasira ay kailangang itapon. Minsan, kaya pang ayusin. Kaya pang buuin.
Basta parehong willing. Basta parehong mahal.
Bumalik kami sa kama pagkatapos. Walang halong init o libog, kundi yakap at himas sa buhok ko. Minsan 'yon ang pinakamasarap. 'Yung alam mong hindi ka kailangang galingan, hindi mo kailangang magsalita.
Yakap lang. Katahimikan. Pusong tahimik rin.
"Do you still remember the first night I said I love you?" tanong niya habang nilalaro ang buhok ko.
"Oo naman. Galit pa ako nun kasi parang ang labo mo."
He chuckled. "I was scared. I never knew love could be this deep."
I smiled. "Kaya nga tayo sinubok ng tadhana. Para matuto."
"At para ma-realize ko na sa lahat ng babae sa mundo, ikaw lang pala talaga."
Hindi ko mapigilan ang luha ko. Hindi dahil malungkot ako. Kundi dahil punong-puno ako ng pasasalamat.
Pasasalamat na ako ang pinili niya. At pinili ko rin ang sarili ko.
This is not just a honeymoon.
This is a homecoming.
Isang pag-uwi sa piling ng lalaking natutong magmahal nang tama. Isang simula ng bagong kabanata kung saan wala na ang sakit—kundi aral na lang ang natira.
At sa mga aral na iyon, binuo namin ang kwento namin. Kwentong nagsimula sa luha, at ngayo'y tinapos ng yakap. At may kasama pang Jeon.
Mahal kita, Wonu. Noon, ngayon, bukas.
At kahit ilang ulit pang magbago ang mundo...
Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin.
Forever starts today.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife
RomanceI thought marriage would be beautiful. Akala ko sapat na ang pagmamahal ko para sa aming dalawa. Akala ko kapag pinili mo ang isang tao araw-araw, matututunan ka rin niyang piliin. But I was wrong. He never looked at me the way I looked at him. He...
