Beginning

744 13 3
                                    



Varsity.


"Tine! Hindi ka ba pupunta sa gymnasium, para manood ng practice game ng varsity ng school natin?" Naka pangalumbaba sa harap ng desk ko ang kaibigan ko ng tinanong niya iyun sakin.


Umiling ako. Marami pa kong gagawin bukod sa thesis ko ay may research at report pa akong kailangang taposin ngayong week, kaya sa tingin ko ay hindi nako makakapunta pa sa practice game ng varsity nila kuya Aljur.


"What?! Baka mag tampo ang kuya mo niyan?" She ask me worriedly kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya.


"Kuya will understand my excuse. At isa pa pupunta rin naman ako sa game nila kapag totoong laban na." I told her at mukha naman siyang nabigo sa sinagot ko.


Bumontong hininga siya at saka tuloyang pumangalumbaba sa lamesa ko. Para siyang naging matamlay na ewan?


"Ryzel? Are you okay?" Marahang tanong ko sa kaniya sabay sarado ng binabasa kong libro at baba nito sa lamesa ko para matignan ko siya ng masinsinan. Anong problema nito?


Naka tago parin ang mukha niya sa lamesa ko ng sagotin niya ko, "Malungkot lang ako." She said na parang naiiyak. Anong nangyari sa babaeng to?


Bahagyang tumaas ang isang kilay ko sa kaniya.


"Bakit ka naman malulungkot?" Nagugulohan kong tanong sa kaniya.



"Gusto kong pumonta sa game pero wala akong makakasama! Pumonta na tayo Florentine! Sige na, please!" Bigla siyang umahon sa lamesa at tumingin sakin ng namumungay ang mga mata.

"Eh, bakit? Ano namang gagawin mo don?" I ask her curiously at ngumoso naman siya sa harap ko.



"Gusto ko lang siyang makitang maglaro sa Court!" Sabi niya habang naka nguso sa harapan ko.



"Si tristan nanaman ba to?" Humalukipkip ako sa harap niya at bahagyang nag taas ng isang kilay, mas lalo lang siyang ngumoso sakin na parang batang paiyak na.




"Hindi mo parin ba siya titigilan ryzel? Pinahiya kana niya sa harapan ng maraming tao diba? Tapos ganto, Mag paparamdam ka nanaman ulit sa kaniya na parabang walang nangyaring pangmamahiya sayo? Are you crazy?" Hindi kona napigilan ang sarili kong sermonan siya dahil sa katangahan niyang pinapairal.



Ilang beses na siyang pinahiya ni tristan sa harap ng maraming tao, at hindi nako makakapayag pa ulit na mangyari iyun sa kaniya kaya ko siya sinasampal sa katotohanan ngayon.



"Hindi naman na ako lalapit sa kaniya tine, eh!" Sagot niya pa sakin na ikinairap ko nalang sa kawalan.




"Pano kong awayin ka lang nila don? Kahit na sabihin mong hindi mona siya lalapitan pa, ay marami paring mag e-illusion na pumonta ka'ron para sa lalaking iyun! Hindi mo ba yun naiisip hah?" Kalmado kong sambit sa kaniya at mukhang paiyak na talaga siya sa harap ko, kaya wala na akong nagawa kundi ang magpakawala ng hangin at tumango sa kagustohan niya.



Bahala na kong ano mang mangyari! Basta maging masaya lang ang kaibigan ko, i will support her no matter what happen inside of that gymnasium.


"Pumapayag kana?" Para siyang nabuhayan ng loob ng makita ang pag tango ko ng bahagya sa kaniya.



"Ano pa bang magagawa ko? Edi samahan ka. Alangan namang hayaan lang kitang ma-bully don," kalmado ngunit sarkastiko kong sagot sa kaniya.



Ngumiti ng malapad sa harap ko si ryzel at akmang tatayo na para yakapin ako ng matigilan siya, dahil sa pag pasok ng grupo nila tristan sa classroom namin.



Tumahimik ang buong classroom ng dumating ang buong grupo ng varsity. Agad nag tungo ang grupo nila sa kinaroroonan ng isa pa nilang kasamahan sa varsity na kaklase naman namin.


It was the cold and mysterious Cyber Ellienzo Hidalgo Tañarez.


"Bro! Kanina ka pa namin hinahanap, Hindi ka namin makita! San kaba nag punta?" Si tristan ng makalapit kay lienzo.


Bumaling ng tingin si lienzo sa kaniyang mga ka-grupo at ngumisi. "I was in the Library the whole time." He said to them Cooly and smirk.


"Seriously? Ang sipag mo naman mag aral kong ganon!" Nag halakhakan sila matapos iyung sabihin ni tristan.


Napairap ako sa kawalan, habang mariing tinitignan ang grupo nila. Nakakainis!


Tanging ang halakhakan at mga paguusap lamang ng grupo nila ang maririnig sa buong classroom, dahil walang ni isang nagtatangkang mag salita sa mga kaklase namin o gumawa manlang nang kahit anong ingay mula sa kanila.



"Enzo, alam mo bang ikaw ang pangunahing inaabangan ng mga chicks don sa gymnasium!" Ngumisi iyung isang lalaking nag sabi noon kay lienzo at nagsi halakhakan naman ang grupo nila, ganon din si lienzo na wagas kong maka ngisi ngayon sa harapan nila.



Tss,..mga playboy nga naman!



"Tine! Tine!" Nabaling ang attention naming lahat sa kaibigan kong bading na kakapasok lang sa classroom namin, at walang kaalam-alam sa kung sinong mga nasa loob ng classroom.


Biglang napatakip ng bibig si Yuki ng mapagtanto kong sino ang mga nasa loob, na ngayon ay pare-pareho ng naka tingin samin. Dumiretso siya sa lamesa ko habang naka tikom ang bibig at saka tumalikod sa mga taong nasa harapan namin.


Nanatili lang naman akong nakahalukipkip sa kinauupoan ko, at hindi nag papatinag sa paraan ng pag tingin nila samin.


NaKita kong tumaas ang isang kilay ni tristan at ngumisi habang pinapasadahan kaming tatlo ng tingin. The heck? Suntokin ko yang baba mo eh!


Napunta ang paningin ko kay lienzo na kaharap lang ni tristan. He's looking at us without expression on his face. Umawang ang labi niya ng makitang naka tingin ako sa kaniya at saka lamang siya nag iwas ng tingin sakin ng mahinang tumawa ang kaharap niyang si tristan.


"Tine! Bakit hindi mo sinabi sakin na may bisita pala tayo sa classroom?" Mahina ngunit mariing sambit sakin ni yuki na ngayon ay parang hiyang-hiya na dahil sa lakas ng boses niya kanina. Tumitili pa kasi siya kanina, Kaya ayan! Kahihiyan ang inabot niya sa ibang tao.


Umirap ako habang naka halukipkip sa harap niya. "Pakialam ko?" Sabi ko sa kaniya ng walang pag aalinlangan.



Pinanlakihan ako ng mata ni yuki sabay senyas sa may likod niya, kong saan naroon ang grupo ng varsity na pare-parehong naka tingin samin.



Tumingin ako kay ryzel ng mapansin kong kanina pa siya tulala sa kinauupuan niya.



"Your Reziah Florentine, right?" Biglang lapit ng isang lalaki sakin na kabilang din sa grupo nila Tristan.


Umangat ang tingin ko sa kaniya at nakita kong sobra siya kung maka ngiti sa harap ko. Tss,.. feeling naman gagana sakin yang mga taktiko nilang puro bulok. Imbis na sagotin siya ay dumiretso ako ng tayo at nag taas ng kilay sa kaniya.


Dinampot ko ang backpack ko at tsaka ko sinakbit sa balikat ko. "Raegan nga pala." Naka ngiti pang pakilala niya sakin.


Ngumiti rin naman ako sa kaniya ng plastic. "Ako nga. Nice meeting you." Maangas kong sambit sa kaniya, bago ako deri-deritsong umalis ng classroom at iniwan sila sa loob ng classroom.

Agad namang sumonod sa likoran ko sila ryzel at yuki, na Parang walang Nangyari.



Don't Mess With My Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon