Gymnasium
"Sis! Sis! Reziah!" Agad akong napatigil sa paglalakad sa may hallway ng marinig ko ang boses nila Ryzel at yuki na parehong tumatawag sa pangalan ko.
Nakita ko silang dalawa na tumatakbo palapit dito sa may kinaroroonan ko, para silang nagmamadali na maabotan ako at para bang may importante talaga silang pakay sakin dahil sa ayos nila ngayon. Hinihingal silang dalawa pareho nang tumigil sila sa mismong harapan ko.
Napatukod pa si yuki sa magkabilaang tuhod niya ng tumigil na silang dalawa sa pagtakbo ni Ryzel. Mukhang ang layo ng tinakbo nang dalawang to ah? Hinahabol parin kasi nilang pareho ang mga hininga nila Hanggang ngayon.
Tinaasan ko lang naman sila ng isa kong kilay para mag tanong kung bakit at anong problema nilang dalawa, ng pareho silang mag angat sakin ng tingin. Mukha parin kasi silang pagod na pagod Hanggang ngayon dahil sa kakatakbo nila papunta dito sa may gawi ko.
"Wait---lang! Grabe nakakahingal talagang tumakbo!" Reklamo pa ni yuki habang nakatukod parin ang mga kamay niya sa may tuhod niya.
Pinilit pa muna nilang dalawa na pakalmahin ang mga sarili nila, samantalang ako naman ay humalukipkip lang sa harapan nila habang pinapanood silang habolin pareho ang mga hininga nila.
Ano bang nangyayari sa dalawang to?
"Kulang kalang kasi talaga sa Exercise, Yuki! kaya madali kang mapagod at hingalin!" Halakhak naman ni Ryzel kay yuki na umirap lang naman sa kaniya, at hindi na nagsalita pa dahil sa pagod na nararamdaman niya.
"Anong problema? may nangyari ba?" Hindi nako naka tiis kaya naman nagtanong nako sa kanilang dalawa.
Pareho naman nila akong binalingan, pagkatapos ko yung itanong sa kanila.
"Actually, Oo! Rez, mukhang magkakagulo ngayon sa may basketball Court! Sa loob ng gymnasium!" Si ryzel ang sumagot sakin non na parabang nagaalala talaga siya sa mangayayaring gulo ngayon sa may court ng gymnasium.
Kumono't naman ang noo ko sa kaniya.
"Bakit? What happened? Sino ba ang mga taong manggugulo don?" Walang pakialam na tanong ko naman sa kaniya.
Pareho naman nila akong tinignan ni yuki na parabang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.
"Wag ka ngang tanga! Syempre hindi ka naman namin sasadyain dito kung wala kang kinalaman sa mangayayaring gulo diba?!" Inis pang singhal sakin ni yuki, kaya napaayos ako mula sa pagkakatayo ko.
"Pucha, ang sakit pa ng tuhod ko kakatakbo!" Reklamo niya pa bago siya tuloyang umayos ng tayo.
"Ano ba talagang nangyari? Diretsohin niyo na nga akong dalawa?" seryusong tanong ko naman na sa kanilang dalawa.
Tumikhim pa muna si Ryzel bago niya tuloyang sabihin sakin ang lahat ng mga naging pangyayari, at kung bakit napunta pa sa puntong magkakainitan na sa loob ng gymnasium ang Buong varsity at ang grupo nila Kenzo Saldivar.
Pagkatapos yung sabihin sakin ni miya ay wala na nga akong inaksaya pa na oras, at agad na rin naming tinahak ang daan patungong gymnasium bago pa tuloyang magkagulo don.
Nang tuloyan na nga kaming makarating sa loob mismo ng gymnasium, ay kapansin pansin agad ang dami ng mga estudyanting mukhang nakiki usyoso rin sa magaganap na gulo sa gitna ng Court ng gymnasium.
Tuloy tuloy at deri deritso lang ang naging lakad ko, hanggang sa mahagilap ng mga mata ko ang pinagmumulan ng tensyon mula dito sa may loob ng gymnasium. Kita ko agad ang grupo nila Enzo na nakikipag tagisan ng masamang titig sa kabilang grupo na Mukhang isang Saldivar ang namumuno. Ramdam na ramdam ko ang namumuong tensyon sa pagitan nilang lahat. Parang mayamaya lang ay magsisimula na rin silang magpalitan ng suntok at mag rambolan sa mismong mga kinatatayoan nila ngayon.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With My Girlfriend
ActionTAGALOG - ENGLISH Teenfiction Novel#1 "The cover photo is not mine, it's from Pinterest." I haven't edited this manuscript yet. so there is a very high possibility that I have so many wrong Spelling or Grammaritically errors in this story. Yung Sim...