Inlove
Tahimik at magisa lamang ako dito sa loob ng classroom. Bakante ang subject namin ngayon sa Oral Communication kaya naman napili kona lang mag take ng notes para sa iba pang subjects, para sa mga paparating pa na Quizzes O long test ngayong Fourth Quarter.
Natigil ang kamay ko sa pagsusulat ng biglang may itim na telang tumakip sa mga mata ko. What the hell? Magrereklamo na sana ako sa taong nagtakip non sa mga mata ko ng biglang marinig ko ang boses ng mga taong may pakana nito.
Ano nanaman bang trip ng mga siraulong to? Ang lakas naman ng loob nilang idamay ako sa mga kalukuhan nila!
"Ano bang kailangan niyo? May nalalaman pa kayong patakip-takip sa mga mata ko eh, no? Ang lakas naman ata ng trip niyo!" Singhal ko sa kanila at rinig ko naman agad ang mga hagikhikan nila sa paligid ko.
"Hey, Chill ka lang miss boss! Sakyan muna lang tong trip namin! Diba guys?!" Kung nakakakita lang ako ngayon ay gusto kong taliman ng tingin tong si Nico, dahil ang lakas ng sapak niya.
"Kaya nga, sumakay kana lang boss!" Kahit naka piring ang mga mata ko ay alam kong si Raegan ang nagsabi non.
"Ipaubaya mo muna samin to, Reziah!" umangat ang isang kilay ko sa sinabing yun ni Ej.
Anong pakulo ng mga Tukmol nato? tsk.
"Kaming bahala sayo! Siguradong mamamangha ka mamaya sa makikita mo!" Segunda naman ni Nickson.
"Gagi! Exciting to! First time, tangina!" Si prince yun habang humahalakhak.
"Tangina mo prince! wag kang maingay!" Paninita naman ni Simon sa kaniya.
Seriously? Anong kalukuhan ba to?
"Mga baliw! Wag niyo akong idamay sa mga kalukuhan niyo!" Naiinis ko namang Singhal sa kanila.
Hagikhikan at tila ba nagpipigil lamang silang tumawa dahil sa sinabi ko sa kanila.
"Sheshh. . .Ano ka ba naman boss, hindi kaya kalukuhan tong pinaghandaan namin para sayo no'h!" Wika naman ni Aron, na agad ring sinang ayunan ng iba. Ibang klase talaga.
"At tsaka alam mo bang, First time niya lang tong gagawin sa tanang buhay niya? Relax ka lang Boss, Hayaan mong Isurpresa ka namin kahit wala namang okasyon!" sambit rin ni Vince, bago ko narinig ulit ang mga pagbubulong bulongan nila sa paligid ko.
Parang mga bubuyog lang ah!
Pinag cross ko ang dalawang braso ko sa dibdib ko at hindi na umapila pa sa kung anomang gusto nilang gawin sakin ngayon. Pababayaan ko nalang sila sa kalukuhan nilang to!
"Aalalayan kitang tumayo, Rez." Naramdaman ko ang presenya ni simon sa may likoran ng inuupuan kong silya dito sa loob ng classroom.
Tumango nalang ako ng tipid sa sinabi niya.
Inalalayan akong maka tayo ni Simon sa kinauupoan ko, rinig ko naman ang pag urong ng Lamesa na nasa harapan ko, marahil ay inurong nila yun para hindi ako mabunggo o masagi manlang.
"Siguradohin niyo lang talaga na matutuwa ako sa gagawin niyong to. Kung hindi? Ibibitin ko kayo sa botas ng ring isa isa!" Pagbabanta ko naman sa kanila na agad rin nilang ikinatawa. Tsk. akala ba nila ay nagbibiro lang ako? Pwes hindi! Talagang ibibitin ko sila sa botas nang ring ng patiwarik!
"Chill! Relax! Nakakatakot ka naman, Rez!" Tumatawang Sambit naman ni prince mula sa may likoran ko.
"Ikaw talaga ang uunahin kong ibitin patiwarik, Prince tandaan mo yan!" Angil ko naman sa kaniya na agad ring ikinatuwa ng iba.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With My Girlfriend
ActionTAGALOG - ENGLISH Teenfiction Novel#1 "The cover photo is not mine, it's from Pinterest." I haven't edited this manuscript yet. so there is a very high possibility that I have so many wrong Spelling or Grammaritically errors in this story. Yung Sim...