Spades
Naka sunod lang ako sa may likoran ni Vincent habang papasok kami sa may mismong looban ng King's ground.
Katulad nga ng mga ingay na naririnig ko magmula pa kanina sa may kabilang linya ni Vincent, ay ganon parin ka-ingay Hanggang ngayon.
Gusto kong takpan ang tenga ko dahil sa sobrang ingay, at bukod pa don ay napaka gulo rin ng mga taong nandito sa loob ng parang Casino. Nagkalat kasi ang iba't ibang mga illegal na pasugalan dito, na pinapalibotan at pinagkakatuwaan naman ng mga taong nandito.
Mukha silang nagkakatuwaan sa kaniya kaniya nilang mga nilalaro at pinagpupustahan.
Poker, Spanish 21, Roulette, Blackjack, table games, Baccarat, Billiards at Craps ang karaniwang nilalaro ng mga taong nandito sa first floor ng King's ground.
Nasa loob ng suot suot kong jacket ang magkabilaang kamay ko, dahil medyo malamig lamig rin sa loob ng underground Casino nato.
Bukod sa marami na ngang Customer ang nasa loob ng Casino, ay nagkalat pa sa iba't ibang sulok ng pasilidad ang malalaking bouncer at gwardiya ng Illegal na Casino nato.
Mapapansin talaga ang higpit ng siguridad sa loob ng casino nato. Hindi ka kaagad makakapasok kung wala kang patunay na isa ka nga sa mga karaniwang customer nila dito. Tsk!
"Nasa Third floor pa ang Battlefield, Rez. Pasensya na talaga sa abala, hah! ikaw nalang kasi ang mahihingan namin ng tulong para lang umatras si Enzo sa Kontratang pinirmahan niya kay Loffy. Alam mo naman siguro ang ugali ng Captain namin, diba? Hindi siya nagpapaawat sa kahit sino, basta ang mahalaga lang sa kaniya ay ang masunod ang gusto niya!" Mahabang sinabi pa sakin ni Vincent, habang dire-diretso ang lakad namin papunta sa may elevator nitong king's ground.
Naka lugay ang bagsak na buhok ko, kaya tinali ko yun gamit ang panali ko sa may buhok na naka porselas lang naman sa may wrist ko.
"Tsk, Ang Sabihin mo ay hindi lang talaga nagiisip ng matino yang Captain niyo! Naturingan paman din siyang leader, pero mas nagmukha pa siyang pasaway na miyembro ng grupo niyo!" Singhal ko naman sa kaniya.
"Alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit siya nagkakaganiyan, diba? He's mad. And jealous." Tumaas ang isang kilay ko ng balingan ko ng tingin si Vincent na nasa tabi ko lang naman.
"At saan naman siya nagseselos?" Inangatan niya rin ako ng dalawang kilay niya.
He smirk.
"Sino pa ba sa tingin mo ang pagseselosan ng lalaking patay na patay sayo, Reziah?" Naka ngisi pa siya ng mala demonyo sakin, nang sabihin niya yun.
"Sinasabi mo bang ako ang dahilan ng pagseselos at Galit niya?" Naniningkit na ang mata kong naka tingin sa kaniya.
kinagat naman ni Vince ang pang ibabang labi niya, para lang pigilan ang pag ngiti niya.
"Kahit naman hindi ko sabihin, alam kong alam mo ring ikaw ang dahilan ng pagiging suplado at palaging galit ng Captain namin sa mga araw na nagdaan nato, Rez." Aniya pa.
Sabay kaming humakbang papasok sa loob ng Elevator, at agad namang pinindot ni Vince ang Third floor nitong king's ground.
Alam ko ang punto ni Vince. Siguro nga tama siya? Pero pwede rin namang mali, diba? Hindi naman porket nagka-ilangan kami ng ilang araw ni Enzo ay maaaring ako na nga ang pinagmumulan ng galit at yung sinasabi ni Vince na pagseselos niya.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With My Girlfriend
ActionTAGALOG - ENGLISH Teenfiction Novel#1 "The cover photo is not mine, it's from Pinterest." I haven't edited this manuscript yet. so there is a very high possibility that I have so many wrong Spelling or Grammaritically errors in this story. Yung Sim...