My brother Ex-girlfriend
Isa-isa kong pinag tatapik ang mga lalaking natutulog dito sa may sala namin, at agad naman silang isa-isang nagising dahil sa lakas ng tapik ko.
Mapupungay pa ang mga mata nila ng magising sila. Ang kahuli-hulihan kong ginising ay si kuya na parang nananaginip pa, dahil sa mga sinasabi niya.
"Don't leave. please. . .i beg you, please. . .i love. .you. . .please. Don't leave me yet," Si kuya gamit ang napapaos niyang boses.
Parang kinukurot ang puso ko ng makita ko ang kapatid kong naka pikit habang may luhang paunti unting tumotulo sa kaniyang dalawang mata. Tinigil ko ang paggising sa kaniya. Siguro ay hahayaan ko na muna siyang makapag pahinga sa ngayon.
"Tine," napalingon ako kay nanay lordes ng tawagin niya ko.
Nakita kong may dala-dala ng kumot si nanay lordes na agad niya namang iniabot sakin. Kinuha ko kay nanay ang kumot at pinuntahan agad si kuya para kumotan.
"Salamat po, nanay lordes." Marahang Sambit ko kay nanay matapos kong makumotan ang kapatid ko na mahimbing paring natutulog ngayon dito sa may Couch namin sa sala.
Tumango naman sakin si nanay at ngumiti ng tipid, bago niya kami tuloyang iwan lahat dito sa may sala.
Nanatili akong naka luhod sa harapan ni kuya at pinag mamasdan siyang mahimbing na natutulog sa may Couch.
"He's broke." Narinig ko ang malamig na boses ni lienzo sa likoran.
Hinaplos ko naman ng marahan ang buhok ni kuya na magulong magulo na ngayon. "Simon, told me that already." I said as i stood up and turn to them.
Humarap ako sa kanila at nakita kong naka upo na silang lahat ngayon sa pa u naming couch. Humihigop na ng sabaw ang iba sa kanila at ang iba naman ay piniling mag tubig at juice nalang muna.
"Thanks for helping my brother," Sambit ko sa kanila, at lahat naman sila ay diretsong naka tingin lang sakin.
Tumikhim ako at tsaka naupo sa may katabing pang isahang sofa.
"Don't worry, rez. Parang kuya narin ang turing namin sa kuya mo. Kaya hindi namin siya kayang pabayaan," Si prince kaya napabaling ako sa kaniya at ngumiti.
"He's my only brother," i told them and their all looked at me with their apologetic eyes.
"Kapatid at tropa na ang tingin ko kay kuya." Sambit ko pa sabay sulyap sa natutulog kong kuya at ganon din naman sila.
Tumingin sila kay kuya at pagkatapos ay sakin ulit. Kaya nag patuloy ako sa pag sasalita.
"Una sa lahat ayaw kong nakikitang nagkaka ganito siya. . .Masakit para sakin bilang kapatid niya ang makitang nagkaka ganito siya." Seryuso ko pang dagdag sa kanila at seryuso rin naman silang nakikinig sakin.
"All this time, ngayon ko palang siyang nakitang nasaktan at nag pakalasing ng todo. I wonder, who's the girl behind this." Napansin kong napalunok ng malalim si Nico ng sabihin ko yun, umiwas siya sakin ng tingin pagkatapos.
I bit my lower lip as i looked at my brother sleeping peacefully in our couch. Muli kong ibinalik ang paningin ko sa kanilang lahat.
Katulad kanina ay seryuso parin ang tingin nila sakin. Napa tingin ako sa mga mata ni Enzo na naka tingin rin ng diretso sa kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With My Girlfriend
ActionTAGALOG - ENGLISH Teenfiction Novel#1 "The cover photo is not mine, it's from Pinterest." I haven't edited this manuscript yet. so there is a very high possibility that I have so many wrong Spelling or Grammaritically errors in this story. Yung Sim...