Chapter 2

211 11 0
                                    


Mineral water


Pagkatapos nilang mag pakilala sakin isa-isa ay tinawag narin sila ni kuya, para makapag umpisa na sila sa practice nila. Dumating narin kasi si Lienzo na may dalang mga pagkain katulad ng milk tea, burger, at fries.

Mag isa lang ako ditong kumakain sa may monoblock chair, dahil lahat sila ay nasa court na at naglalaro. Pinapagalitan sila ni kuya paminsan minsan kapag may nagkakamali ng taktiko sa kanila.


Smooth at maayos ang laro nila lienzo at tristan, kaya hindi sila nasisita ni kuya. Samantalang kanina pa pinapagalitan ni kuya ang iba pa nilang mga ka-grupo. Nakikipag high five si tristan sa kaniyang mga kakampi tuwing nakakalamang sila ng puntos sa grupo nila lienzo, habang si lienzo naman ay ngumingisi lamang sa kaniyang mga kalaban tuwing sila naman ang nakakalamang ng puntos kila tristan.


"Prince! Ipasa mo na yung bola!" Si tristan sa iritang tono, dahil hindi pa pinapasa ni prince ang bola kahit na pinapalibotan na siya nila lienzo.


"Maaagaw ni Enzo! Kapag pinasa ko sa inyo!" Sigaw naman pabalik ni prince kay tristan, habang dinidrible niya ang bola at mariing naka tingin sa magiging galaw ni lienzo.



"Gago prince! Wag lang si Enzo ang problemahin mo! Pinapalibotan kana nila kaya ipasa mona kay nico!" Si simon na ka-grupo rin nila Tristan.



Ngumingisi na ngayon si lienzo habang tinitignan ng maigi ang bolang dinidrible ni prince. Mayamaya pa ay gumawa ng hindi kapani-paniwalang move si lienzo kong kaya't na agaw niya kay prince ang bola at dineritso niya iyun sa ring. Tatlong puntos agad ang napunta sa grupo nila Enzo kong kaya't malayo-layo na ang lamang nila sa grupo nila tristan.


Ilang mura ang pinakawalan nila Tristan at ng mga ka-grupo nito ng makalamang nanaman sila lienzo ng tatlong puntos, laban sa grupo nila.


Humalukipkip si kuya habang pinapanood ang laban ng dalawang grupo na may parehong magagaling na lider.

"Tsk, tsk, tsk. Napag iiwanan na ang grupo niyo tristan! Ayusin niyo! At sa grupo mo naman lienzo, magaling!" Sigaw ni kuya sa kanila, ngumisi lamang si lienzo kay kuya habang sumeryuso naman ang mukha ni tristan habang binabantayan ang bola na nakay lienzo na ulit.


Paulit-ulit si lienzo sa pag didrible ng bola habang nililito ang grupo nila tristan, napapangisi naman ang mga ka-team niya dahil sa ginagawa niya sa mga ito. Inis na tinignan ni tristan si lienzo at ng mawala ang paningin ni tristan sa bola ay agad itong ipinasa ni lienzo kay Nickson, kong kaya't na dunk naman agad ni nickson ang bola papasok sa may ring ng walang kahirap-hirap.


"Tangina! Ba't di niyo tinitignan ang iba! Kaya tayo natatalo eh!" Si tristan sa pikon na tuno.


Tapos na ang laro dahil pumito na si kuya, at ang nanalo ay walang iba kundi ang team nila lienzo na naka sampung puntos laban sa team nila Tristan na naka limang puntos lang.

Lumapit si kuya kay lienzo at nakipag high five dito, bago sila lumapit kila Tristan na iritado parin dahil sa pagkatalo nila.


"Easy tristan! Practice palang to. Ang kailangan niyong gawin ay ang mag practice pa ng mag practice, pagdating sa crossover at tsaka sa pagdedefend ng bola." Pangaral naman ni kuya kila Tristan.


Kinuha ko ang isang box na biniling mineral water ni lienzo kanina, at tsaka ako pumonta sa kong nasaan silang lahat. Naka upo na silang lahat sa sahig ng court para makapag pahinga sa laro. Puro na sila mga pawisan at hinihingal pa dahil sa laro nila kanina.


Don't Mess With My Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon