Chapter 61

77 6 2
                                    




Move's

Nandito kaming lahat ngayon nila Coach sa may chess training room, Sa Isang university sa manila, kung saan gaganapin Ang napakalaking Competition sa chess. Nakapamulsa lang Ang magkabilaan Kong kamay sa may suot suot Kong Sports varsity jacket ng chess club. Habang naka sandal Naman Ang likod ko sa inuupuan Kong silya.

Nagpapanic at halatang ninenerbyos Ang mga kasamahan ko Dito Sa loob ng room, dahil sa magaganap mamayang competition. Kasalukuyan palang Kasi kami ngayong pinaghahanda ng mga organizer nitong sports event, kung kaya't labis labis Ang pangambang bumabalot Ngayon Hindi lang sa mga Kasamahan ko Dito Sa club, kung Hindi pati narin sa mga taong naniniwala at patuloy na sumosuporta sakin, katulad nalamang ng mga estudyante sa CDO na napili pang pumanta ng manila para lang maipakita Ang suporta nila para sa school namin at syempre, Saming dalawa ni Bryan na siyang lalaban at magdadala ng karangalan para sa school.

"Hey, pahingi Naman ng confidence mo Reziah! Mukhang Hindi ka kinakabahan diyan eh, dinaig ka pa namin na Hindi naman lalaban sa chess, pero grabe kami kung kabahan sa magiging laban niyo." Napaangat Ako ng tingin Kay Russel ng lumapit Siya sakin at sabihin iyun.

"Kung tutulad Ako sa inyo at kakabahan din. Siguradong Uuwi tayong bokya. Kaya tiwala lang Russel, Makukuha natin Ang karangalan nato para sa school. Don't be nervous and think positive, para naman Hindi Tayo dapoan ng malas." Ani ko Naman sa kaniya na ikinangisi Niya lang sakin.

"Ibang klase ka talaga, kaya Sayo Ako eh!" pagbibiro Niya Naman sabay tapik sa kaliwang balikat ko.

Napangisi at napailing iling nalang Naman Ako sa kaniya. Nag angat Ako ng tingin ng tawagin Ako ni coach. tumayo Ako at napagpasyahang lumapit sa may gawi Niya.

"Bakit coach?" I ask at bumaling Naman sa ibang direction si coach na tila may hinahanap.

"Gusto Ka daw kausapin ni Enzo, kaya maiwan muna namin kayong dalawa Dito hah." Aniya sabay ngiti at tapik sa balikat ko, bago Siya tuloyang umalis Kasama Ang iba naming mga Kasamahan Dito sa loob ng training room.

Pagkaalis na pagkaalis Naman ng mga Kasamahan ko ay Ang siyang pagpasok Naman ni lienzo sa may loob ng room, kung saan Ako nalang magisa Ang naiwan. Napataas Ang Isang kilay ko ng Makita kong May Dala Dala siyang Isang bouquet ng iba't ibang klase at makukulay na bulaklak sa kaniyang Isang kamay, at sa kabila Niya namang kamay ay makikita Ang hawak hawak niyang Isang maliit na paper bag na Hindi ko alam kung Ano Ang nasa loob.

Ano nanaman kayang pakulo ng Isang to?

"Hmm...?" tanging nasabi ko ng makita kong naglalakad na Siya papalapit sakin, Hanggang sa mahinto na Siya sa mismong harapan ko.

"Para saan Naman yan?" nakataas Ang Isang kilay na tanong ko sa kaniya ,at tsaka ako humalukipkip sa harapan Niya habang naka tingin sa kaniya ng may panunuya.

He look at me with a smile and happiness  plastered on his handsome face.

He looks so happy and proud while still looking at me.

Hindi ko rin tuloy maiwasang Hindi mapangiti dahil sa mood na ipinapakita Niya Ngayon.

"For you. I know you already knew this, but. I want you to hear me out again." Aniya habang nakalahad sakin Ang bouquet ng bulaklak na may matitingkad na iba't ibang kulay.

Tinanggal ko Ang mga kamay ko sa pagkakahalukipkip at tsaka ko inabot mula sa kaniyang isang kamay Ang bulaklak na iniaabot Niya sakin.

Pilit Kong itinatago sa sarili ko Ang ngiting gustong gusto ng kumawala sa aking labi.

I don't know, but this feeling is so unusual to me through.

Muli akong nag angat ng tingin sa kaniya at Nakita ko Naman agad Ang mga titig Niya sakin na kakaiba. He looks so serious now. Ang bilis ng mood ah? tsk.

Don't Mess With My Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon