Invited
Sila kuya aljur ang nanalo sa first Quarter pero bumawi naman sila kuya cleo sa second Quarter, at ngayong third Quarter ay magkakaalaman na kong sino ang talagang mananalo sa dalawang team.
"Go aljur my love!!!wohhh kaya mo yan!!"
"Mahal kita tañarez!!!"
"Tristan!! I love you!!"
"Cleo! Bumawi kayo!! wohh!! kaya niyo yan!!"
"Go Simon!!!"
"EJ ang gwapo mo!"
"I love you ENZO!!!"
Sakit sa tainga! Kailangan ba talagang sumigaw! Pwedi naman manood nalang ng tahimik ah! Nakakabadtrip naman tong mga babaeng to.
"Ang ingay." Reklamo ko, pero ako lang din ang naka rinig dahil sa sobrang ingay at tilian ng mga kababaehan sa buong court
Naka halukipkip ako sa may inuupuan kong bleachers habang seryuso at tahimik na pinapanood ang laro sa court.
Pantay na ang laban ngayon dahil naka puntos ng tres si tristan kanina. Nakay kuya aljur na ang bola ngayon at mabilis siyang umiilag sa mga mag tatangkang kunin sa kaniya ang bola. Dinidrible ni kuya ang bola habang patuloy sa pag dipensa ng bola laban sa grupo nila kuya cleo.
Naka bantay kay kuya aljur sila kuya cleo at tristan, habang nasa likod naman nila kuya cleo sila lienzo at nag hihintay na ipasa ni kuya ang bola sa kaniya. Mabilis na pinasa ni kuya ang bola kay lienzo at agad namang na catch ni lienzo ang bola, at saka mabilis na tumakbo at umiwas sa mga kalaban para maka hanap ng pwesto at ma i-shoot ng sakto ang bola papunta sa ring.
Malapit ng matapos ang oras at hindi parin na i-shoshoot ni lienzo ang bola papasok sa ring kaya pantay parin ang score ng dalawang grupo.
5,.....tumakbo ng mabilis si lienzo papunta sa gitna ng court habang patuloy na nag didipensa ng bola laban kila tristan at kuya cleo
4,.....patuloy parin siya sa pag didrible
3,.....nakikita kong nag papanic na sila kuya at ang buong team nila, dahil hindi parin maka hanap ng tiyempo si lienzo sa pag shoot ng bola sa ring
2,....nag high jump si lienzo kasabay non ang pag tapon niya ng bola papunta sa ring, na ikina gulat nila kuya cleo at ng iba pa
1,....Mataas ang naging talon ni lienzo at para bang nag slow motion ang pagkaka hagis niya ng bola papunta sa ring
Hanggang sa,....
Saktong pagkaka 0:00 ng oras ay ang siyang pag pasok ng bola sa ring, kaya agarang nag wala ang buong fans ng grupo nila kuya aljur. Ewan ko ba kung bakit at papano sila nagkaroon ng fans.
Nag halakhakan lang sila kuya sa may gitna ng court at saka nakipag apir kila kuya cleo na mukhang masaya parin sa nangyari.
Walang pikonan na ng yari sa mga players na karaniwang Nangyayari pag dating sa larong basketball. Lahat sila ay masaya at magkakasundo parin sa gitna ng court.
Tumayo kaming dalawa ni miya at pumonta sa kanila.
"Congratulations kuya aljur!" Naka ngiting bati ni miya kay kuya aljur at saka yumakap dito
Agad rin naman siya humiwalay at niyakap rin si kuya cleo na nasa harapan lang ni kuya aljur.
"Okay lang yan kuya. Bawi kana lang next game," paglalambing ni miya sa kaniyang kuya na naka ngiti rin naman at naka yakap sa kaniya
BINABASA MO ANG
Don't Mess With My Girlfriend
ActionTAGALOG - ENGLISH Teenfiction Novel#1 "The cover photo is not mine, it's from Pinterest." I haven't edited this manuscript yet. so there is a very high possibility that I have so many wrong Spelling or Grammaritically errors in this story. Yung Sim...