This Chapter is Dedicated to:
chaylover87Picnic Park
Kinabukasan ay maagang natapos Ang pang umagang klase namin, maaga ring nagpauwi si ma'am Vivian dahil Wala narin Naman daw kaming magiging klase pa sa pang hapon kung kaya't maaga na Niya kaming pinauwi ngayong araw.
Hindi ko Dala Ang sasakyan ko, kung kaya't napagpasyahan Kona lang na Maghintay ng masasakyan tricycle dito sa may paradahan ng mga Sasakyan. Alas dose pa ng tanghali kung kaya Naman ay sobrang init at tirik na tirik pa Ang araw.
Nakasuot lang Ako Ngayon ng plain white T-shirt at tsaka Black Slack na tenernohan ko Naman ng puting Korean style rubber shoes. Itim na crossbody bag lang din Ang Dala Dala Kong bag dahil Alam Kong Wala namang masyadong Magiging klase Ngayong araw.
Kahit na may suot suot na akong itim na sumbrero ay Hindi parin non nagawang takpan, Ang init ng sinag ng araw na siyang tumatama ng diretso sa pagmumukha ko.
Tahimik na Ang school dahil nagsi-uwian narin Ang iba pang mga estudyante mula sa iba't ibang grades, mapa Junior o senior high man katulad namin. Ang tanging naiwan nalang sa loob ay Ang mga Officers ng SSG at Ang mga teacher na mamamahala sa darating na School Festival.
Walang ka-tao tao sa paligid at tanging Ako nalang ata magisa Ang nagaabang ng masasakyan Ngayon Dito sa may gilid ng school. Karamihan Kasi ng mga estudyante Dito sa CDO ay puro mga naka Sasakyan o di' kaya Naman ay mga naka motor, kaya bibihira lang din Ang mga tricycle na nagaabang ng magiging pasahero dito.
Napalingon Ako sa may malawak na parking lot ng school ng Makita ko Ang pinaka pamilyar sakin na Black Sports car na papalapit na Ngayon Dito sa may gawi ko.
Huminto sa mismong harapan ko Ang Sports car ni Lienzo at tsaka nito binaba Ang tinted na bintana ng Front seat para masilip Ako mula Dito Sa labas. Nang tuloyan na ngang mababa Ang bintana ay bumongad agad sakin Ang naka Suot rin ng sumbrero na itim at tsaka White polo shortsleeve na tenernohan Niya ng black cardigan shorts at puti ring rubber shoes.
Bumaling sakin si Enzo at agad na ngumiti ng Makita Ako sa mismong harapan ng bintana ng front seat ng sasakyan Niya.
"Get in. Masyado ka ng nagpapabilad Ri'yan." Aniya at kaagad na In-unlocked Ang pinto ng Sasakyan Niya.
Agad rin Naman akong Sumakay sa front seat dahil Hindi kona rin matiis pa Ang sobrang init ng araw na tumatama sa balat ko. Para na kong masusunog sa labas kung Hindi pa dumating tong lalaking to, para pasakayin Ako Dito Sa loob ng Sports car Niya.
"Hays, Grabe sobrang init ng panahon Ngayon!" Singhal ko pa pagkatapos kung makaupo sa may front seat katabi Niya.
Binuksan agad ni Lienzo Ang Aircon ng sasakyan at Mukhang tinudo Niya pa Ang lamig non, dahil lang sa napansin Niya ata Ang panay paypay ko sa may puting t-shirt na puno na ng pawis ko.
"Your sweating, Here." Napatingin ako sa puting Face towel na iniaabot sakin ni Lienzo, na siguro ay ipinapagamit Niya muna sakin para pang punas sa basang basa Kong pawis.
Hindi nako nag inarte pa at kinuha na iyun mula sa kaniya. Pakiramdam ko ay sobrang lagkit Kona dahil sa tagaktak na pawis ko. Tsk, Ikaw ba Naman Ang magpabilad sa initan habang naghihintay ng masasakyan! Ewan kona lang kung Hindi ka pa pagpapawisan? Tss!
Kita ko Ang panonood sakin ni Enzo sa may gilid ko habang patuloy parin Ako sa pagpupunas ng pawis ko sa may leeg ko. Nakakapang init talaga ng ulo Ang Init ng panahon sa totoo lang!
"What happened? Hindi ka nagdala ng sasakyan?" Tanong niya pa sakin ng Hindi parin Ako matapos tapos sa pagpupunas ng pawis ko.
Umiling Naman agad Ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With My Girlfriend
ActionTAGALOG - ENGLISH Teenfiction Novel#1 "The cover photo is not mine, it's from Pinterest." I haven't edited this manuscript yet. so there is a very high possibility that I have so many wrong Spelling or Grammaritically errors in this story. Yung Sim...