The Comsec is free guys! Don't be shy☺️
I want to know your Opinions about the Story! So, I will be motivated and inspired to create Every chapter of this Novel, Thankyou for Reading guys! Ily😘🥰School Festival
Maingay ang buong Main Campus dahil sa nagaganap ngayong Festival dito sa school. Pagalagala at nagkalat ang lahat ng mga estudyante sa buong Campus dahil sa wala namang Klase ngayon at tanging Events lang ng school ang magaganap ngayong araw.
Magisa lang ako ngayong naglalakad dito sa may School yard ng school, dahil may kaniya kaniya pang trabaho at inaasikaso sila Miya, Yuki at Ryzel sa mga booths at Clubs nila.
Busy si Yuki ngayon sa pagaayos ng Art Galary's ng school, habang si miya naman ay busy sa pag Oorganize ng Events kasama ang iba pang School officers, at samantalang si Ryzel naman ay Busy sa magiging dance performance nila ng Cheerdance team. Walang ganap ang Chess club sa Events, kaya pagalagala nalang ako ngayon dito sa may Campus para makapaglibang at bumili narin ng makakain ko.
Huminto ako sa may harapan ng isang Food stall na nandito lang din sa looban ng Campus. Nakahilira ang bawat Food Stall na may iba't ibang pagkaing Benibenta dito sa may Main yard ng school. Maraming pagkain ang pweding mapagpilian sa murang halaga, kaya naman Hindi masyadong masakit sa bulsa kung bibili ka ng mga pagkain sa bawat food stalls na nakahilira Dito.
"Sampung pisong Fishball nga po, kuya." Bili ko don sa lalaking tindero na mukhang matanda lang sakin ng kaunti.
Dumukot ako ng Sampung pisong Barya sa may bulsa ng suot suot kong Trouser pants at tsaka ko iniabot don sa binatang tindero ng Food stall. Agad naman niyang tinanggap ang bayad ko at ininit saglit ang Fishball na binili ko sa may kumukulong mantika.
"Ikaw si Reziah, diba?" Nag angat ako ng tingin sa lalaking tindero ng kausapin niya ko.
"Kilala mo ko?" Nagtataka kong tanong sa kaniya, na agad naman niyang tinangohan.
"Kaibigan ako ng kuya mo, Kaya medyo nababanggit ka Niya samin." Kumono't ang noo ko sa sinabi niya.
Chismoso talaga si kuya kahit kailan. Biroin mo, pati sarili niyang Kapatid ay ichinichismiss na niya sa mga kaibigan niya! Kumag talaga kahit kailan eh!
"Ano namang pinagsasabi ng kuya ko sa inyo, na patungkol sakin?" Panguusisa ko naman sa kaniya, dahil baka mamaya ay kung ano ano na palang pinagsasabi ng magaling na Tukmol na yun sa mga kaibigan niya, tungkol sakin!
"Hmmm. . .Random eh, Kung ano ano nga lang ang kinukwento niya samin na patungkol sayo, katulad nalang ng galing mo sa paglalaro ng chess, Basketball, At iba pang uri ng mga Sports." Sagot naman niya sakin, habang binabaliktad na niya ang mga fishball na nakaloblob sa may kumukulong mantika.
"Kung kaibigan mo si kuya ay siguradong sa Xavier ka nagaaral?" I ask him at ngumiti naman siya sakin.
"Nope." Agad namang nanguno't ang noo ko sa isinagot niya sakin.
"Kung ganon saan?" Napangisi naman siya sakin ng makita ang sandaling pagiging kuryuso ko sa kaniya.
"Ano yan, curious kana sakin ganon?" Umangat ang isang kilay ko sa kaniya, dahil sa may himig ng panunuya sa boses niya ng sabihin niya yun sakin.
"Curious ako kung bakit at anong ginagawa mo dito sa loob ng Jhs and Shs Campus? Walang malisya yun, Don't Assume too much." Diretsahang sambit ko naman agad sa kaniya, dahilan para matawa siya sakin ng mahina.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With My Girlfriend
ActionTAGALOG - ENGLISH Teenfiction Novel#1 "The cover photo is not mine, it's from Pinterest." I haven't edited this manuscript yet. so there is a very high possibility that I have so many wrong Spelling or Grammaritically errors in this story. Yung Sim...