Chapter 79

45 1 0
                                    


Shadow

Dark and Quiet surroundings, Only the sound of crickets can be heard in the middle of the night.

Nagising ako sa kalagitnaan ng pagtulog ko kanina, dahil sa nakaramdam ako ng paghilam ng tiyan ko. Wala rin naman akong matipohan na kakainin sa bahay, dahil puro mga junk foods lang naman ang nandon. Kaya naman napagpasyahan ko nalang  na Lumabas ng hating gabi para bumili ng makakain ko sa 24 hours Open na Alfamart, dito lang malapit sa subdivision namin.

Magisa lang ako ngayong naglalakad dito sa may Subdivision namin, tanging ilaw lang ng mga poste ang nagsisilbing liwanag sa madadaanan ko. Naka pamulsa pareho ang kamay ko sa loob ng hoodie jacket ko, dahil medyo malamig lamig narin ang simoy ng hangin sa mga oras nato. Naka taklob rin sa ulo ko ang hoodie ng jacket ko.

Kung matatakotin lang sana ako katulad ng mga bida sa napapanood kong horror movie, ay tiyak na maiisip ko ng may taong kanina pa Sumosunod sa likoran ko at nagtatago lamang sa dilim, para hindi ko Siya mahuli. Tsk!


Ilang beses nakong naka panood ng ganong scene sa mga horror movie's na napapanood ko. Medyo pa-suspense pa ang mga sound effects kaya ang ending, magugulat at magugulat ka talaga kahit na hindi naman dapat.


Huminto ako sa tapat ng Poste na may ilaw, dahil naka kita ako ng malaking anino na nanggagaling sa may likoran ko. Psh! Magtatago na nga lang, tatanga tanga pa!

Pinagpatuloy ko pa rin naman ang paglalakad ko at sinigurado ko pang hindi niya malalaman na alam ko ng may sumosunod na saking demonyo.


Anong akala sakin ng gagong to? Hindi marunong makaramdam? psh! Huling huli na nga ang anino niya dahil sa ilaw ng mga poste eh! hindi ba siya marunong magtago sa dilim? tsk.


Nanatili lang siyang naka buntot sa may likoran ko, hanggang sa makarating nako ng tuloyan sa may Alfamart na pagbibilhan ko ng mga pagkain ko.


Pinagsawalang bahala ko lang naman ang presensya niya, kahit na medyo kinakabahan narin ako ng kaunti dahil baka mamaya ay bigla nalang niya akong gawan ng masama sa likoran ko.


Bumili ako ng tig 35 na frozen meal, at tsaka malaking Chuckie. Binayaran ko muna ang lahat ng binili ko sa may cashier bago ako tuloyang lumabas ng Alfamart.

Nilabas ko ang cellphone ko sa may bulsa ng suot suot kong jogging pants, para malaman kung anong oras na ba. Nakita ko namang Alas tres na pala ng madaling araw.

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad pauwi sa bahay namin ng hindi parin pinapansin ang presensya ng aninong kanina pa sunod ng sunod sakin.

Psh! Akala ba niya matatakot ako sa pagiging stalker niya? di niya lang alam na Yari siya sakin pag nagkataong nahuli ko siya!


Mayamaya pa ay hindi nga ako nagkamali, dahil naramdaman kona lang ang biglaang pagpulupot ng braso niya sa may leeg ko.

He's wearing a Hoodie jacket too.

Hindi pa muna ako gumalaw sa kinatatayoan ko, dahil ayukong magpadalos dalos sa mga ikikilos ko. Hinayaan ko pa muna siyang paluputan ako ng braso niya sa may leeg ko, dahil alam ko naman ang self defense kung paano makaalis sa pagkakahawak niya sa may leeg ko.

Nanatili lang akong kalmado at pinapakiramdaman ang susunod na magiging kilos niya sa likoran ko.

"What do you want?" Kalmadong pagtatanong ko sa kaniya.

Ramdam ko naman ang mabibigat na paghinga niya malapit sa may batok ko, kaya medyo pinagtaasan ako ng mga balahibo ko.


"Tinatanong mo kung anong gusto ko?" Malalim ang boses niya at hindi masyadong pamilyar sakin.

Don't Mess With My Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon