Enemy To Lovers
"Prince! Akin na nga Yan! Napaka kulit mo talaga eh, no?!" Halatang ng iinis nanaman ang bubwit na prince nato at talagang si Vince pa ang nakuha niyang pagtripan hah!ibang klase.
"Ipakilala mo muna kasi ako don sa bago mong chicks, vince! Ang tagal tagal kona yung Sinasabi sayo eh! Hindi mo naman ako pinapakilala!" Singhal naman ni prince habang pilit paring inilalayo kay vince ang Cellphone nito na Iphone pamandin.
"Gago! Hindi ko chicks si mariel! Kapatid yun Zachary, Ayuko kayang masuntok ni Zach ng dahil lang sayo tarantado!" Balik na singhal naman ni vince sa makulit na si prince.
"Pwes! Hindi mo rin makukuha sakin tong cellphone mo! Hindi rin kita papayagang sumaya no!" Kahit kailan may pagka isip bata talaga tong si prince.
"Tangina mo talaga kahit kailan prince! May araw ka rin sakin, tandaan mo yan!" Sigaw pa ni vince ng itakbo na ng tuloyan ni prince ang cellphone niya palabas ng Gymnasium.
"Tsk, baliw talaga tong si prince." Napapailing iling na sambit lang naman nila nico ng Makita nila ang nangyari.
Wala ng klase ngayon dahil Sobrang busy na ng lahat sa paghahanda sa magaganap na School Festival. Naka toka ang iba't ibang clubs ng school sa pagiisip ng pweding ipang dedecorate sa buong campus, habang ang iba naman ay busy sa paggawa ng kani-kanilang mga Booths, at Palaro sa darating na festival.
Kahit nga sila miya, ryzel at yuki ay busy rin dahil kasali ang mga Clubs nila sa mga naka tokang mag decorate sa buong campus. Habang si miya naman ay naka assign sa Palaro at pa-premyo ng SSG para sa festival.
"Kamusta?" Napabaling ako ng tingin kay Ej ng tumabi siya sakin dito sa may bleachers.
Basang basa at pawis na pawis pa dahil sa kakatapos lang nilang maglaro ng Basketball dito sa may gymnasium. Kinuha niya ang puting towel na naka sampay sa may balikat niya at tsaka niya iyun ipinangpunas sa Basang pawis niya. Sa totoo lang kahit na pawisan siya ay makikita, at hindi mo talaga maitatanggi na gwapo at may appeal ang isang to. Pare pareho nilang suot suot ang Navy blue jersey ng team nila, Maliban lang kay Enzo at tristan na hindi ko pa nakikita Hanggang ngayon. Asan na kaya yung isang yun?
"Ganon parin naman, walang pinagbago." I said and Turn to him.
I saw him smirk after hearing what i said.
"Eh, ikaw ba? Kamusta?" Ako naman ngayon ang nangamusta sa kaniya at nakita ko pang umangat ang labi niya ng itanong ko yun sa kaniya.
"Same to you, wala ring pinagbago. Pati nga feelings ko hindi parin nagbabago." Pagbibiro niya pa at bahagya pang natawa, kaya napangiti rin ako ng tipid.
Bilib rin ako dito kay Ej eh, akala ko hindi siya marunong sumuko. Pero dahil sa nalaman nilang may fiance nako ay wala rin silang nagawa kung hindi ang magpaubaya. Si Enzo lang talaga ang bukod tanging naging matigas sa kanilang apat at hindi gustong tumigil sa panliligaw niya sakin, kahit na alam niya naman sa sarili niya na meron ng lalaking inerereserba sakin.
"I'm sorry." Napatingin siya sakin ng bigla ko yung sabihin sa kaniya.
He shook his head na parabang hindi niya matanggap ang sinasabi ko. "Don't say that. Wala ka namang kasalanan eh, Mahirap ka nga lang talagang kalimotan kaya alam mo na....Ang hirap lang mag move on sayo." Aniya at sinubukan niya pang ngumiti sakin.
Alam ko namang sinasabi lang to ni Ej para hindi ako masyadong magalala sa nararamdaman niya eh, but i felt it. Alam kong sa loob loob niya ay nasasaktan parin siya kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With My Girlfriend
ActionTAGALOG - ENGLISH Teenfiction Novel#1 "The cover photo is not mine, it's from Pinterest." I haven't edited this manuscript yet. so there is a very high possibility that I have so many wrong Spelling or Grammaritically errors in this story. Yung Sim...