Chapter 56

85 7 0
                                    



Group essay

"Going somewhere?" Si kuya aljur ng mapansin Niya Ang pagbaba ko sa may hagdan, habang naglalaro Sila sa may Ps5.

Nasa sala Silang tatlo nila kuya Cleo at Miya. Naglalaro Kasi Silang dalawa ni kuya Cleo sa may Ps5 ng Fortnite, habang si Miya Naman ay Tamang kain lang ng ubas habang nanonood sa kanila.

Napabaling din ng tingin sakin ang dalawa naming pinsan ng tuloyan nakong makababa ng hagdan.


"Saan lakad mo couz?" Si Miya Naman Ang nag tanong non sakin.


"May gagawin lang na group activity." Sagot ko Naman sa kanila.

"Hindi mo sinagot Ang Tanong namin. Ang tanong saan?" Singit pa ni kuya Aljur at bahagya pa akong pinagtaasan ng isa niyang kilay habang nakikipaglaro parin Kay kuya Cleo sa may Ps5.

Dinaanan ko Sila sa may sofa at dinampot Ang itim Kong backpack na naka patong don.

"Sa Bahay ni Enzo, Don kami gagawa ng group essay." Pinagdiinan ko pa sa kanila Ang panghuling sinabi ko dahil alam kong iba nanaman Ang tumatakbo Ngayon sa mga utak nila.

Nahinto sa paglalaro Ang dalawa at tinignan Ako ng may naglalarong ngisi sa kanilang labi, habang binalingan Naman Ako ni Miya ng may mapaglarong expression sa Mukha Niya.

Sinasabi Kona nga ba.

"O Siya, aalis nako. Dahil Mukhang nababaliw nanaman kayo." Ani ko sa kanila sabay lakad paalis sa may sala.

Pero bago pa Ako makaalis ng tahimik ay pinaulanan mona nila Ako ng mga walang kwentang pangaasar nila patungkol Saming dalawa ni lienzo, na Hindi Kona lang pinagtuonan pa ng pansin.

Dumiretso nako sa may Garahe at napagpasyahang Yung bike nalang Ang dadalhin ko papunta sa Bahay ni enzo.

Malapit lang Naman din Dito Sa Bahay namin Ang Bahay non, dahil nakapunta narin Ako don ng maka-ilang beses Kasama si kuya aljur sa tuwing mag papractice Sila ng basketball. Hindi narin masama kung mag ba-bike lang Ako papunta don.

Black japanese bike Ang istilo ng bisekleta ko, matagal nato sakin pero Hindi parin Naman nasisira kahit papaano kailangan lang talaga ng alaga para Hindi masira.

Nilagay ko sa may basket Ang itim Kong  backpack at nagsimula ng pumadyak paalis ng garahe namin. Open Naman Ang garahe ng Bahay kaya dire diretso na Ang patakbo ko papunta sa may malawak na street ng private subdivision namin.

Silence prevails throughout our subdivision, and you will not hear any noise coming from the streets of the subdivision compared to the public houses here in the Philippines.

Tanging Ang ingay lang ng bisekleta ko Ang naririnig ko, habang patuloy parin Ako sa pagpadyak sa diretso at Tahimik na daanan ng street namin.

Napadaan Ako sa may alfa-mart at napagpasyahang Kong bumili muna don ng makakain, bago Ako tuloyang dumiretso sa Bahay nila Enzo. Sinilip ko Ang wrist watch na suot suot ko at Nakita Kong medyo maaga-aga pa Naman. Alas dos Kasi Ang napagkasunduan naming Oras ng pagpunta sa Bahay nila Enzo, at ala una imedya pa naman kaya marami pa Ang Oras ko.

Pinatayo ko Ang bike ko sa may maliit na parking lot ng alfa-mart at tsaka Ako naglakad papasok sa alfa-mart. dumiretso Ako sa may minimart-Refregerator para mamili ng maiinom ko don.

habang Pinapasadahan ko ng tingin Ang bawat inumin na nasa loob ng refrigerator, ay Biglang tumonog Ang cellphone dahil sa message notification.

Bumongad sakin Ang group chat naming apat na si jecier Ang gumawa.

Don't Mess With My Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon