love and eternity Bracelet
Pagkatapos Kong magbihis ng pambahay na damit ay agad Naman akong sumalampak sa kama naming dalawa ni Miya. Wala pa si Miya ngayon dahil Meron pa silang gagawin sa school Kasama Ang mga kapwa Niya SSG officers na Sila Zachary, dahil sa nalalapit narin ang school Festival na magaganap ngayong Buwan ng January. Dinampot ko Ang bag ko at tsaka nilabas don Ang mga notes na rereview-hin ko, para kung sakaling magkaroon man ng Surprise quiz bukas ay Hindi nako mahihirapan pa sa pagsagot.
Bumagsak Ang tingin ko sa maliit at kulay itim na box na binigay sakin ni Enzo Kanina habang naglalakad kami sa may school yard.
Kinuha ko Yun mula sa loob ng bag ko at tsaka napagpasyahang buksan at tignan Ang laman non. Ang Sabi sakin ni Enzo Kanina ay ibibigay Niya pa raw dapat sakin to nong araw ng Competition ko sa manila, Kaso nakalimotan niyang iabot sakin at bukod pa don ay nagkaroon din ng problema sa mismong araw na Yun kung kaya't Hindi na niya naisipan pang iabot manlang to sakin dahil sa sobrang Pagaalala.Sinimulan ko ng tanggalin Ang white ribbon na naka Tali sa maliit na box. Bumongad sakin Ang Isang Kulay tansong bracelet na may Simbulo rin ng love and eternity, na katulad rin sa ibinigay sakin ni Enzo na kwintas noong pasko. Makapal Ang bracelet nato at kapansin pansin rin Ang dalawang pangalan na naka ukit don.
Tinagilid ko Ang ulo ko para mas mabasa ko ng Mabuti Ang mga pangalan na naka ukit don. Sumilay Ang ngiti sa labi ko ng mabasa Ang nakalagay na pangalan don.
Cyber Ellienzo & Reziah Florentine.
Pagkatapos non ay marahan ko Namang isinuot sa palapulsuhan ko Ang bracelet na binigay ni Enzo. Hindi ko maitago Ang ngiti sa labi ko ng maisuot Kona iyun mula sa palapulsuhan ko. Saktong sakto at talagang Kasukat ng bracelet nato Ang palapulsuhan ko.
Kinuha ko ulit Ang maliit na box at tsaka sinarado iyun. Binuksan ko Ang maliit na drawer ng bedside table para don itago Ang itim na box na lalagyanan ng bracelet. Bumalik Ako sa Ginagawa ko at nagsimula ng buklatin Ang isa Kong notes para sa subject na Physics.
Sinandal ko Ang likod ko sa may Headboard ng kama habang Patuloy parin sa pagbabasa ng bawat lesson sa may notes ko. Sa kalagitnaan ng pag rereview ko ay bigla nalang Nag ring Ang cellphone ko na nakalapag lang Naman sa ibabaw ng Katabi kong bedside table.
Kinuha ko Ang cellphone para sagotin Ang tawag ng kung sino, habang patuloy parin sa pagbabasa ng notes sa may notebook ko.
"Reziah," Rinig ko Ang pamilyar na baritonong boses ni Enzo sa kabilang linya.
Wala sa sariling naibaba ko sa may hita ko Ang binabasa Kong notes, at tsaka napagpasyahang ituon nalang ang buong attention ko sa pakikinig sa kaniya sa kabilang linya.
"Are you busy? Sorry if I disturb you from what your doing right now." Aniya pa gamit Ang malalim niyang boses at tsaka bumontong hininga.
"Any problem, Enzo?" Sagot ko sa kaniya at tsaka tumingin sa may Labas kung nasaan Ang biranda ng kwarto ko.
"Yeah,.." Then I heard him chuckled.
"What's the problem then?" Tanong ko Naman sa kaniya at tsaka umayos sa pagkakaupo ko Dito Sa may kama.
Kumuha Ako ng Isang unan at tsaka ko iyun inilagay sa may hita ko para Meron akong mapagpahingahan ng Isang kamay ko.
"Uh, My problem is...I really fvcking miss you." Aniya at nagawa pang humalakhak sa Kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With My Girlfriend
AkcjaTAGALOG - ENGLISH Teenfiction Novel#1 "The cover photo is not mine, it's from Pinterest." I haven't edited this manuscript yet. so there is a very high possibility that I have so many wrong Spelling or Grammaritically errors in this story. Yung Sim...