Chapter 89

34 1 0
                                    


No more Secrets



Mabibigat at tila ba naninimbang ang mga titig na ipinupukol sakin ni Enzo. Ramdam ko rin na kanina niya pa ko sinusundan ng mga titig niyang yun. Hindi ko alam kung anong nasa isip ng isang to, at kung anong problema niya para titigan niya ko ng ganon?

He's staring at me deeply, like his trying to Read my mind and actions.

"Tama na yan! Captain! Baka matunaw na si Rez niyan!" Ang maingay na boses yun ni Nico. Tsk, what's new to this idiot? Akala mo ay palaging naka microphone dahil sa sobrang lakas ng boses.

"Hayaan mo nga si Enzo sa trip niya, Nico! Masyado kang panira ng diskarte eh! Kung gusto mong manggulo, yung babae mo nalang yung gulohin mo! Saktong sakto, ayun oh!" Napa ngisi ang iba sa sinabing yun ni Tristan kay nico, Samantalang napabaling naman ako ng tingin sa babaeng nginonguso-nguso ni Tristan sa di kalayoan dito sa may kinaroroonan naming lahat.

"Gago ka, Tristan! Wag mo ngang ituro! Baka mamaya hindi nako pansinin niyan, eh!" May halong iritasyon naman sa boses ni Nico ng balingan niya ng masamang tingin si Tristan na ngayon ay ngumingisi-ngisi na sa kaniya, halatang nangaasar lang din.

Binaba ko ang baril na hawak hawak ko at tsaka ko yun isinuksuk sa lagayan ng baril na nasa baywang ko. Tinanggal kona rin ang mga tactical gear na suot suot ko at tsaka inilagay yun sa may mahabang puting mesa na nandito sa may Shooting room.

Kita ko naman mula sa may peripheral vision ko ang pagtayo ni Enzo mula sa may mahabang Couch, at ang pagambang paglapit niya ngayon dito sa may kinaroroonan ko.

Casual lang ang suot suot na damit ngayon ni Enzo. Simpleng dark gray na T-shirt at denim shorts with white Rubber shoes. Habang ako naman ay puting t-shirt na naka tuck-in sa suot suot kong high waisted black Jeans, at puti ring Rubber shoes katulad ng kay Enzo.

"Sana mabusted ka niya, Nico! Tandaan mo mabilis lang dumating ang karma, at malapit ka ng dapoan non Gago!" Rinig kong singhal pa ni Vince kay nico na agad din namang sumagot sa kaniya.

"Mga tarantado! Inaano ko ba kayo, hah?! Parang pinagtutolongan niyo ata ako ngayon, ah?!" Nagtawanan naman agad ang mga tukmol dahil sa naging reklamo nayun sa kanila ni Nico. Pati ako ay hindi narin napigilan ang hindi mapatawa dahil sa naging itsura niyang parang nalugi ng libo libo sa sugal!

Tsk.

"Inaano mo kami? Hah! Baka nakakalimotan mong marami ka ng naging atraso samin gago!" Sibat naman Ulit ni Vince sa kaniya.

Nawala lang ang attention ko sa kanilang lahat nang tuloyan ng magsalita Si Enzo dito sa may tabi ko.

"You're planning something?" Natigilan ako dahil sa naging pahayag niya. Katamtaman lang ang naging lakas ng boses niya ng sabihin niya yun mismo sakin. Siguro ay ayaw niya ring iparinig sa iba ang kung anomang mapaguusapan naming dalawa ngayon.

"What?" How the hell did he knows that?

"Why are you doing this, huh? Tito already told me." Aniya pa, na nagpabaling na talaga ng tuloyan ng tingin ko sa kaniya.

I could see the darkness in his eyes when I looked back at him.

Hindi ko siya sinagot, imbis ay tinanong ko rin siya pabalik.

"Anong sinabi sayo ni papa?" Malamig na tanong ko naman ngayon sa kaniya.

Ang totoo niyan ay kinakabahan nako ngayon, My hands are getting cold because of the strange shivering I'm feeling right now.

"About your grandparents death. Sinabi niya samin na inamin niya na sayo ang lahat. He also told us na bantayan ka namin sa lahat ng kinikilos mo, dahil malakas ang pakiramdam ng papa mo, na may iba ng tumatakbo ngayon diyan sa utak mo at posibling may binabalak kana rin ngayon sa mga taong maaaring gumawa non sa lola at lolo mo, am' I right?" Marahang sambit niya sakin, dahilan para tuloyan Akong matigilan.

Naramdaman ko ang palad ni Enzo na sumakop sa isang palad ko, pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng yun sakin.

"Nakikiusap ako sayo. Ako na ang nakikiusap sayo, Reziah. Parang awa mo na. Wag kang kikilos ng hindi kami o ako kasama. Pwedi ba yun, huh?" Nagsusumamo at nakikiusap ang boses niya, habang namumungay naman ang mga mata niyang nakatitig lamang sakin ng diretso.

Parang may tumosok na kung ano sa puso ko pagkatapos niyang sabihin yun, dahilan para mapaiwas ako sa kaniya ng tingin at mapabaling sa iba.

I'm guilty.

"Bukod don. Alam ko narin ang lahat. Kung nalaman mo ang sekretong pagsali namin sa underground at Organisasyon noon. Nalaman ko naman ang tinatago mo saming lahat." Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi niyang yun.

"What your talking about?" I swear, tingin ko ay wala nakong matatago pa sa lalaking to!

"Alam kona ang nangyayaring pagbabanta sa buhay mo, Reziah!" Agad kong tinakpan ng mga kamay ko ang bibig ni Enzo, dahil sa takot na may iba pang makarinig sa pinaguusapan namin ngayong dalawa.

Buti nalang talaga at busy pa ang iba sa kaniya kaniyang mga ginagawa at pinagkakaabalahan nila, dahilan para hindi nila masyadong narinig ang kung anomang sinabi ni Enzo ngayon ngayon lang.

Hinila ko si Enzo sa may tagong gilid at madilim na parte ng shooting room kung saan walang masyadong tao, at don ko lang siya binitawan ng tuloyan na nga kaming dalawa na mapagisa.

"Careful! Ayukong malaman to ng iba, naiintindihan mo ba hah, Enzo?" Mariing sambit ko naman sa kaniya at tsaka ko siya  matalim na tinignan.

Nagsalubong ang dalawang kilay niya, at tila ba tutotol pa siya sa gusto kong mangyari.

"What? Talaga bang wala kang balak na ipaalam to saming lahat hah, Reziah? Nagiisip ka ba, huh? Pano kung ikapahamak mo lang tong pagtatago mo samin ng sekreto, hah?" Ramdam ko Ang pagpipigil niya ng inis ng dahil sa sinabi ko.

"Mas maraming nakakaalam, mas maraming mapapahamak. At yun ang ayukong mangyari Enzo. Ayukong mang damay ng iba, dahil kung tutuosin ay iisa lang naman talaga ang pinupunteryang patayin nila, at ako yun! Naiintindihan mo ba yun, hah?!" Pinipigilan ko ang sarili kong hindi sumigaw dahil ayukong may makarinig sakin, at higit sa lahat ay ayukong may iba pang makaalam sa sekretong pilit kong itinatago sa sarili ko, kahit na alam ko naman na meron ng iba pang nakakaalam nito.

Inis niyang pinasadahan ng mga daliri niya ang magulo niyang buhok, pagkatapos ay pinaningkitan niya ko ng mga mata niya, bago siya tuloyang nagsalita.

"Kung hindi ko pa nalaman, lalaban ka ng magisa? Kung hindi ko pa nalaman, haharapin mo sila ng magisa? Kung hindi ko pa nalaman,.. tang ina naman! Reziah!" Frustrated niyang sambit sakin.

Bigla naman akong nanghina ng makita ko ang paunti unting pagpatak ng mga luha mula sa dalawang mata niya.

Ughh! Tangina!

Nanghihinang napasandal sa may pader si Enzo, Samantalang ako naman ay napakagat nalang sa may pangibabang labi ko habang iniiwas ang sarili kong mapatingin sa kalagayan niya. Fvck! What am' I doing shit!

"Tangina. Sana bago mo isipin yan, isipin mo rin kung anong mararamdaman naming lahat kung sakaling mawala ka! Pano kung mapahamak ka? Pano kung mapatay ka nila? Reziah, are you fvcking insane?! Talagang sasarilihin mo tong napakalaking problema nato, hah?!"

Malalim akong humugot ng hininga.

Hindi ko parin magawang taponan ng tingin si Enzo sa ngayon. I'm so fvcking guilty!

Rinig ko ang marahas na pagsinghal niya kaya napayuko nalamang ako at napatingin sa paanan naming dalawa.

Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. Hindi ko alam kung anong palusot pa ang pwedi kong sabihin sa kaniya.

"Hindi. Hindi ako papayag. Sa ayaw at sa gusto mo. Malalaman nilang lahat to, lalong lalo na ang pamilya mo! Don't you dare to stop me, Rez. Hindi mo alam kung sino ang demonyong nasa likod ng lahat ng to. Hindi natin alam kung sinong satanas ang makakaharap natin sa labang to! At mas lalong hinding hindi ako makapapayag na ikaw lang magisa ang haharap sa kung sinomang mga demonyong yun! Naiintindihan mo ba ko, hah?" Mariin at maotoridad na sambit niya sakin, napaawang ang labi ko at inangatan siya ng tingin.

Hindi ko na nagawa pang makaangal ng tuloyan narin siyang umalis at iwan ako dito sa may gilid ng shooting room.

Gusto kong magmura at manuntok! Hindi kona alam! Bahala na!

.

Don't Mess With My Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon