Broken."Manang, andito na po ba si kuya?" Tanong ko kay manang pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob ng bahay namin
Nag pupunas si manang ng cabinet ng sagotin niya ko. "Wala pa eh, mamaya pa ata iyun darating." Sagot niya naman sakin na ikinatango ko naman ng marahan
"Oh sige po manang, punta lang ako sa kwarto ko." Paalam ko kay manang na tumango lang naman sakin, kaya dumiretso nako paakyat ng kwarto ko
Pagkapasok ko sa kwarto ay ibinagsak ko kaagad ang backpack ko sa ibabaw ng kama ko, at saka dumiretso sa may drawer ko para mag palit ng damit
Kakarating ko lang kasi galing school, kaya naka suot parin ako ng uniform. Kinuha ko sa drawer ko ang kulay gray na hoodie ko na may tatak na 'FLAMES', at saka kulay black na jogging pants na may dalawang guhit sa magkabilang gilid na kulay puti.
Pagkatapos kong mag bihis ay tinanggal ko ang tali ko sa buhok at hinayaan nalang iyung bumagsak. Sinuot ko sa wrist ko ang rubber band na pantali ko sa buhok, at saka ako pumonta sa may study table ko. Kinuha ko ang laptop ko na naka patong don at saka ako pumonta sa ibabaw ng kama ko dala-dala ang laptop ko.
Naupo ako sa kama at saka ipinatong sa aking hita ang laptop ko. Inabot ko ang backpack ko at saka inilabas don ang mga Hindi ko pa natatapos na assignment ngayong week.
Sa kalagitnaan ng ginagawa ko ay tumawag sakin si kuya.
"Kuya?" Tawag ko sa kaniya sa kabilang linya, habang patuloy na nag susulat sa yellow pad ko
"Tine, Where are you?" Tanong niya naman sakin
"Nasa kwarto ko. Bakit?" I ask him
"May ginagawa ka?" He ask me too
Ipit ipit ko sa balikat at tainga ko ang cellphone ko, habang patuloy ako sa pag susulat sa yellow pad ko.
"Assignment lang. Bakit?" Sagot ko naman sa kaniya
"Uh-okay. Wag na. Ipag patuloy mona lang yang assignment mo. Ako ng bahala." Si kuya sabay putol ng linya
Napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong binaba na nga talaga niya ang linya. Sayang at mag papabili pa sana ako ng snacks at drinks sa kaniya.
Nilapag ko ang cellphone ko sa may gilid ko at saka ko ipinagpatuloy ang pag susulat ng assignment ko.
Ilang oras ang ginogol ko para matapos ang lahat ng assignment ko, kaya naman ang sakit ng kamay ko pagkatapos ko. Hinilot-hilot ko pa ang palad ko dahil sa sobrang ngalay sa pag susulat at pag titipa sa laptop.
Habang ginagawa ko iyun ay may pumasok sa laptop kong notification galing Facebook. Binuksan ko ang facebook ko at nakitang may nag message sakin.
It was simon. Binuksan ko ang message niya.
Simon Angelo Hernaez.
Pa accept. Si simon 2
Yun lang ang message niya. Seryuso? Kahit hindi naman niya sabihing pa accept eh, kilala ko naman na siya dahil sa profile niyang naka jersey at may hawak-hawak na bola.
I accept, simon friend request. At agad naman akong naka tanggap ng message niya ulit.
Simon Angelo Hernaez.
Nandito si kuya Aljur ngayon sa bahay nila enzo.
Sumagot ako sa message niya.
Me.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With My Girlfriend
AcciónTAGALOG - ENGLISH Teenfiction Novel#1 "The cover photo is not mine, it's from Pinterest." I haven't edited this manuscript yet. so there is a very high possibility that I have so many wrong Spelling or Grammaritically errors in this story. Yung Sim...