Fvcking Jealous
"Ranz?" Sambit ko ng makita ko Siyang pumasok dito sa loob ng shooting room.
Napatingin rin sa kaniya ang iba nang tuloyan na nga siyang maglakad papasok at papunta sa may gawi ko.
"Hey, Masaya akong makita ka ulit." Aniya sabay ngisi sakin.
tumayo naman ako sa may couch para makipag fist bump sa kaniya.
"Natutuwa rin akong makita ka, ano nga palang ginagawa mo dito?" Sambit ko naman sa kaniya.
Dark green T-shirt, Black Cargo pants at tsaka Combat boots ang suot suot niya, Simple pero maangas tignan at bumagay talaga sa porma niya. Pare-pareho ang laki at tangkad nilang tatlo nila kuya Aljur at kuya Cleo, kaya Masasabi kong Hindi siya nalalayo sa porma ng dalawa kong nakakatandang kapatid at pinsan.
Nagpamulsa siya ng dalawang kamay niya at nilingon ang mga Kasamahan naming Nandito rin sa loob ng Shooting room. Napatingin rin ako sa kanila, at napansin kong pabaling baling rin sila ng mga tingin nilang may kahulogan saming dalawa ni Ranz.
"Hindi mo naman ata nasabi saming Close na pala kayong dalawa?" Bahagyang nagulat si Ranz ng may umakbay sa kaniya, na wala namang iba kung hindi si Nico.
Pakialamero talaga ang tukmol nato kahit kailan, eh!
Mahina pa munang natawa si Ranz bago niya ko sinulyapan at sagotin ang naging tanong sa kaniya ni Nico, na ngayon ay naniningkit na ang mga matang pabaling baling ulit ng tingin sa aming dalawa.
Naka harap ako sa kanilang dalawa kaya kitang kita ko kung paano ngumisi ngisi ang tukmol na si nico, habang naka akbay kay Ranz na napapailing lang naman ng dahil sa kakulitan niya.
Bahagya kung tinagilid ang ulo ko at Pinagtaasan siya ng isang kilay ko, pinagsalikop ko naman ang mga braso ko sa may dibdib ko, habang matalim na naka tingin kay nico.
"Hindi naman kami masyadong close nito ni Reziah, naguusap lang. Ang totoo nga niyan ay ngayon nalang ulit kami nagkita pagkatapos nong birthday party ni Enzo." Paliwanag naman ni Ranz sa tukmol na kung maka ngisi ay akala mo may masamang binabalak siya.
"Oh, talaga?" Halatang Inaasar nanaman niya ko dahil tumingin siya sakin at nagtaas rin ng isang kilay niya, habang hindi parin nawawala Ang nakakalukong ngisi niya.
"Sabihin mo na ang kailangan mo samin Nico. Dahil wala na kaming oras para makipag kwentohan pa sayo." Naiinip na sambit ko naman sa kaniya.
Nag make face pa ang luko na aakalain mo ay talagang nasaktan sa sinabi ko.
"Ouch! Ang harsh mo talaga sakin Reziah! Pinagpalit mo na ba ko dito sa kumag nato, hah?!" Mapapamura ka nalang talaga sa katarantadohan ng isang to, eh no'h?!
"Pinagsasabi mo?" Kung malapit lang Siguro sakin tong kumag nato ay kanina ko pa siya nabatukan ng sampong beses.
Tumikhim si Ranz, kaya sabay kaming napatingin sa kaniya ni Nico na nangaasar parin ang mga tingin niya samin.
"May i remind you, I' am your senior Antonio." Napangisi nalang ako ng Pagtaasan ni Ranz ng isang kilay ang tukmol na ngayon ay ibang iba na ang itsura, hindi na katulad ng kanina.
Kung kanina ay nagagawa niya pang ngumisi ngisi saming dalawa. ngayon ay naka busangot at hindi na maipinta pa ang pagmumukha niya habang naka tingin ng matalim kay Ranz.
Walang nagawa si Nico kung Hindi ang ismiran at iwanan na kaming dalawa ni Ranz, Halata talaga sa kumag na ayaw niyang magpatawag sa pangalawa niyang pangalan. Dahil talagang nawawala siya sa mood kapag naririnig niyang tinatawag ang sariling pangalawa niyang pangalan.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With My Girlfriend
ActionTAGALOG - ENGLISH Teenfiction Novel#1 "The cover photo is not mine, it's from Pinterest." I haven't edited this manuscript yet. so there is a very high possibility that I have so many wrong Spelling or Grammaritically errors in this story. Yung Sim...