Practice
"Nanay lordes, asan po si Tine?" Rinig kong tanong ni kuya kay manang sa may hagdanan.
"Ah, nasa kusina kumakain." Sagot naman ni nanay lordes kay kuya, bago siya dumiretso na palabas ng bahay dahil mamimili pa siya ng grocery's para sa kakailanganin dito sa bahay namin.
Dinig kona ang mga yapak ng paa ni kuya papunta dito sa may kusina, kaya umayos ako ng upo at sumimsim sa kape ko.
"Tine, samahan mo ko mamaya kila Enzo. May practice kami mamaya sa kanila at kailangan kita don, incase na tumawag si mama at may ipabili satin." Si kuya na kakapasok lang sa kusina at dumiretso na agad sa may ref para kuhanin ang tumbler niya na may lamang tubig.
"Kailan ba ang laro niyo kuya? Next week pa yun diba?" Tanong ko sa kaniya sabay kagat sa sandwich ko.
"Next week nga. Pero kailangan na naming mag practice ng todo dahil puro magagaling rin ang varsity ng taga ibang school." sagot niya naman sakin, bago siya uminom ng tubig sa tumbler niya.
"San ba kayo mag papractice ngayon?" Tanong ko pa.
"Kila enzo." Simpleng sagot ni kuya at saka tumalikod para umalis na.
"Ala una pasado tayo pupunta sa kanila kaya mag ayos kana!" Sigaw niya pa sakin habang naglalakad na palayo dito sa may banda ko.
Sumilip ako sa wristwatch ko at nakita kong 11:54 na. Meron pa kong oras para mag ayos. Niligpit kona ang mga pinagkainan ko at dineritso na ang mga ito sa may lababo para mahugasan na.
Pagkatapos mag ligpit ay dumiretso nako sa kwarto ko, para makapag ayos na.
Dumiretso ako sa walk in closet ko para pumili ng susuoting damit. I choose black oversize t-shirt with anime design and a boyfriend jeans, with white sneakers.
Pagkatapos pumili ng mga susuotin ay nag pasya na kong pumasok sa bathroom para makapaligo na. Pagkatapos maligo ay nag punas nako ng twalya sa aking katawan at ipinulupot kona rin ang isa ko pang puting twalya sa aking buhok, para mas mabilis na matuyo.
Lumabas ako sa bathroom ng naka ayos na. Dinampot ko ang itim kong backpack na ginagamit ko lamang kapag umaalis ako o di kaya ay may lakad ako. Lumabas nako sa aking kwarto at saktong naabotan ko naman si kuya aljur na kalalabas lang din sa kwarto niya ng naka ayos na rin katulad ko.
Pinasadahan ni kuya aljur ng tingin ang ayos ko at saka ngumisi. "Mas mukha ka pang lalaki kisa sakin, kapatid!" Si kuya sabay halakhak, hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso nalang ako pababa sa may sala.
"Aalis na ba tayo kuya?" Tanong ko sa kaniya ng maupo ako sa may sofa ng sala namin.
"Oo. Pero tatawagan ko muna sila Enzo para makapag handa na sila pagdating natin don." Si kuya sabay dampot ng cellphone niya sa may ibabaw ng coffee table ng sala namin.
Kinuha ko rin ang cellphone ko sa may backpack ko at saka nag bukas ng facebook. May Notification ako sa message kaya binuksan ko iyun at nakita kong sila Ryzel at yuki pala ang nag message sakin.
Naupo si kuya aljur sa may katapat kong sofa at saka siya nag tipa ng kong ano sa may cellphone niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa message ni ryzel sakin.
Ryzella Mae Z.
Anong ginagawa mo? Are you busy?
Nag tipa rin ako ng message para sa kaniya.
Me.
Aalis kami ni kuya ngayon, sasamahan ko siya sa practice game nila sa bahay ng kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With My Girlfriend
AkčníTAGALOG - ENGLISH Teenfiction Novel#1 "The cover photo is not mine, it's from Pinterest." I haven't edited this manuscript yet. so there is a very high possibility that I have so many wrong Spelling or Grammaritically errors in this story. Yung Sim...