Chapter 70

61 2 1
                                    


Mess memory's

"Lalabanan ba natin ang mga weak na yun? tsk! Mga mayayabang lang naman ang mga gagong yun eh! Wala namang maipagmamalaki!" Sigurado akong si prince ang tukmol na kausap ngayon ni kuya sa kung saan, Rinig na rinig ko ang paguusap nilang dalawa dahil sa naka bukas ang pinto ng kwarto niya.

Nasa loob si kuya aljur ng kwarto niya, bahagyang naka bukas ng kaunti ang Pinto ng kwarto kung kaya't naririnig parin ang mga boses na nanggagaling mula sa loob non.

"Literal ngang mayabang ang Zeprus na yun, Tangina niya! makakaganti rin ako sa kaniyang hayop siya!" Kumono't ang noo ko ng mahimigan ang isa pang boses. Boses ni kuya Cleo yun.

What are they talking about?

"Sino ba ang makakatapat ng gagong yun sa battle ring? Malas niya kung ako ang makatapat niya! Dahil talagang pupurohan ko siya ng tudo!" Dagdag pang sabi ni kuya Cleo na Mukhang galit na galit sa taong tinutukoy niya.

"Kalma, Cleo. Huwag mong pangunahan si Enzo sa gusto niyang mangyari sa pinsan niyang gago." Banayad naman ang boses ni kuya aljur.

May pinsan si Enzo? Sino?

At ano nanaman tong sinasabi ni kuya? patungkol sa gustong mangyari ni Enzo sa pinsan niya?

Literal na nakakahawa talaga ang pagiging chismosa at chismoso nila miya at kuya, kaya pati ako ay nagiging chismosa narin katulad nila. tsk.

Nanatili lang ako sa pinagtatagoan ko dito sa may labas ng pinto ng kwarto ni kuya, habang patuloy lang na nakikinig sa paguusap usap nila sa loob ng kwarto.

"May balak ang gagong yun, panigurado! Lalo pa ngayon na Mukhang nagpaparamdam narin siya sa kapatid ko." Dagdag pa ni kuya aljur gamit na Ang seryuso niyang boses.

At ano nanamang kinalaman ko dito? Kailangan kona talagang malaman ang totoong nangyari sa nakaraan ko. Hindi p-pweding ganito nalang palagi, feeling ko ako nalang yung walang nalalaman sa mga nangyari noon, at pilit nalang nila iyung binubura o tinatago mula sakin.

"Hindi siya makakalapit kay Reziah. At Sisiguraduhin ko yun." Muli akong naka rinig ng panibagong boses mula sa kausap nila kuya.

Sumilip ako ng kaunti mula sa siwang ng pinto at nakita ko silang Dalawa ni kuya Cleo na parehong naka harap sa may laptop, habang nakaupo sa may kama ni kuya aljur. May kausap sila sa laptop, at natitiyak akong ang mga kapwa tukmol nila yun.

"May plano kana? Anong balak mo Enzo?" Mahihimigan narin ang pagka-seryuso sa boses ni kuya Cleo ng itanong niya yun kay Enzo.

"I have ways. Just trust me, at ako ng bahala kay Zeprus." Sagot naman ni Enzo na bakas rin ang pagiging seryuso ng boses niya.

"I will remind you, Enzo. He's Freaking Obsessed with my sister. At nakakatiyak akong may plano ang isang yun para muling gulohin ang buhay ng Kapatid ko!" Galit na singhal naman ni kuya aljur sa kausap niya.

"obsessed?" Naisa-tinig ko yun sa mahinang boses.

Naiinis na talaga ako dahil wala talaga akong maalala sa nakaraan ko kahit isa! Ang tanging naaalala ko lang ay yung mga  memorya na nakasama ko sila lolo at lola tina sa may mansion sa Baguio.

"May balita kana ba sa Kapatid niya? Si Cyprus?" Pagiiba naman ng topic ni kuya cleo sa paguusap nila.

"Wala parin akong balita sa pinsan kong yun." Rinig kong sagot naman ni Enzo kay kuya cleo.

Cyprus. . .

"C-cy, kunin mo ko sa kaniya! Ayaw ko sayo sander!" Naiiyak na sambit ko at kita ko kaagad ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni sander ng tignan niya ko.

Don't Mess With My Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon