Chapter 76

67 3 1
                                    



Confession

Hindi parin matanggal tanggal ang ngisi ni Ranz sakin, Kaya sinamaan kona lang siya ng tingin. Lakas ng Sapak niya, ah!

"Hindi ka pa ba nagugutom? Gusto mo kumain na tayo?" Pangaaya niya pa sakin.

"Mamaya na, hindi pa nga nagsisimula yung party kakain kana. Tsk." Sagot ko naman sa kaniya na nginisihan lang niya.

May Humintong waiter sa may harapan naming dalawa na merong dala dalang tray ng mga wine drinks. Agad namang kumuha ng isang wine glass si Ranz at tsaka siya nagsalin ng Red wine sa may wine glass niya. Bumaling siya saglit sakin at muling nag tanong.

"Hindi ka umiinom?" tanong niya sakin habang nagsasalin parin ng wine sa may wine glass niya.

"Umiinom, hindi lang masyado." Sagot ko naman sa kaniya na agad niyang tinangohan.

Nang matapos na niyang malagyan ng wine ang wine glass ay agad niya iyung iniabot sakin. Binigyan ko siya ng may pagtatakang tingin dahil ang akala ko ay sa kaniya yun.

"Sayo yan, diba?"

Umiling siya sakin at mas lalo niya pang iniabot sakin yung wine glass na hawak hawak niya.

"Kukuha ako ng sakin, kunin mo na to." Sabi niya pa, kaya kinuha kona lang din sa kaniya yung wine glass na dapat ay sa kaniya.

Kagaya nga ng sabi niya, ay kumuha rin siya ng sariling inomin niya. Pagkatapos kumuha ni ranz ng wine niya ay umalis narin agad yung waiter, dala dala yung tray ng wine.

Balak ko na sanang tumikim ng wine, at handa nang ilapit yung baso ng wine sa may bibig ko ng biglang may brasong pumolupot sa may bewang ko. Dahil sa pagkagulat ay hindi kona naituloy pa ang balak na pagtikim ko sa Red wine na nasa wine glass ko.

"Don't drink too much. Maguusap pa tayong dalawa mamaya, Reziah." Bulong niya sakin gamit ang malalim at baritono niyang boses.

Mas naramdaman ko pa lalo ang paghigpit niya ng hawak sa may bewang ko, kaya matalim ko siyang tinignan. Kailangan ko pa siyang tingalain sa may gilid ko, dahil mas matangkad pa siya sakin. He's a basketball varsity Captain, Kaya ano pa bang Expected sa height niya?

"Bitaw, Enzo." Mariing bulong ko sa kaniya, dahil ayukong makakuha ng attention mula sa mga bisita niyang formal at puro mga yayamanin.

"No." Sagot niya naman at tsaka ako mas lalong nilapit pa sa tabi niya.

Hindi ako makapag apila sa tukmol nato dahil bukod sa ayukong mapahiya sa mga bisita niyang nandito, ay baka mas lalo lang namin makuha ang attention ng iba kapag nagtalo pa kaming dalawa dito.

Napalingon ako kay Ranz na nasa harapan pa pala naming dalawa, at malawak na malawak na ngayon ang ngisi saming dalawa ni Enzo.

"Hey, man! Happy birthday nga pala! Nakalimotan kong lapitan ka kanina dahil marami ka pang inaasikaso na mga bisita." Masayang bati naman ni Ranz kay Enzo at tsaka naglahad ng kamay niya dito.

"Salamat," Tipid na sagot naman ni Enzo sabay tanggap rin ng kamay ni Ranz.

"Your welcome, by the way mukhang kailangan kona ata kayong maiwan na dalawa, Pupuntahan ko pa kasi sila aljur, Enzo. Happy birthday ulit! Kita nalang tayo sa susunod Reziah!" Paalam niya pa samin bigla, hindi na niya kami hinintay pang sumagot sa kaniya ni Enzo dahil umalis narin agad siya.

Nang tuloyan na ngang mawala sa paningin naming dalawa si Ranz ay muli kaming natahimik na dalawa.

Nilingon ko siya sa may gilid ko at nanatili parin namang naka hawak ang braso niya sa may bewang ko, pero hindi nayun masyadong mahigpit katulad ng pagkakahawak niya kanina.

Don't Mess With My Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon