Chapter 85

53 1 0
                                    


Punishment

"Reziah, are you okay?" Napatingin ako kay Vincent ng tanongin niya ko non.

Kanina niya pa siguro napapansin ang pagiging balisa ko. Hindi ko alam, pero malakas talaga ang pakiramdam ko na merong hindi magandang mangyayari ngayon.

"I'm okay," tipid na sagot ko lang naman sa kaniya.

"Sure?" Paninigurado niya pa na tinangohan ko lang din naman agad, bilang pagtugon sa kaniya.

Muli kong iginala ang tingin ko sa alon ng mga tao na nandito sa loob ng Battlefield. Kanina pa ko palinga linga dito sa may kinatatayoan ko, kinakabahan talaga ako sa hindi ko malamang dahilan!

Nakakainis! Dahil Hanggang ngayon ay hindi parin nagpapakita ang tukmol na yun! Tsk!

Kinuha ko ang cellphone ko sa may bulsa ng jacket ko. Hindi ko man aminin sa sarili ko ay naiinis at talagang nagaalala ako para sa lalaking yun!


Isang pindot sa Numero niya at limang ring pa ang inabot bago niya tuloyang sagotin ang tawag ko. Gusto ko siyang sigawan, dahil sa ginagawa niyang to! Pero hindi ko magawa dahil sa ingay ng mga tao na nandito sa loob ng Battlefield.


Hindi nako nagpaalam pa kila Vincent at tuloyan na nga akong umalis sa may pwesto nilang lahat, para lang maghanap ng mas magandang pwesto, yung tahimik at makakapagusap talaga kami ng matino at maayos nitong tukmol nato!

"You idiot! Where are you?!" Singhal ko kaagad sa kaniya sa kabilang linya, nang tuloyan na nga niyang sagotin ng tawag ko.


Nakakapagtaka lang dahil walang kahit na anong ingay sa background niya. Ang akala ko ba ay nandito siya? Bakit parang ang tahimik naman ata sa lugar kung nasaan siya?

"Hmm..." Kuno't noo kung tinignan pabalik ang kinatatayoan nila Vincent.

Hindi kaya inuto lang ako ng mga tarantadong to?

Tangina talaga!


"Jerk!" Iritang baling ko ulit kay Enzo na nasa kabilang linya parin, at mukhang nakikinig lang sa mga pinagsasabi ko sa kaniya.


"Tangina, pinagluluko niyo ba ko, hah?!" Naiinis na talaga ako ngayon, mas lalo lang ata naginit ang ulo ko sa kanilang lahat.

Rinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya, kaya mas lalo lang akong nairita. Gusto kong bigyan ng isang suntok ngayon ang gagong to!

"I thought you didn't care about me." Mahinang sabi pa niya, mahihimigan din ang pait at sakit sa boses niya.

Natigilan ako dahil don.

Huminto ako sa may gilid ng Elevator, dahil medyo maayos narin naman ang pwesto dito.

"Tsk, asan ka ba, hah?" Medyo huminahon narin ang boses ko ngayon.

"3rd floor, room 107." Marahang sagot naman niya sakin.

Huh? So, it's true? Siya si Spades, huh?

"Uh, anong ginagawa mo diyan? Hindi ba balak mong makipagpatayan ngayon dito sa may Battlefield? Kaya nga pumirma ka ng apat na kontrata, hindi ba?" May halong inis at galit sa boses ko ng sabihin ko yun sa kaniya.


"What? Anong pumirma ng apat na kontrata?" The fvck?

Tangina, naluko nga ako ng mga tukmol nato!

Bumontong hininga pa muna ako at tsaka pilit na pinakalma ang sarili ko, dahil baka mamaya ay ako pa ang makabogbog ngayon ng mga tarantado!


Don't Mess With My Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon