Happy new year to my fellow readers!🎉🥰
GOOD BYE 2023! HELLO 2024!Unexpected caller.
Tanghalian na ng magising kaming lahat ng dahil sa kasiyahang nangyari kagabi ng disperas ng pasko. Mugto Ang mga mata at halatang mga puyat pa, dahil mga alas dos narin kami ng madaling araw naka tulog kagabi. Masyado kasing nag enjoy Ang lahat kaya late narin kami naka tulog sa kaniya kaniya naming mga kwarto. Dito narin pinatulong nila mama at papa Ang mga lalake kagabi dahil masyadong late narin para umuwi pa Sila sa kaniya kaniya nilang mga Bahay.
"Ang aga namang pa flowers niyan, couz!" Puna sakin ni Miya ng Makita Ang kumpol ng mga bulaklak na pina-deliver sakin ni Bryan kagabi. Pinatong ko lang Kasi yun sa may Drawer ng kwarto namin Kong kaya't napansin Niya kaagad.
"Kanino galing?" Lumingon pa Siya sakin habang naka upo at nag susuklay ng buhok Niya sa may harapan ng vanity mirror ng vanity table.
Hindi naka ligtas sakin Ang pang ngisi ngisi Niya ng nakakaluko pagkatapos niyang itanong yun sakin. Bumangon Ako sa kama at naupo nalang sa may gilid non paharap Kay Miya.
"Regalo sakin ni Bryan kagabi. Pina-deliver Niya." Sagot ko Naman sa kaniya at dinampot Ang cellphone ko sa may bedside table na katabi ko.
Hindi kona Nakita pa Ang naging reaction ni Miya, dahil nasa cellphone Kona Ang buong attention ko.
"Wow, ha. bulaklak talaga? baka may meaning Yan couz?" May panunuya sa boses ni Miya ng sabihin Niya Yun sakin.
"Tss. Lahat Naman binibigyan niyo ng meaning." I mock her words.
Bumaling sakin ng buo si Miya at Ngayon ay kapansin pansin na talaga Ang nakakalukong ngisi Niya.
"Manhid ka ba couz? Hindi pa ba obvious Sayo na may crush Yun si Bryan Sayo? Tsk, Kung mag parinig nga Sayo ay lantaran na eh, pero Hindi mo parin binibigyang pansin." Aniya at muling humarap sa salamin ng vanity table.
Umiling iling nalang Ako at Hindi na pinagtuonan pa ng pansin Ang mga pinagsasabi sakin ni Miya. binaba ko muna Ang cellphone ko sa may kama at tsaka Ako tumayo para mag punta sa bathroom nitong kwarto namin.
Toothbrush at pagligo lang sa shower Ang ginawa ko sa loob ng banyo at pagkatapos ay nagsuot narin Ako ng malinis na puting bathrobe bago Ako lumabas ng Cr at nagtungo sa may walk in closet ko.
"Couz, Kanina pa may tumatawag Sayong unknown number." Natigil Ako sa pagpasok sa may walk in ng sabihin iyun sakin ni Miya.
Kumono't Ang noo ko ng balingan ko Siya.
Sino namang unknown number Ang tawag sakin gayong Wala Naman akong pinagbigyan ng Numero ko? At tsaka may contact Naman sakin Ang mga kakilala ko kaya imposibleng my tumawag na unknown number sa contact ko.
"Sinagot mo ba Miya?" I ask her first.
Bumaling din sakin ang pinsan ko at nagkibit-balikat nalang.
Ipinagsawalang bahala Kona lang din Ang unknown number nayun at dumiretso nalang sa pagpasok sa may walk in closet ko para mag bihis. Nag suot lang Ako ng White T-shirt na may tatak na 'VARSITY' at dark brown na square pants. Sneakers na itim Naman Ang sinuot Kong sapatos.
pagkatapos Kong mag bihis ay lumabas narin Ako at dumiretso sa may gilid ng kama kung saan naka patong Ang cellphone ko. Umalis na si Miya Kanina kaya Ako nalang mag isa Ngayon Ang nasa loob ng kwarto namin.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With My Girlfriend
AksiTAGALOG - ENGLISH Teenfiction Novel#1 "The cover photo is not mine, it's from Pinterest." I haven't edited this manuscript yet. so there is a very high possibility that I have so many wrong Spelling or Grammaritically errors in this story. Yung Sim...