Kalukuhan
Tahimik lang na nakikinig ang buong klase sa itinuturo samin ngayon ng teacher namin sa harapan, Hanggang sa matapos at mag dismissed na nga ng klase niya si ma'am Vivian.
"Bago ang lahat, gusto ko lang sabihin sa inyo class na matatapos narin ang second sem niyo ngayong paparating na February twenty. Kaya naman, Mas lalo niyo pa sanang pag igihan ang pagpapasa ng mga output niyo sa mga subject teacher's niyo, okay? at yung mga Research niyo, paki ayos niyo narin dahil malapit narin ang deadline ng pasahan non, nagkakaintindihan ba tayo class?" Paalala pa ni ma'am Vivian samin bago niya tuloyang dinismissed ang buong klase.
Pagkatapos mag dismissed nang klase ay kaniya kaniyang labasan na ng classroom ang iba pang mga kaklase namin. Nanatili lang naman ako sa kinauupoan ko at hindi na nag abala pang tumayo, dahil wala rin naman akong balak na kumain ngayon sa canteen.
Absent si Ryzel dahil meron siyang sakit, samantalang wala naman ngayon si miya sa school dahil kasama siyang pumonta ng iba pang mga SSG officers sa ibang school, para sa gaganaping School Awardees ngayong papatapos na ang Taon, sa wakas at makakapag pahinga narin ng isang buwan! Si Yuki naman ay tinatapos na ang panghuling Canvas niya na ilalagay sa art's gallary ng Club nila, kaya magiging busy siya ngayong araw.
Mahina akong bumontong hininga, kung sana lang ay hindi nagka aberya noong huling laban ko sa chess, siguro meron pa sanang susunod na chess competition na naghihintay para sa school namin.
Dahil sa nangyari nong huling laban namin sa Chess Competition, ay hindi na muna pinayagan ng Sports department na magkakaroon ulit ng Competition para sa chess. Takot na siguro silang maulit pa ang nangyari noon, kaya hindi na muna nila sinasali ang Chess sa mga sports na magkakaroon ng Laban ngayong buwan ng February.
Aaminin kong kahit ako ay kinabahan at takot nong mangyari ang insidenting yun! Sino ba namang tanga ang hindi matatakot sa bala ng Sniper? Akalain mo yun? Muntik ng matuldokan yung buhay ko sa araw pa mismo ng pinaka malaking Competition ko sa chess.
"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Nabalik lang ako sa sarili ko ng marinig ko ang pamilyar na boses sa tabi ko.
Ngayon ko lang napansin na nasa tabi kona pala si Enzo, Ni hindi ko manlang naramdaman ang presensya niya kanina.
"Talk to me." Sabi niya sabay lapag ng baonan niya sa ibabaw ng mesa naming dalawa ni ryzel.
Balak niya sigurong dito kumain kasama ko. Hindi ko rin maintindihan minsan ang ugali nitong isang to eh!
"Huh?" Pinagtaasan ko siya ng isang kilay ko, at tsaka ako Sumandal sa silya at humalukipkip sa tabi niya.
Pinanood ko siyang buksan ang baonan niya, samantalang siya naman ay hindi inaalis sakin ang mga tingin niyang naninimbang habang ginagawa niya yun.
"Sabihin mo sakin yung problema mo." Seryusong Sabi niya pa, dahilan para mapatingin naman ako ngayon ng diretso sa kaniya.
Ako ang unang nag iwas ng tingin saming dalawa, dahil may napansin akong kakaiba sa kung paano ako tignan Ngayon ni Enzo sa tabi ko.
Tumikhim ako at pagkatapos ay nilabas narin ang sariling baonan ko na si nanay lordes pa ang nag handa kanina para sakin. Nilapag ko rin yun sa mesa naming dalawa, para makakain na.
"Kumain nalang tayo." Pagiiwas ko sa tanong niya, dahil ayukong madamay pa siya sa sariling problema ko.
Ginalaw kona ang pagkain ko, samantalang nanatili naman siya sa pwesto niya ramdam ko pa ang mariing paninitig niya sakin dito sa may gilid ko. Ang intense ng pagkakatitig niya sakin, na para bang meron akong nagawang malaking kasalanan sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With My Girlfriend
ActionTAGALOG - ENGLISH Teenfiction Novel#1 "The cover photo is not mine, it's from Pinterest." I haven't edited this manuscript yet. so there is a very high possibility that I have so many wrong Spelling or Grammaritically errors in this story. Yung Sim...