Chapter 90

27 1 0
                                    


Cyprus Hidalgo

Lumilipad ang isip ko, habang Umiinom ako sa kape na inorder ko dito sa may Coffee shop. Hindi parin talaga mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Cyber sakin noong mga nakaraang araw.

He's worried about my safety. He is afraid if I disappear. I saw it. Nakita ko ang takot at pagaalala sa mga mata niya nang mga oras na yun. Naka tingin lang ako sa may labas ng Coffee shop habang iniisip ang lahat ng mga nangyari nitong mga nagdaang araw.


Malakas pa ang ulan sa labas kaya naman nanatili pa muna ako dito sa may loob ng Coffee shop. Nakasandal ako sa may upoan ko habang nakahalukipkip ang magkabilaang braso ko sa may dibdib ko.


Kahit naka jacket ay ramdam ko parin ang lamig na dala ng panahon ngayon. It's raining heavily, makulimlim rin ang langit dahil sa sobrang sama ng panahon.

Uminom ulit ako sa kape ko nang mapatingin ako sa may entrance ng coffee shop. Naningkit ang mga mata ko ng mapansin ko ang isang pamilyar na lalaking kapapasok lang sa loob ng Coffee shop.

Gumala sa loob ng coffee ang mga mata niya kaya bahagya akong yumuko at umiwas ng tingin sa kaniya, para hindi niya ko mapansin dito sa may kinauupoan ko. Mabuti nalang at nakasuot ako ngayon ng itim na sumbrero, madali ko nalang siyang maoobserbahan ng hindi niya ko nakikita o napapansin manlang na nakatitig sa kaniya.

Hindi ako pweding magkamali. . .

Alam kong siya yung lalaking yun.


Siya yung lalake na madalas kong mapansin na naka sunod sakin ng palihim.

Palagi ko siyang nakikita sa kung saang lugar man ako magpunta. Sa loob ng king's Ground ko siya unang napansin, until the next time I noticed him in all the places where I was going. Siguradong sigurado ako na siya yung lalaking yun.

Nakakapagtaka nga dahil bigla bigla nalang siyang nagpapakita sakin Ngayon. Ano bang kailangan niya sakin? Isa ba siya sa mga taong gustong pumatay sakin? O, isa siya sa mga taong patagong pumoprotekta sakin katulad nong nabasa ko sa sulat ni Shadow knight? O' baka naman. . . Siya si C.H? Siya si shadow knight?

I need to know who he really is. Kailangan ko ring malaman kung ano ba talaga ang pakay niya sakin? Anong dahilan niya para sumunod sunod sakin na para bang stalker ko.

Nakita ko siyang umupo sa may kabilang bakanting lamesa sa may harapan ko, nasa tabi rin siya ng glass wall nitong coffee shop pumwesto. Naka harap siya sakin pero hindi siya sakin naka tingin. Dalawang lamesa ang nasa pagitan naming dalawa. Salubong ang kilay niya at mukhang hindi mapakali dahil kanina pa siya paling linga sa paligid na para bang may hinahanap na kung sino.

Tsk. If i know. I' am the one who is he searching for.

Muli akong uminom sa may kape ko, habang nanatiling bahagyang nakayuko, para matabonan lang ng sumbrero ko ang mukha ko.


May lumapit sa kaniyang isang lalaking waiter na malamang ay kukuha ng magiging Order niya. Agad naman niyang binigay ang order niya sa waiter, dahilan para agad din itong umalis sa may lamesa niya at muli siyang mapagisa.


Binaba ko ang kape ko sa may ibabaw ng lamesa at tsaka ko kinuha ang cellphone ko ng bigla nalang yung tumonog sa may bulsa ng jacket ko.

I received a message.

Amadeus_Bryan

Hey, it's been a long time Rez, I miss playing Chess with you.

Don't Mess With My Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon