Chapter 77

45 2 1
                                    



The truth

"So, ang ibig niyo pong sabihin doc ay maaaring biglaan nalang ang pagbabalik nang lahat ng alaala ng anak namin?" Marahang pagtatanong pa ni mama sa doctor na siyang tumitingin na sa sakit ko, simula noong bata pa lang ako.

Ngumiti ang doctor at tsaka siya tumango kay mama, dahilan para maka hinga silang lahat ng maluwag dahil sa magandang balita ni dr. Roberts samin.

So, Ibig ring sabihin nito ay hindi kona pala kailangan pang pilitin ang utak ko na makaalala, dahil kusa narin palang babalik sakin ang lahat nang naging alaala ko simula nong bata palang ako.

Para sakin at sa buong pamilya ko, isa tong magandang balita dahil may pag-asa pa kong makuha ang lahat ng mga alaalang nawala sakin noon.

"Doc, may tanong lang po ako." Pare pareho kaming napatingin lahat kay kuya aljur ng mag salita siya.

"Sige, Iho. Ano yun?" Si dr. Roberts na ngayon ay naka tingin na rin ng diretso sa seryusong si kuya aljur.

Saglit pang tumingin sakin si kuya bago niya ulit ibinalik ang tingin niya kay Dr. Roberts na ngayon ay seryusong naghihintay sa itatanong niya.

"Anong mangyayari kung sakaling isang araw ay bumalik na nga ang lahat ng alaala ng kapatid ko?" Seryusong Tanong niya na nakakuha ng attention naming lahat, dahilan para mapatingin rin kaming lahat kay Dr. Roberts.

Bigla namang sumeryuso ang mukha ni Dr. Roberts ng marinig niya ang tanong ni kuya sa kaniya. Mahina pa muna siyang tumikhim, bago niya tuloyang sagotin ang tanong ni kuya sa kaniya.

"Well, Yun ang Hindi natin malalaman. Tanging ang kapatid mo lamang ang makakaramdam ng magiging epekto kung sakaling bumalik na nga ang lahat ng alaala ni Reziah." Sagot naman ni Dr. Roberts na Mukhang hindi nagustohan nila Mama.

"Ano? Anong hindi mo alam doc? Ano yun, hindi natin alam kung manganganib na ba ang buhay ng anak ko o kung magiging maayos ba, kung sakaling mangyari man yang lahat ng sinasabi mo na bumalik na nga ang lahat ng alaala niya?!" Napatayo pa si mama sa kinauupoan niya, Senyalis na nagagalit o naiinis na siya sa kausap niya.

Agad namang hinawakan ni Papa ang siko ni mama para lang mapakalma ito. Tumayo ako at tsaka ako lumapit sa kaniya para tulongan narin si papa na pakalmahin siya.

"Kung ako ang tatanongin niyo ay hindi ko rin alam ang sagot, luisa. May posibilidad na ganon nga Ang pweding mangyari sa kalagayan ni Reziah, at meron din namang posibilidad na makayanan niya ang sakit na pwedi niyang maramdaman kung sakaling dumating na nga ang araw na yun." Mahinahong pagpapaintindi naman ng Doctor saming lahat na nandito sa sala at patuloy lang na nakikinig sa paliwanag niya.

Rinig ko ang marahas na pagsinghap ni kuya aljur, dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Tang ina." Singhal niya pa bago siya  tuloyang umalis at lumabas ng bahay, Sigurado akong umiinit narin ang ulo nang isang yun. kaya siguro lumabas ay para magpalamig at magpahangin muna para mapakalma niya ang sarili niya.

"I can't believe this! Luiz! ano? wala ka manlang bang gagawin hah?!" Pati si papa ay nagulat nang siya naman ang balingan ng masamang tingin ni mama.

"I-i find ways, hon. Just calm down okay?" Marahang pangaalo naman ni papa sa kaniya.

"Kalma? paano ako kakalma, luiz, hah! sabihin mo nga? Natatakot ako, luiz! natatakot ako sa pupweding mangyari sa anak natin! Naiintindihan mo ba yun, hah?!" This time ay hindi na talaga ni mama na pigilan ang biglaang paglabas ng mga luha sa mga mata niya.

Don't Mess With My Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon