Guidance.
Kakauwi ko lang galing school kaya dumiretso nako papuntang kwarto ko para makapag palit ng damit. Nag suot lang ako ng plain black sweater at saka denim shorts na hanggang tuhod ko. Hinubad ko rin ang sneakers ko at saka nag suot ng tsinelas, hindi kona hinubad pa ang medjas ko dahil malamig ang sahig, kanina pa kasi umuulan at buti nalang ay may dala akong payong sa backpack ko.
Pagkatapos kong mag bihis ay kinuha kona yung chess board ko at saka ako lumabas na ng kwarto. Dumiretso ako pababa sa may sala dala ang malaking chess board ko.
Pagkarating sa may sala ay naupo agad ako sa may carpet at inilapag ang chess board ko sa may coffee table.
Napansin ko ang pag pasok ni manang sa loob ng bahay namin kasama si kuya, at hindi ko alam kong may mga kasama pa ba siyang iba.
"Mag lalaro ka? Sinong kalaro mo?" Si kuya Habang papalapit sakin
Umiling ako sa kaniya. "Nag aaral lang ako ng move's." Sabi ko at saka tumingin kay kuya na naupo na ngayon sa may sofa sa may likod ko. "Pero kung gusto mo laro tayo." Ako sabay ngisi sa kaniya
Kuya Aljur chuckled.
"Ako pa talaga hinamon mo diyan ah! Wag na! Matatalo ka lang sakin kaya iba nalang!" Tanggi niya sabay higa sa may sofa at labas ng cellphone niya
Umiling nalang ako sa kaniya at pagkatapos ay ibinalik na ang paningin sa harap ng chess board ko.
"Nga pala, kailan nga ulit yung meet up namin ni dayan? Diba ikaw yung nag schedule non?" Biglang tanong sakin ni kuya kaya napa baling ako sa kaniya
"Ngayong sabado nayun kuya. Bakit?" Sambit ko naman sa kaniya
"Ah-wala. Sige na, ipag patuloy mona yang ginagawa mo." Aniya sabay baling sa cellphone niya
Ipinag patuloy ko nalang ang ginagawa ko kagaya ng sinabi ni kuya.
Mayamaya pa ay narinig ko ng may kausap na si kuya sa cellphone niya. Naka higa parin siya sa may sofa na nasa likod ko, habang may kausap siya sa cellphone niya.
"Cancel ang practice natin sa sabado," rinig kong sabi niya, kaya umangat ng bahagya ang isang kilay ko habang naka tingin sa chess board
Naka loud speaker ang cellphone ni kuya kaya rinig ko ang pag uusap nila ng kausap niya sa cellphone niya.
"Bakit cancel?" Rinig kong tanong ng kausap niya, mukhang si lienzo nanaman
"Uh, may lakad ako non." Si kuya sa marahang boses
Napangisi ako habang nakikinig sa kanila. Talaga lang ha? Closure ba kamo ang lalakarin mo kuya! Tss,..baliw talaga sa pag ibig ang kuya ko.
"Tss,..ano namang lalakarin mo? Malapit na ang game, kaya kailangan na nating humigpit sa pag papractice!" Sagot naman sa kaniya ni lienzo sa iritang tono
Bumontong hininga pa mona si kuya bago sumagot sa kaniya. "Alam ko." Si kuya at napa sulyap sakin. "Gusto niyo ba talagang mag practice?" Tanong niya pa sa kausap niya
Hindi ako naka harap sa kaniya pero ramdam kong sakin naka tingin si kuya ngayon habang sinasabi niya yun sa kausap niya.
"Oo. Hindi pa masyadong magaling ang iba, kaya kailangan pa nila ng kaunti pang practice." Mariing sagot naman ni lienzo sa kabilang linya
"Sige. May kilala akong mag tuturo sa inyo habang wala ako." Si kuya sa seryusong boses
"Ano?! Talaga bang hindi ka pwedi sa sabado?" Iritado na talaga si lienzo sa kabilang linya
BINABASA MO ANG
Don't Mess With My Girlfriend
AksiTAGALOG - ENGLISH Teenfiction Novel#1 "The cover photo is not mine, it's from Pinterest." I haven't edited this manuscript yet. so there is a very high possibility that I have so many wrong Spelling or Grammaritically errors in this story. Yung Sim...