Feelings
Nang matapos na kami sa pagkain, ay dumiretso narin kami nila kuya kasama Ang iba pa sa may gymnasium, kung saan gaganapin Ang competition sa chess.
Dalawang estudyante Ang pambato ng bawat school, at kaming Dalawa ni Bryan Ang napiling maging pambato ng CDO national high school para sa chess competition.
Kasalukuyan na kaming naglalakad Ngayon sa may school yard ng Maka salubong namin Sila Bryan at Ang iba pa naming mga kasamahan sa chess.
"Rez," tawag Niya sakin habang papalapit Sila sa gawi namin
Huminto Ako sa paglalakad kaya napahinto rin sa paglalakad Sila kuya at Ang iba pa. Humarap Ako kila Bryan ng tuloyan na Silang makalapit sa gawi namin.
"Reziah, Kanina ka pa hinahanap ni coach... actually kayong dalawa ni Bryan," Sabi sakin ni Nygel isa sa kasamahan namin sa chess club
"Bakit daw? Mag uumpisa na ba?" I ask them
Umiling si Bryan at lumapit pa ng husto sa harapan ko. Rinig ko Ang pag tikhim nila kuya aljur at kuya Cleo sa likod ko pero Hindi ko nalang pinansin pa, at itinuon ko nalang Ang buong attention ko kila Bryan na nasa harapan kona Ngayon.
Nag pamulsa ng Dalawang kamay si Bryan sa harapan ko, habang diretso lang Ang tingin niya sakin.
"Reziah, hinahanap na Tayo nila coach." Aniya sa baritonong boses at sumolyap saglit sa likoran ko kung nasaan naroon Ang buong varsity at Sila kuya
Tinali ko ng mataas Ang buhok ko gamit Ang rubber bond na nasa wrist ko, at humarap kila kuya na Ngayon ay pare-pareho ng mariin Ang tingin Samin nila Bryan.
"Kuya, dumiretso na kayo sa bleachers ng gymnasium pupuntahan pa Kasi namin sila coach." Sambit ko sa kanila at tumingin Naman ng diretso sakin si kuya, habang Ang iba naman ay nanatiling naka tingin kila Bryan.
"Okay. Goodluck, galingan mo hah!" Sambit naman sakin ni kuya kaya parehas kaming napangisi sa isa't isa
"Watch me kuya, patataubin ko lahat ng kalaban ko." Confident ko Namang sagot sa kaniya at umangat Naman Ang Isang kilay Niya sakin
"Ang taas ng confidence mo ah! Pero kahit na matalo ka man sa laro niyo ililibre parin kita mamaya. Mahal at suportado ka ni kuya sa magiging laban mo, Rez." Aniya sa marahang tono
Dahil sa sinabing iyun ni kuya ay mas lalong tumaas Ang confidents ko na panalonin Ang magiging laro ko mamaya. Kuya aljur is one of my inspiration for this game.
Ngumisi Ako Kay kuya at Saka nakipag fist bump sa kaniya. "Kita kits na lang Tayo mamaya kuya," sambit ko sa kaniya at Saka bumaling Naman ng tingin sa iba pa.
Naka tingin na Silang lahat sakin, kaya nag paalam narin Ako sa kanila.
"Una nako guys, see you later na lang!" Paalam ko sa kanila at hinila na Sila Bryan papunta sa loob ng gymnasium, kung nasaan nandon na Sila coach at Ang iba pa.
Raegan's Pov
"So....ayun pala Yung Bryan na naka match ng Kapatid ko sa chess." Napatingin kaming lahat Kay aljur ng mag salita Siya habang pinagmamasdan niya parin Ang likod ng papalayo niyang Kapatid
Nahagip ng mga mata ko Ang naging reaction nila Enzo, Ej, at Simon habang pinagmamasdan rin Ang papalayong Sila Reziah habang papasok ng gymnasium.
Kitang kita Ang pagkakahawak ng kamay ni Reziah sa kamay ng lalaking yun, habang papasok Sila sa loob ng gymnasium.
Kahit Ako aaminin ko sa Sarili ko na nakakaramdam Ako ng selos dahil sa nakikita ko. Parang bigla nalang nag init Ang ulo ko habang pinagmamasdan Silang Dalawa na magkahawak ang isang kamay habang papasok ng gymnasium.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With My Girlfriend
ActionTAGALOG - ENGLISH Teenfiction Novel#1 "The cover photo is not mine, it's from Pinterest." I haven't edited this manuscript yet. so there is a very high possibility that I have so many wrong Spelling or Grammaritically errors in this story. Yung Sim...