Chapter 51

92 5 0
                                    


Back off.

Enzo's Pov.


The whole area is quiet peaceful. Umahon Ako sa tubig at hinayaang malaglag Ang bawat patak ng tubig sa katawan ko. I combed my wet hair backwards and then went up and sat on the edge of the pool. I picked up my white towel that was just layered here on the side of the pool and gently wiped it on my wet hair. Dito ko napiling magisip isip at mag relax sa may pool area ng Bahay namin dahil sa payapa at sobrang tahimik din Dito.

Madilim na Ang buong paligid pero Hi'to parin Ako at gustong magisip isip. Malalim akong Bumontong hininga at pinaglaroan Ang mga paa ko na nakalubog sa tubig ng pool. Naka yuko Ako ng biglang tumonog Ang ringtone ng cellphone ko na naka patong lang sa may lounge chair nitong pool area namin. Nagpasya akong tumayo para puntahan Ang cellphone, tinignan ko Ang caller at Nakita ko Ang Mukha at pangalan ni Simon sa screen ng cellphone ko.


Ano Naman kayang kailangan sakin ng Isang to?


Tatlong ring pa bago ko tuloyang sinagot Ang tawag Niya.


"What?" Bungad Kong tanong sa kaniya at tsaka Ako naupo sa may lounge chair habang nakatingin sa kawalan.


Isinakbit ko Naman sa balikat ko Ang puting twalya habang nakatutok parin sa Tenga ko Ang cellphone ko. handang makinig sa sasabihin niya sa kabilang linya.


"What is it, Simon?" Mariing paguulit ko pa ng Hindi Siya sumagot sa kabilang linya.

"Enzo." Kumono't Ang noo ko ng mahimigan ko Ang lasing na boses ni Simon.


"Lasing ka ba? where are you?" I ask him again as I heard him chuckled on the phone.


"We're all at the bar, come on over. Aljur and Cleo are also here. You should know something." He said in a hoarse voice.

Hindi nako nag aksaya pa ng Oras at agad din akong tumayo at pumasok sa loob ng bahay, dirediretso lang ang lakad ko papunta sa second floor ng Bahay kung saan nandon Ang kwarto ko.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay agad akong naglakad papasok sa walk in closet ko, para makapag bihis ng damit. Simpleng gray na hoodie jacket at Black cargo short pants lang Ang sinuot ko at tsaka itim na sneakers. Pagkatapos ay kinuha Kona rin Ang susi ng kotse ko na naka patong lang dito sa may drawer ng kwarto ko.

Daladala Kona pareho Ang mahalagang bagay sakin cellphone, wallet at Ang susi ng sasakyan at Bahay ko. Total ay ako lang Naman na Ang tao ri'to sa Bahay namin, dahil sa request kona rin ito  Kila mommy na gusto kong mapagisa Dito Sa Bahay.


Pagkalabas ng Bahay ay agad rin akong dumiretso sa may garahe at tsaka binuksan Ang sasakyan ko. Pumasok nako sa loob at tsaka nagsimulang magsuot ng seatbelt, binuksan Kona rin Ang engine ng sasakyan at sinenyasan Ang Isang  gwardiya ng Bahay namin na buksan ang gate ng garahe para makaalis nako.



Nang mabuksan na ng tuloyan ang gate ay sinimulan kona ring paandarin Ang sasakyan ko. Almost 15minutes rin ng makarating nako sa may parking lot ng mismong bar na tinutukoy ni Simon Kanina. Hindi nako nagtaka kung bakit nandito Silang lahat. Dito rin Kasi madalas Ang tambayan naming lahat. Malawak at Malaki rin Kasi Ang loob ng bar nato kaya kahit marami Ang customer ay hindi parin magsisiksikan sa loob.

May VIP seat rin which is don sa third floor, kung saan kami palaging naka pwesto. Bawat floor ay may mga Dance floor, pero sa third floor ay para sa mga elites lang talaga dahil sa mahal ng mga alak na binibenta don at idagdag pa Ang sobrang lawak din na dance floor at swimming pool. Parang rooftop Ang istilo sa third floor dahil railings lang Ang humaharang sa buong paligid ng bar, pero may ceiling Naman na humaharang kung sakaling bumohos Ang ulan.



Don't Mess With My Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon