Sam's POV...
7am na at dumating na rin si Yaya Delia para tulungan kami ni Mama sa pagbabantay kay Papa. Hanggang ngayon wala paring malay si Papa ang sabi ng Doctor baka raw operahan nila si Papa dahil sa bara sa puso niya. T_T
Ngayon na nasa Ospital si Papa walang mag ma-manage ng Company namin pareho pa naman kami walang alam ni Mama sa pagpapatakbo ng negosyo namin. Kaya mas natatakot at nahihirapan kami ni Mama sa posibleng mangyari sa Kumpanya! :(((
May mga emplayado si Papa na bumisita sa kanya at kuma-usap rin kay Mama para sabihin ang status ng Company namin ngayon. Si Mama lang ang naka-usap nila at hindi ko alam kung ano nang lagay ng Company namin. Pero habang nag-uusap sila ay pinapanuod ko sila.
Nakita kong umiiyak si Mama at may inabot sa kanyang mga files yung empliyado ni Papa. Bigla akong naka ramdam ng takot. Ayokong mapunta nalang sa wala lahat ng pinag hirapan ni Papa. Nung umalis na yung empliyado ni Papa kinausap ko agad si Mama para kamustahin ang Company.
"Mama ano pong sabi sa iyo nung empliyado ni Papa?"-Habang hinahaplos ko ang likod ni Mama.
"Ilang araw na daw anak nagkaka problema ang Papa mo sa Kumpanya natin. Ang sabi ng assistant niya may mga Investor daw na biglang nag pull-out ng mga shares nila! T_T"-Mama.
"O_o!!! Po???"-Sam.
"Marami na rin daw ang mga nagbenta ng mga Shares ng mga board members dahil nga sa pag ba-back out ng mga Foreign Investor sa Company! T_T"-Mama.
"Kaya mas kailangan nila ang Papa mo pero dahil nasa Ospital naman ngayon ang Papa mo. Sinabi nila na mapipilitan silang palitan muna ang Presidente ng Kumpanya dahil pareho naman tayong walang alam sa Business ng Papa mo. Anak hindi ko na ata kakayin pa ang mga sunod-sunod na problemang dumadating satin!!! T_T"-Mama.
"Shhhhhh! :((( Mama tama na po wag na po kayong umiyak. Magiging okay din po ang lahat hindi tayo pababayaan ng Diyos Mama! T_T"-Sam.
"Hindi ko na alam anak kung anong gagawin. Hindi pwedeng mawala satin ang Company yun nalang ang ma ibibigay namin sayo ng Papa mo anak. :((("-Mama.
"Mama hindi po mawawala satin ang Company pangako gagawin ko po ang lahat para lang ma protektahan ang mga pinaghirapan ni Papa. :((("-Sam.
Sam's POV...
Kailangan kong maging malakas dahil nakikita kong gusto nang sumuko ni Mama sa mga dumadating na pagsubok samin! T_T
Nagpaalam muna ako kay na Mama na uuwi muna ko sa bahay para magpahinga sandali at kumuha ibang gamit ko. Pero ang totoo makikipag kita lang ako sa Daddy ni Miggy.
Malakas ang kutob ko na ang Daddy ni Miggy ang may plano ng lahat ng mga nangyayari ngayon sa Company namin. Sinabi na nun ni Miggy na plano ng Daddy niya na bilhin ang Company namin para mag back out ang mga Investor at nang mademanda si Papa!
Kaya oras na para ako naman ang lumaban,para ako naman ang makatulong sa Pamilya ko. Sakin nag simula ang lahat ng problema kaya dapat ako rin ang gagawa ng paraan para masulusyonan ko ito!
Umuwi muna ako nagpahinga, nag-isip at inayos ang sarili. 9AM na Konting sandali nalang maghaharap na kami ng Daddy ni Miggy. Sobrang kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon pero sa panahong ito walang lugar ang takot at kaba sa Puso ko!
Dapat akong maging matatag matapang at malakas dapat kong kayanin na harapin ang Daddy ni Miggy. Hindi ako pwedeng matakot at umasa nalang kay Miggy sa lahat ng oras.
10AM na! Oras na para harapin ko ang takot sa puso ko at ipaglaban naman ang mga mahal ko! Hindi na ko pwedeng umatras at maduwag ipapakita ko sa kanila na hindi ako pabigat sa pamilya ko at lalong lalo na kay Miguella!
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness
RomansaEto ay love story nina Samantha Reyes"Sam" at ni Miguella Conjuanco "Miggy" Maraming bagay o aspeto sa buhay na magkaiba sila gaya ng personalidad sa pananamit, Ugali at pamilya. Si Sam ay pinalaking Sweet girl at nag-iisang anak sikat at magandang...
