Sam's POV...
After kong iwan si Cassie at Miggy naka ramdam ako ng sobrang lungkot! Hindi dahil magkasama sila kundi dahil sa pag-alis ni Cassie. Ayokong umalis siya ng dahil lang samin ni Miggy naging mabuting kaibigan siya sakin samin at lalong lalo na kay Miggy.
Palagi siyang nandyan para kay Miggy. Pero ngayon aalis na siya at nalulungkot ako na mababawasan na kami sa barkada. Alam kong masakit para kay Cassie na lumayo. Kaya sobra sobra ang pasasalamat ko sa kanya na pinalaya niya si Miggy kahit masakit para sa kanya inisip parin niya kung ano ang makakapag pasaya kay Miggy!
Nung lumabas ng room si Cassie naghihintay na sa kanya ang buong barkada naiiyak na sina Ola Chelz Diane Puma at Mae. Nalulungkot din kasi sila sa pag-alis ni Cassie
"Cassie is it true aalis kana daw? T___T-Chelz.
"Why Cassie??? Galit ka ba samin?"-Diane.
"Please stay Cassie malulungkot talaga kaming lahat pag-umalis ka! T____T"-Puma.
"Alam kong close kayo ni Bess pero naging kaclose mo na rin naman kami diba? Sana wag kanang umalis! T___T"-Ola.
"Oo nga Cassie saka malulungkot si Miggy pag gising nun na wala kana!"-Mae.
"Come on guys your making it hard for me to leave! Please don't cry! T___T Nakapag disisyon na ko na aalis na ko I'm sorry pero sana maintindihan niyo ko." -Cassie.
"Sure kana ba talaga dyn Cassie?" -Ola.
"Oo Ola kailangan kong umalis."-Cassie.
"Pano si Miggy hindi ka na ba magpapaalam pa sa kanya?"-Chelz.
"Hindi na alam kong pipigilan lang ako ni Miggy kaya wag nlng si Sam na ang bahalang mag explain kay Migz."-Cassie.
"Bakit naman kasi biglaan ang alis mo mamimiss ka talaga namin Cassie wag mo kaming kakalimutan may FB Twitter Skype at kung ano ano pa! Saka pag okay kana bumalik ka ha!"-Puma.
"Don't worry guys I will never forget you lahat ng memories ko kasama kayo yung mga happy moments natin lahat yun di ko makakalimutan! T___T"-Cassie.
After nun ay nag group hug na kami isa isang nagpaalam kay Cassie at tuluyan ng unalis si Cassie sinabi niya na hindi na daw siya makakadalaw bukas dahil magiging busy na siya kaya yun na daw ang huling pagkikita namin!
"Nakaka lungkot no!"-Mae.
"Oo nga hindi parin ako maka paniwala na umalis na si Cassie! T__T"-Diane.
"Sana bumalik ulit siya noh para makumpleto na ulit tayo"-Chelz.
"Ipagdasal natin siya na maging safe ang pag-alis niya at maging okay na siya para balikan niya ulit tayo."-Ola.
"Sam kelan mo sasabihin kay Miggy ang pag-alis ni Cassie?"-Mae.
"Hindi ko pa alam. :((( Baka kasi mas maka sama sa kanya pag binigla ko siya."-Sam.
"Ahmm Sam! Bili lang kami ng lunch natin habang nagbabantay ka kay Bess!"-Ola.
"Sige ingat kayo."-Sam.
Bumalik ako sa room ni Miggy at wala paring malay si Miggy. Hinawakan ko lang ang kamay niya at binantayan ko siya ng bigla akong nakatulog ilang araw na din kasi akong puyat at stress dahil nga sa mga nangyari. Nang bigla akong may naramdaman na humahaplos sa mukha ko.
"Hmmmmmm....."-Habang unti inti ko dinidilat ang mga mata ko.
"O___o! Myloves gising kana!"-Sam.
"^_^ Hi Myloves sorry napagod ka ata sakin ah."-Miggy.
"O___o!!! Sandali lang Myloves! Tatawagin ko lang ang doctor!!!" Sobra akong nataranta nung nagising si Miggy.

BINABASA MO ANG
Twisted Happiness
RomanceEto ay love story nina Samantha Reyes"Sam" at ni Miguella Conjuanco "Miggy" Maraming bagay o aspeto sa buhay na magkaiba sila gaya ng personalidad sa pananamit, Ugali at pamilya. Si Sam ay pinalaking Sweet girl at nag-iisang anak sikat at magandang...