Sam's POV...
Ibang iba na ang Cassie na pumasok ngayon. Kahapon kasi na absent si Miggy hindi naman siya nag iba parang siya parin ang Cassie na kilala namin. Simple maganda mabait at tahimik pero ngayon ang Cassie na kaharap namin ay nakapa Sexy ng suot kitang kita ang magandang hubog ng katawan niya pati make up niya ibang iba. Kung dati rati simple lang ang make up niya at natural beauty lang ang looks niya ngayon parang ibang Cassie ang kaharap namin mula ulo hanggang paa.
Panay pa ang dikit niya kay Miggy na mas kina inis ko. Iba na ang mga tingin niya kay Miggy at alam kong may gusto siyang ipahiwatig! Hindi ko lang sigurado kung ano ba talaga ang gusto niya! Mas dumami ang lalaking lumapit kay Cassie ngayon at lahat ini-entertain niya nakikipag tawanan na din siya di gaya ng dati na tahimik lang siya.
Lumipas ang mga araw na ganun parin si Cassie madalas nga ay may mga ka date na siyang lalaki at yung mga kilalang lalaki dito sa campus. May Varsity player,Student Counsil, Models, at kung sino sino pang mga gwapo at mayayaman na lalaki. Madalas tuloy hindi na rin namin siya nakakasama sa lakad ng barkada.
Miggy's POV...
Ang laki na ng pagbabago ni Crush este Cassie Hahaha^_^! Pano ba naman from a simple lady naging daring na siya at biglang lumabas ang pagiging liberated niya. Madalas ay nakikipag date na siya sa iba't ibang lalaki. Hindi na rin namin siya madalas kasama! Pag hindi siya nakikipag date ay mga Elite Members naman ang kasama niya.
Daily Routine in Life!
Sinundo ko na si Myloves sa bahay nila gaya ng dati palaging ako na ang sumusundo sa kanya madalas kaming magkasama at palagi kaming tinutukso ng barkada kung bakit daw ba ang sweet sweet namin. Syempre todo deny parin kami.Ayaw pa kasi ni Sam sabahin sa kanila natatakot pa daw siya kaya nirespeto ko nlng ang gusto niya.
"Good morning Myloves! ^_^" Bati ko kay Sam sabay halik sa pisngi niya.
"Good Morning Myloves ^_^"
Nagdrive na kami masaya at nakikinig lang sa music. Maayos kaming nakarating at as usual nagkita kita na kaming magkakaibigan. At pumasok sa Class nmin.
"Good Morning Class!" Bati ni Miss Santos.
"Good Morning Miss Santos."
Habang tahimik ang lahat sa pagsusulat ng mga notes.Biglang nagkaron ng new splash sa TV sa room. namin.Sosyal ang room namin may malaking flatscreen mga 50inch! In case emergency kasi gaya ng mga news or mga special announcement makikita nlng namin sa TV.
NEWS SPLASH!!!
Magandang Umaga po sa inyo lahat! Isang maganda at ka abang abang na balita po ngayon ang inyong matutunghayan dahil sa nalalapit na ang kaarawan ng isa sa mga anak ng kilalang Business Tycoon at ang Kinilala ng Forbes Most Powerful Business Men in Asia na si Mr. Borix Cojuanco!
Ang kanyang panganak na anak na si Mr. Jay Cojuanco ay magdidiwang na nang kanyang Ika 21yrs. Birthday ngayong darating March 21,2014. Sa isang 5 star Hotel sa Manila sa Fairmont Hotel. Ito ang tinatawag ng lahat na Biggest Celebration of the Year. Sapagkat maraming kilalang personalidad ang dadalo sa napaka magarbong celebration! Sinasabing dadalo raw ang Presidente, Vice-President, mga Senators, Kilalang Business Men all over the world at mga ma Impluwesyang tao sa iba't ibang bansa.
May mga speculations din na baka daw i turn over na ni Mr. Chairman ang kanya Huge Empire sa anak nito. Meron din namang bulungan na baka daw isabay na rin sa kaarawan ang Engagement ni Mr. Jay Cojuanco o baka naman daw pamahalaan ang isa na mga main branch ng company.
Sinasabi na rin na magiging mahigpit ang security sa party at hindi basta basta makaka pasok sa party sapagkat tanging mga nasa Upper Class lamang ang maaring dumalo sa party. Ayon pa din sa Source namin ay sinasabing nasa 1billion daw nagasto ng mga Cojuanco para sa Biggest Celebration of the Year! Mula sa Venue Pagkain Damit ng buong pamilya na isusuot mga Performers Entertainers at iba pa!
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness
RomanceEto ay love story nina Samantha Reyes"Sam" at ni Miguella Conjuanco "Miggy" Maraming bagay o aspeto sa buhay na magkaiba sila gaya ng personalidad sa pananamit, Ugali at pamilya. Si Sam ay pinalaking Sweet girl at nag-iisang anak sikat at magandang...