Sam's POV...
Nagpaalam sakin si Myloves na makikipag kita daw siya sa Daddy niya. Pumayag naman ako in fact natuwa pa nga ako kasi baka sakaling magka-ayos na sila. Masaya ako kung magiging okay na si Miggy at ang Dad niya para naman mawala na ang galit sa Puso ni Myloves.
Napansin kong may problema si Myloves pero pag tinatanong ko naman siya ang palagi niya lang sinasabi ay okay lang naman daw siya. Naka ilang tawag at text na rin ko kay Miggy pero hindi naman siya sumasagot nag-aalala na tuloy ako sa kanya at kung ano ano na ang tumatakbo sa isip ko. Yung huling pag-uusap namin naramdaman ko sa mga boses ni Myloves na may mabigat siyang problema pero ayaw niyang sabihin sakin. Gusto ko siyang tulungan pero siya mismo ang ayaw magpatulong sakin. Ayoko naman na pilitin pa siya dahil baka mag-away pa kaming dalwa. Ini-intindi ko nlng siya kung may pinagdadaan siya at mas gusto niyang solohin.
Miggy's POV...
"Oh Besty eto na dinner natin tara kain na muna tayo! ^_^"-Puma.
"Salamat Besty buti nlng talaga dumating ka kundi baka hindi ko na alam ang gagawin ko!"
"Sus wala yun Mag Besty nga diba Haha^_^"
"Salamat talaga Puma!"
"Uhmmmm.... Besty?"
"Hmmmmm? ^_^"
"Wala ka ba talagang nararamdaman para kay Cassie?"
"O__O! Huh?"
"I mean tingnan mo mukhang mahal na mahal ka talaga ni Cassie at kaya pa niyang tapusin ang sarili niyang buhay dahil sa sobrang pagmamahal niya sayo. Uhmmmmmmm..... Wala kabang pinakitang motibo o mga ginawa para mas mahulog siya sayo?"
"Besty! O__o????"
"Besty wag mong masamain yung tinatanong ko. Ganto kasi yan minsan may mga bagay na para sa atin ay walang kahulugan pero para sa ibang tao meron. Ikaw na rin ang nagsabi na medyo sweet sayo si Cassie tapos nagkiss pa kayo not once but twice!"
"Ei wala naman talaga yun para sakin Besty ei! Kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Cassie oo nagkiss kami but I was drunk at that time yung sunod na halik niya naman hindi naman counted yun dahil siya ang biglang humalik sakin!"
"Ahhhh... Okay pero ikaw ba kung wala ba si Sam sa buhay mo sa tingin mo ba may Possibility na maging kayo ni Cassie?"
"Sa totoo lang Besty maganda si Cassie sexy matalino mayaman mabait maalaga sweet halos lahat ng katangian ng isang perfect girlfriend nasa kanya na. Pero sa tingin ko hindi mawawala ang pagmamahal ko kay Sam. Kung hindi siya dumating sa buhay ko baka hindi magmamahal ang puso ko kung mga bf or gf man ako baka hindi ko sila totoong mahal!"
"Naks taray loyal lang ang peg! Haha^_^"
"Baliw ei sa yun ang totoo Besty si Sam lang at tanging si Sam lang ang taong mamahalin ko."
Late ng umuwi sa Puma sa kanila dahil sinamahan niya kong magbantay kay Cassie pero mga 12midnight umuwi na rin siya kasi may pasok pa siya dadaanan nalang daw niya ko bukas.
Tumawag nlng ako sa bahay para magpadala ng mga gamit ko sa Ospital pero mahigpit na pinagbilin ko sa mga katulong na wag nang sabihin sa mga kapatid ko na nasa Ospital ako at hindi umuwi.
Hanggang ngayon iniisip ko parin kung papano ko ipapaliwanag ang lahat kay Sam. Alam kong mag-aalala siya pag hindi ako pumasok pero lalabas na si Cassie ngayon o bukas kaya nag-iisip parin ako kung dapat ko pa bang sabihin na nasa Ospital ako.
Hindi ko naman maiwan si Cassie cause I'm the only one that she can count on.Wala naman si Tito Fred asa US wala siyang kapatid o kamag-anak dito sa Pinas kaya ako lang ang pwedeng magbantay sa kanya. Hindi pa rin na gigising si Cassie at pag nabibitawan niya ang mga kamay ko ay kaagad siya nagigising medyo weird pero hinayaan ko nlng siya kaya tuloy wala pa kong tulog dahil sa pagbabantay kay Cassie.
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness
RomanceEto ay love story nina Samantha Reyes"Sam" at ni Miguella Conjuanco "Miggy" Maraming bagay o aspeto sa buhay na magkaiba sila gaya ng personalidad sa pananamit, Ugali at pamilya. Si Sam ay pinalaking Sweet girl at nag-iisang anak sikat at magandang...