CHAPTER 12: Kidnapped
Third Person POV
"HINDI maaari! Ama, Ina! Paano niyo nagagawa sa akin ang bagay na 'yan? Alam niyong may kasintahan ako!"
Tanging pag-iyak lang ang nagawa ng isang dalaga sa ibinalita sa kaniya ng magulang.
Hindi siya makapaniwala na kaya itong gawin sa kaniya ng kaniyang magulang gayong siya lang ang nag-iisa nitong anak. Masakit para sa kaniya, hindi niya ito matatangap.
"Makinig ka muna sa amin anak, para ito sa ikabubuti ng mga nasasakupan natin. Hindi mo naman sila gugustuhing magkaroon ng giyera, hindi ba?" Mahinhin ngunit madiing saad sa kaniya ng kaniyang ina.
Umiling ang dalaga ng paulit-ulit. Patuloy lang sa pag-agos ang masagana niyang luha.
"Ngunit ina, magpapakasal lang ako sa taong gusto ko!" Masakit para sa kaniya ang iwanan ang pinamamahal niyang lalaki.
"Agape! Hindi ka ba nakakainti--"
"May mahal ako! At si Leuros 'yun !"
Hindi nakapagpigil ang ama ng dalaga at mabilis na dumapo ang kaniyang palad sa pisngi nito. Galit na siya. Galit na galit.
Tila natulala naman ang dalaga dahil ito ang unang pagkakataong pinagbuhatan siya ng kamay ng ama. Sinapo niya ang namumulang pisngi at dinamdam ang sakit at hapdi nito.
"Pupunta ka sa Verxus Kingdom at magpapakasal sa hari. Kung hindi mo ito gagawin, mapipilitan akong ipapatay ang mahal mo."
Tila nabingi ang dalaga dahil sa pagbabanta sa kaniya ng kaniyang ama. Hindi.. Hindi siya makapapayag na masaktang ang kaniyang kasintahan.
Sinubukan niyang habulin ang mga magulang ngunit umalis na ang mga ito. Wala na siyang magawa kung hindi ang mapa-upo sa malamig na sahig ng bulwagan. Nakakabingi ang katahimikan, mas lalo nitong pina-iigting ang sakit na nadarama niya.
Napangiti siya ng mapait. Ni hindi man lang siya ipinagtanggol ng kaniyang ina. Ang taong akala niya ay kakampi niya sa buhay. Napahinga siya ng malalim at nagpasyang bumalik sa kaniyang kwarto.
Samantala, mahigpit namang nakakuyom ang kamao ng hari ng Suffiron Kingdom. Labag sa kaniyang kalooban ang pagpapakasal ng kaniyang sa nag-iisang anak sa hari ng Verxus Kingdom. Idagdag pa ang panganib nito. Ngunit ito lamang ang naiisip nilang paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng giyera sa pagitan ng dalawang kaharian.
Pagpapakasal. Ito ang napagkasunduan ng buong Suffiron Council upang mapigilan ang pagsakop ng Verxus Kingdom sa kanila.
"King Marcuz, kailangan na nating ma-ipadala ang prinsesa sa Verxus Kingdom sa lalong madaling panahon." Pag-aanunsyo ng isa sa mga Suffiron Council. "Kung mahuhuli tayo, hindi imposbileng magbago ang isip ng hari ng Verxus Kingdom at ituloy ang pagsakop nito sa atin."
"Tama. Maraming buhay ang malalagay sa panganib kung mangyari ang bagay na iyon."
"Maraming mamamatay kung hindi magpapakasal ang prinsesa sa hari nila."
"King Marc--"
"Tahimik!"
Galit ang bumalot sa sistema ng hari dahil sa ingay sa kanilang silid. Hindi siya makapag-isip ng maayos dahil maging siya ay nag-aalala na sa lahat ng nangyayari.
"Anong ba ang dahilan ng hari ng Verxus Kingdom at gusto nila tayong sakupin?"
Isang tanong ngunit walang makasagot. Isa lang ang nasa isip nila, ito ay dahil sakim ang hari ng Verxus Kingdom.
Ngunit kahit anong isipin ng hari, hindi iyon ang dahilan. Alam niyang mas malalim pa ang dahilan nito ngunit pinipilit lamang niya ang sariling isip na paniwalaan ang kasinungalingan na iyon.
BINABASA MO ANG
Before The Coronation
Historical FictionArianna Venice Samonte is just your typical college student who really loves reading novels, especially those historical stories. One day, she was invited to a museum. She was amazed by all the historical things that the museum have, but what caug...
