CHAPTER THIRTY FOUR

298 9 0
                                    

CHAPTER 34: The Truth

Leuros POV

Hindi ito maaari! Saan ba siya nagpunta? Bakit wala siya dito?

Sa sobrang galit ay paulit-ulit kong sinuntok ang pader hanggang sa magdugo ang kamao ko. Tumigil lang ako nang maramdaman ko ang presensya niya.

Napasabunot sa sariling buhok at umupo sa sahig. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng dugo mula sa mga sugat ng kamao ko pero wala akong pakialam.

"Sinasayang mo lang ang oras mo sa pagmumukmok dito. Bakit hindi mo siya hahanapin ngayon palang? Hindi ka ba nag-iisip?" Sarkrastiko nitong saad.

Hindi ako nakasagot dahil tama ang sinabi niya. Bakit nga ba ako nandito? Kasi alam kong kahit anong paghahanap ang gawin ko, hindi ko siya makikita.

Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. Bigla akong napa-isip. Alam niya ang lahat ng bagay at lahat ng nangyayari sa mundong ito.

Siguro naman alam niya rin kung na saan si Agape.

"Sabihin mo sa akin kung saan siya nagpunta,"

Isang napakalakas na halakhak ang isinagot niya sa akin. Tumindig ang balahibo ko sa inasta niyang iyon. At ilang sandali pa ay isang malakas na kulog at kidlat ang nagpatigil sa kaniya mula sa paghalakhak.

"Malapit na." Huli niyang sambit bago naglaho sa harapan ko.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkaka-upo. Kumuha ako ng tela upang ipangtakip sa dumudugo kong kamao.

Malapit na. Anong ibig niyang sabihin doon?

Ang misteryo sa likod ng lalaking iyon ang laging tumatakbo sa isip ko. At alam kong napakadelikado niyang tao.

Ngunit tao nga ba siya?

'Magmadali ka. Naroon siya sa gitnang parte ng gubat kung saan may nakatayong isang maliit na lamang bahay. Sundan mo lang itong ibon at makakarating ka doon..'

Napangisi ako. Isang itim na ibon ang lumitaw sa harap ko. Nagsimula na itong lumipad kaya tumakbo na ako upang sundan ito.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya ako tinitulungan, ngunit sa huli, alam kong may kapalit ang mga ito.
____

Madilim ang gubat ngunit nagliliwanag ang pwesto ko dahil sa liwanag ng kwintas ni lola Anasya. Ito ang nagsisilbing ilaw ko upang makakita sa dilim.

Alerto ang katawan ko upang maghanda sa anumang mangyayari.

'Maghanda ka, Arianna. Ramdam kong may paparating.. '

Mabilis akong tumalima at nagtahi sa likod ng isang malaking puno. Pinakinggan ko ang paligid. Tama nga si lola, may naririnig akong yapak at kaluskos.

Pinikit ko ang aking mga mata at sandaling nanalangin na sana ay hindi ito kalaban. Masyado akong napagod kanina sa pagtakbo at wala na rin ang lakas na ipinahiram sa akin ni lola Anasya.

Tumigil ang yapak na narinig ko. Sandali akong sumilip mula sa likod ng puno.

At halos manlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ito.

"Agap-"

Natuptop ang aking sasabihin nang makaramdam ng sakit sa ulo. Medyo nahilo ako at muntikan pang matumba.

May naramdaman akong likido na tumutulo sa ilong ko kaya't mabilis ko itong pinahid. Bigla akong natuod nang nakita kung ano ito.

Pulang likido. Dugo....

Anong mangyayari? Bakit ganito?

'Patawad...'

Balak ko na sanang tanungin si lola Anasya kung bakit niya iyon sinabi nang marinig kong nagsalita si Agape.

"Nandito lang iyon kanina. Na saan na siya?" Sambit nito. Medyo nanibago pa ako nang mahimigan ang pagka-inis sa tono niya.

Si Agape ba talaga ito? Bakit parang may nararamdaman akong kakaiba sa kaniya?

'Magpapakita ako kay Agape, lola. Baka matulungan niya ako.'

Naghintay ako ng sagot ni lola Anasya ngunit wala akong narinig. Nakapagtataka.

Binalewala ko ang nararamdaman kakaiba sa kaniya. Lumabas ako mula sa pinagtataguan.

"Agape!"

Masaya akong tumakbo palapit sa kaniya. Gulat naman ang mukha nang mapatingin sa akin.

Niyakap niya ako nang makalapit ako sa kaniya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa kaniyang gumawa. Kahit papaano ay alam kong may kakampi ako sa mundong ito.

"Buti naman at ayos ka lang! Alam mo bang nag-aalala ako sa iyo?" Saad niya matapos kumalas sa yakap.

May lalong lumaki ang ngiti ko. Naalala ko bigla si Cindy sa kaniya, ang bestfriend ko.

"Ayos lang ako, Agape. Natutuwa akong nagkita ulit tayo."

"Halika, kailangan na nating umuwi. Masyado nang delikado kung mananatili pa tayo dito sa kagubatan."

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mangamba. Alam ba niya na dinakip ako ng ama niya kanina lang? Alam ba niya kung anong totoong ugali ng ama niya? Anong gagawin niya pag nalaman niya ang mga bagay na iyon?

Napatingin ako kay Agape. Nakatulala siya sa kawalan habang naglalakad. Parang may malalim siyang iniisip.

"Arianna, anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang bagay na matagal mo nang hinahanap ay nasa kamay ng kaibigan mo?"

Sa sandaling iyon ay kinutuban ako ng masama. Lalo na nang humarap siya sa akin ng sersoyo ang mukha. Ngunit ang kaniyang mata..

Nagpapahayag ito ng konsensya.

Napa-atras ako. Nilukuban ng kaba ang aking dibdib. Ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata.

"A-anong ibig mong s-sabihin?" Sinubukan kong huwag mautal ngunit nabigo ako.

"Malapit na ang pagtatapos, Arianna. Malapit na." Saad niya.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Ano ang malapit nang matapos? Ano ang tinutukoy niya?

"Alam mo bang tulad mo rin ako?" Natatawang sambit niya ngunit walang mababakas na tuwa sa tono.

"Hindi ako ang totoong Agape. Tulad mo, mula rin ako sa ibang mundo at napadpad sa lugar na ito. Ang kaibahan nga lang, napunta ako sa katawan ng ibang tao."

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon