CHAPTER FIFTY FIVE

315 7 0
                                    

CHAPTER 55: Unexpected Attack

Masakit.

Ito ang unang beses kong makaramdam ng ganito kasakit na parusa. Ramdam kong sa bawat hagupit ng latigo ay tumatagos sa balat ko. Ramdam ko rin ang pagdudugo ng likod ko dahil sa mga sugat.

Isang hagupit pa ang nararamdaman kong lumapat sa likod ko na ikinasigaw ko ng napakalakas.

Gusto kong umiyak pero wala nang likido na tumutulo sa mata ko. Nanghihina na ang katawan ko at pakiramdam ko ay mamamatay na ako anumang oras dahil sa sakit.

"Sampung hagupit muli ang gawin mo kapag nagtangka 'yang tumakas dito." Utos ni Hudas sa lalaking may hawak na latigo.

Lumuhod siya sa harapan ko upang pantayan ako. May kakaibang ngiti ang nakapaskil sa kaniyang labi.

Gusto kong sapakin ang pagmumukha niya.

"Masakit ba, Yssabellia Nova- oh wait, hindi nga pala ikaw si Yssabellia Nova. Hindi ikaw 'yong babaeng pinadala dito ng Ghazi. You're an impostor. "

Nagulat ako sa sinabi niya. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi niya nang makita ang reaksyon ko.

Napakuyom ako ng kamao. Paano niya nalaman? Wala akong pinagsabihan- 'yong dalawang kawal! 'Yung mga humuli sa akin, sila lang ang pwedeng magsabi nito sa kanila. Tangina naman!

"Sa tingin mo ba hindi namin malalaman?" Humalakhak siya ng tawa. Hinampas pa nito ang braso ko na ikinangiwi ko. "Well, at first kakaiba na talaga ang pakiramdam ko sa'yo. Napapa-isip nga ako minsan kung ganoon ba talaga kumilos ang babae na taga-Ghazi. Until one day, Hakim and Lauran confessed what they did."

Kung ganoon, 'yong dalawa talaga ang nagsabi. Kasalanan nila 'tong lahat! Sila ang nagpunta sa akin dito kaya bakit ako ang pinaparusahan?!

"Now tell me, who are you?"

Ang kaniyang mata ay seryosong nakatitig sa akin. Halatang desperada na talaga siya.

Pero wala akong pake. Hinding-hindi ko sasabihin sa kaniya kung sino ako.

"H-hu-laan.. m-mo.." Nanghihina kong sagot.

Bumakas ang galit sa mukha niya. Sinenyasan niya ang lalaki at bahagyang lumayo sa akin. Napasinghap na lamang ako nang maramdaman ko nanaman ang hagupit ng latigo sa likod ko.

Isang malakas na hiyaw ang lumabas sa bibig ko. Nakatatlong hagupit ito bago tumigil.

Nanghihina akong napayuko. Mariin kong pinikit ang mga mata upang pigilan ang pagdaing dahil alam kong sa bawat sigaw ko ay tuwang-tuwa ang Hudas na 'to sa harap ko. Nanginginig ang katawan ko sa sobrang sakit. Parang paulit-ulit na tinutusok ng karayom ang bawat laman ko nang walang tigil.

Hindi ko na magawang maigalaw ang mga kamay kong nakatali sa isang poste. Bumilis ang tibok ng puso ko at nahihirapan na rin akong huminga.

Malapit na.

Malapit na akong mamatay.

"Sa bawat maling sagot mo, tatlong hagupit ang mararamdaman mo, okay? Kaya kung ako sa'yo, aayusin ko ang mga isasagot ko." Natatawang banggit niya.

Hindi ko siya nililingon. Nanatili akong nakayuko dahil pinakikiramdaman ko ang sarili ko.

Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Nanghihina na ako at hirap nang huminga. Ang likod ko ay namamanhid na.

"Hoy, sumagot ka!" Hindi ko siya pinansin.

Pilit kong nilalabanan ang antok. Pinapanatili kong bukas ang mga mata ko dahil ayokong makatulog. Dahil kapag nakatulog ako, natatakot akong baka hindi na ako magising. Natatakot akong maiwan ang lahat ng bagay sa mundong ito nang hindi pa tapos.

I-aalis ko pa sa lugar na ito ang magkapatid. Hahanapin ko pa ang si Yssa. Hahanapin ko pa ang kuya Marcel ko. At..

Babalik pa ako sa mundo ko.

"Hey-"

"Madam Gretchen!" Isang boses ng lalaki ang narinig ko.

Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakayuko ako. At wala akong balak na tingnan ito.

"What?"

"M-may.. m-may mga sumugod po!"

Hindi ko na naintindihan ang pinag-uusapan nila dahil sumakit na naman ang likod ko. Sobrang sakit na hindi ko na nakayanan at nawalan na ako ng malay.
______

Third Person POV

Mula sa malayo ay tanaw ng mga kawal ang halos isang-daan libong itim na mga tao ang nakatayo sa harap ng palacio. Pinangunginahan ito ng isang lalaking nakasakay sa itim na kabayo.

Hindi sila makapaniwala.

"M-mga demonyo.."

Nagsinghapan ang lahat. Hindi nila inaasahan ang pag-atake ng kabilang kaharian. Ang Verxus Kingdom.

"M-magmadali k-k-kayo! Ipa-.. I-Ipaalam ito sa m-mga nakatataas!" Tarantang sigaw ng isa sa mga heneral ng Suffiron Kingdom.

Alam niya, alam nilang lahat kung ano ang magiging kahihinatnan nila sa kamay ng mga demonyong ito. Ito ang araw na kinatatakutan ng lahat, ang pagsugod ng Verxus Kingdom. Ang araw na dadanak ang dugo sa kanilang lupain.

Samantala, nagsisimula nang magkagulo ang mga mamamayan ng bawat bayan sa Suffiron Kingdom dahil sa biglaang pagsulpot ng mga daang-daang itim na tao o mga demonyo sa kanilang lugar.

Ang iba ay nagtataka, ngunit karamihan sa kanila ay alam na ang susunod na mangyayari.

Delikado ang buhay nila.

"Ina! Ano po 'yong mga 'yon?" Turo ng isang bata sa mga demonyo na tila ay binabantayan sila.

Tila tinakasan naman ng kaluluwa ang ina nito sa nakita. Nanginginig man ngunit nagawa niya pa ring buhatin ang kaniyang anak at tumakbo palayo.

Upang iligtas ang kanilang buhay.

"Katapusan na ng kaharian natin!" Malakas na iyak ng isang matanda.

Mula doon ay sumiklab ang samut-saring iyakan at sigawan ng mga tao sa takot. Takot na sila ay hindi na muling sisikatan ng araw sa susunod na mga oras.

Nagtakbuhan sila sa kanilang bahay. Sari-sariling nilang hinigit ang bawat pamilya nila papunta sa isang lugar na ligtas.

Sa palacio.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, na ang inaakala nilang lugar na makapagliligtas sa kanilang buhay ay siyang lugar kung saan mapupuno ng dugo ang bawat sulok nito.

"May the gods and goddesses witness this little game of mine."

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon