CHAPTER FOURTEEN

790 20 0
                                    

CHAPTER 14: Moon Festival

Dalawang araw na ang nakalipas noong matagpuan ako nina Agape at Leuros sa gubat. Pinatira nila ako sa medyo may kalakihan nilang bahay na matatagpuan sa isang bukid.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakakausap ko ang mga taong nababasa ko lamang sa isang novel sa mundo ko. Minsan ay natutulala pa ako sa harapan nila.

Here in their house, with lola Anasya, they treated me well. Tatlo lang pala silang namumuhay sa bahay na 'to, akala ko kasi maraming nakatira rito dahil sa laki ng bahay.

Pero kahit na maganda ang pakikitungo nila sa akin ay hindi ko maiwasang magtaka. Maraming mangyayari sa loob ng bahay na ito na hindi ko maintindihan. Tulad na lang ni lola Anasya, ang sabi ni Agape, si lola Anasya ang nag-alaga kay Leuros simula sa pagkabata nito. But in the novel, it didn't mention name such as Anasya. Leuros grew up alone without anyone in his side.

Ang mga kilos din na lola Anasya ay kakaiba para sa akin. I sometimes caught her silently staring at me, then she would randomly smirk. Weird isn't it?..

Then, another strange thing is about Leuros. First, the color of his eyes. I'm pretty sure that the novel describes his eyes as hazel nut, not red. Minsan napapa-isip ako kung may nakaligtaan ba ako sa novel, pero wala naman.

Second, his stare at me. Hindi naman sa binibigyan ko ng malisya ang pagtitig niya sa akin, pero iba kasi ang mga tingin niya, madilim at matalim. I feel like his murdering me with his stares. But I choose to ignore that thing.

Pansin ko ring hindi niya pinapahalata ang mga nakakamatay niyang tingin sa akin kay Agape at kay lola Anasya.

And that made me wonder. May ginawa ba akong masama sa kaniya? Kasi sa tingin ko wala naman.

Sa tuwing lalapit siya sa akin para makapag-usap, ibang-iba naman ang pinapakita niya sa akin. Nagiging mabait ito, inosente. Kaya hindi ko talaga ma-isip kung totoo ba 'yung mga tingin niya sa akin o namamalikmata lang ako.

Si Agape din. Sa dalawang araw na nakalipas ay hindi ko na siya natanong kung bakit alam niya ang pangalan ko kahit hindi pa ako nagpapakilala. Sa tuwing mag-uusap kasi kami, bigla-bigla na lang susulpot si Leuros o si lola Anasya, kaya nauudlot ang pag-uusap namin ni Agape.

"Arianna, iha, pwede mo ba akong tulungang kumuha ng mga tuyong sanga diyan sa gubat? Hindi ko kasi mahanap si Leuros. Ang batang 'yun talaga! Sigurado ako, magkasama nanaman ang dalawang 'yon." Mababakas sa mukha ni lola Anasya ang inis. Mahina naman akong napatawa dahil sa reklamo niya.

"Ah, sige po. Wala naman po akong gagawin ngayon." Ngumiti ako sa kaniya na ikinaginhawa ng mukha niya. Napabuntong-hininga lang siya at nagpasalamat sa akin.

Nauna nang lumabas si lola Anasya dala-dala ang basket na lagayan ng mga sanga. Bago ako lumabas ay sinigurado ko munang nakasarado ang mga bintana, ito kasi ang laging bilin ni Agape sa akin. Dapat daw laging nakasarado ang mga bintana sa tuwing walang tao sa bahay para hindi mapasok ng mga bandido.

Matapos kong mai-lock ang pinto ng bahay ay mabilis akong tumakbo sa pwesto ni lola Anasya. Masyado na kasi itong malayo sa akin.

"Lola Anasya, nasaan po ba sina Agape at Leuros?" Tanong ko sa kaniya nang makalapit ako. "Hindi ko pa po kasi sila nakikita simula kaninang umaga."

"Kung hindi ako nagkakamali, pumunta sila sa bayan ng Luwana para tumulong sa paghahanda sa darating na Moon Festival."

"Moon Festival po?"

Saglit na napatigil si lola Anasya sa paglalakad at nilingon ako. Nakakunot ang noo nito dahil sa tanong ko.

"Moon Festival, iha. Isinasagawa ang selebrasyon ito sa katapusan ng buwan para magpasalamat sa diyosa ng buwan." Napatango na lang ako kay lola Anasya. Wala naman kasi talaga akong alam tungkol sa mga selebrasyon nila.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon