CHAPTER TWENTY

887 25 0
                                    

CHAPTER 20: Fire At The Forest

Those pair of purple eyes greet my sight as I lift my face up. Shock slowly enters my system when I saw his situation.

Ang daming dugo!

Anong nagyari sa kaniya? Pero... Sino ba 'to?

"Anong nangyari sa'yo?" Gulat kong saad.

Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakadapa at lumapit sa kaniya. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil sa usok.

Tanging ang lilang mata niya lang ang na-aaninag ko at ang pulang likido sa buo niyang katawan.

Napa-ubo ako ng wala sa oras nang makalanghap ng usok.

Akmang hahawakan ko siya sa braso pero tinampal niya ang kamay ko. Nagtaka naman ako sa ginawa niya.

"Ikaw na nga 'tong tutulungan, ayaw mo pa?"

Umirap ako sa hangin este sa usok pala. Problema kasi nito? Kung ayaw niya ng tulong, edi 'wag!

"Do you know what happened here?"

Hindi siya sumagot, but felt his stares at me. Is it just me or his eyes are familiar? Parang nakita ko na dati pero hindi ko lang maalala kung saan o kailan.

Marahas akong bumuga ng hangin. Nakakainis naman! Nagsalita naman siya kanina, ah? Hindi ko lang masyadong narinig.

Kahit ayaw niya ay hinawakan ko siya sa braso niya at pilit na itinayo.

"Ang bigat naman!"

Inalalayan ko siya at tinulungang makatayo. Muntik pa itong matumba pero dahil hawak ko ang braso niya ay napigilan ko iyon.

Ramdam kong ayaw niya talagang magpatulong. Pilit nang inaalis ang braso sa pagkakahawak ko pero dahil mabait ako, hindi ko siya binitawan.

"Look, I'm trying to help you kaya please naman! Makisama ka, pwede? Kung alam ko lang kung gaano ka kabigat--"

Natigilan ako nang takpan niya ng kamay ang bibig ko. Amoy na amoy ko ang dugo sa kamay niya pero hindi ko na iyon pinansin.

Ramdam ko ang pagka-alerto niya sa paligid. Even me, I feel like something bad will happen.

"T-turn left,"

Kahit na bigat na bigat na ako ay kumaliwa ako ng lakad.

I felt uncomfortable, who wouldn't? I don't know this man. And his presence, pakiramdam ko mamatay ako kapag may nagawa akong hindi niya magugustuhan.

Unti-unting nawawala ang usok sa paligid habang naglalakad kami. Sa tingin ko, papalayo na kami doon sa may sunog.

Medyo lumuwag na ang paghinga ko at lumilinaw na ang mga nakikita ko.

Nakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Walang sino man ang gustong magsalita, tanging tunog lang ng mga tuyong dahon ang maririnig.

I want to see his face but I stopped myself from looking. It's not I'm scared, I just feel like something is stopping me from looking.

Tumigil ako sa paglalakad makarinig ng kaluskos.

"Teka, sandali.." Saad ko.

Naglakad ako papunta sa likod ng isang malaling puno. At dahil nanghihina siya, walang siyang magagawa kundi ang sumunod sa akin.

Dahan-dahan ko siyang in-upo at isinandal sa puno.

"Dito ka lang--"

Natigil sa ere ang sasabihin ko. Natulala ako nang makita ang mukha ng lalaking tinulungan ko.

What a handsome creature! Damn. Kahit puno ng dugo ang ulo niya ay angat pa rin ang kagwapuhan niya. And mind you, minsan lang ako pumuri ng lalaki kaya pagsinabi kong gwapo, gwapo tala-

"Done f-fantasizing me?"

"No. Not yet,"

Gumuhit ang gulat sa mata niya pero agad ding nawala. Bumalik ito sa walang buhay, tulad ng mukha niyang walang emosyon. But still handsome as heck.

"Dito ka lang, ha? Babalik ako." Nakangiti ko siyang tinapik sa uluhan.

Sumama ang tingin niya sa akin dahil sa ginawa ko.

"You.. I-I'm not a k-kid!" He sounded like a kid.

Hindi na ako sumagot at tumayo na. Dahan-dahan akong lumapit sa parte ng gubat kung saan ko narinig ang kaluskos.

And to my surprise, a black lion suddenly jumped in front of me.

WTF!

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, bigla na lang akong napahiga sa lupa at nakaramdam ng matinding sakit sa ulo.

I think my head hits something hard...

My vision became blurry, my mind went black and.. I feel dizzy.

"Deiro, you shouldn't do that. Look what happened."

_____

Third Person POV

Unti-unting umabot sa bayan ang usok na nagmumula sa kagubatan. Ang masaya nilang pagdiriwang ay na-uwi sa trahedya.

Palaisipan sa mga tao kung bakit nagkaroon ng sunog sa gitna ng kagubatan. Ngunit ang ilan sa kanila ay iniisip na mayroon itong koneksyon sa pagdating ni General Guego.

"A-anak?"

Lahat ng atensyon ng mga tao ay napunta sa isang ginang. Maluha-luha ang mga mata nito habang nakatingin sa sunog na katawan ng isang lalaki.

"Anak ko! Anong nangyari sa'yo? Pakiusap, gumising ka!" Hagulgol ng ginang habang yakap-yakap ang sunog na katawan.

Samantala, sa isang madilim na sulok ng gubat nakatayo ang isang lalaki. Tahimik nitong pinanonood kung paano umiyak ang ginang sa harap at ka-awaan ng mga tao.

Naging alerto ang lalaki nang maramdaman niyang may papalapit sa pwesto niya. Ngunit hindi na siya nag-abalang lingunin ito dahil kilala niya kung sino ito.

"Magagalit siya kapag nalaman niya ang ginawa mo." Matunog itong ngumisi sa lalaki.

"Ginawa ko lang ito para iligtas siya mula sa Heneral. Sa tingin mo ba hahayaan ko silang makuha siya?" Tugon niya sa bagong dating.

Mahinang napatawa ang kausap nito at napa-iling. Para sa kaniya, lahat ng ito ay isang laro.

"Isang payo, kaibigan. Don't fool yourself. Kahit anong gawin mo, magagalit at magagalit siya sa'yo."

Napayukom ng kamao ang lalaki. Gustuhin man niyang saktan ang kausap ngunit hindi maari, kailangan pa niya ito para sa kaniyang plano.

Ito lang ang tanging maasahan niya kung may balak man siyang gawin. Tulad na lang nitong pagkakaroon ng sunog sa gubat.

"Alam ko."

"It's a warning, my friend."

Makalipas ang ilang segundo ang naramdaman niyang umalis na ang kausap niya.

Nagpakawala siyang ng isang malalim na hininga bago paulit-ulit na pinagsisipa ang puno sa kaniyang tabi.

Sipa. Suntok. Sipa. Suntok.

Tumigil lang siya nang dumugo na ang kaniyang kamao. Ngunit wala siyang pakialam.

"Hindi niya malalaman. Walang siyang malalaman." Paulit-ulit nitong saad sa sarili.

Kung may makakakita man sa kaniya, siguradong iisip nilang nababaliw na ito.

"Leuros?..."

Mabilis pa sa kidlat siyang lumingon sa babaeng tumawag sa kaniya.

Nang makita ang mukha nito ay agad niya itong niyakap. Nang maramdaman niya ang pagyakap nito pabalik sa kaniya ay napangisi siya.

"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Akala ko iniwan mo na ako."

"Hinding-hindi kita iiwan.. Nandito lang ako.."

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon