CHAPTER FORTY SEVEN

311 7 0
                                    

CHAPTER 47: Aga Mae Quizon

Agape POV

Hindi na bago sa akin ang mag-isa. Sa katunayan, iyon naman talaga ang buhay ko noong hindi pa ako napupunta sa mundong ito.

Lumaki ako sa isang bahay-ampunan dahil namatay ang ina ko nang ipinanganak niya ako. Ang tatay ko naman ay nakulong dahil sa mga bisyo nito at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

Naalala ko pa noon kung paano mag-away-away ang mga kamag-anak ng mga magulang ko dahil walang sinoman ang gustong umampon sa akin kaya't sa bahay-ampunan nila ako iniwan.

Hanggang sa lumipas ang panahon at nakapagtapos ako sa pag-aaral sa tulong ng mga madre sa bahay-ampunan na iyon. Naging guro ako sa isang paaralan at naging maayos ang pamumuhay ko.

Aga Mae Quizon.

Tandang-tanda ko pa ang totoo kong pangalan bago ako naging si Agape.

Hindi biro ang pinagdaanan ko rito! Kinailangan kong maging ibang tao para lang mabuhay sa mundong 'to.

At napapagod na ako. Ayoko nang magpanggap. Wala na akong rason lalo na't ang kaisa-isang taong pinanghahawakan ko ay nawala na sa akin.

Leuros.

Hindi ko inaakalang mahuhulog ang loob ko sa kaniya. Mapait akong napangiti.

'Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos! Kailangan kong malaman kung nasaang ang totoong Agape! Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa babaeng mahal ko.'

Tumatak sa isip ko ang mga salitang niyang iyon bago ako tumakas sa kaniya. Masakit isipin na kailangan ko siyang takasan. Pero wala na akong magagawa. Hindi na ako pwedeng bumalik dahil hindi na niya ako mahal.

Pero minahal niya nga ba ako? Sa pagkakaalam ko, si Agape ang mahal niya. Ako? Ako si Aga Mae Quizon. Ibang-iba sa babaeng kinababaliwan niya.

Napakadaya!

Bakit kasi ako? Sa dinami-dami ng tao sa buong mundo, sa lahat ng mundo o kung saan pa, bakit ako?!

Tahimik ang buhay ko noon, payapa. Pero isang araw nagising na lang ako dito sa mundong ito, at malala pa niyan, ibang katawan na ang gamit ko.

Oo, sa simula natuwa ako dahil ang lahat ng wala ako sa mundong Earth ay nandito. Magulang, kayamanan, paghanga at pagrespeto ng mga tao at higit sa lahat, isang lalaking nagmamahal sa akin ng buong puso.

Pero ngayon? Nagkagulo-gulo na! Wala na! Dahil sa lintik na storya na iyan mamamatay ako!

Ang sama hindi ba? Napunta ako dito tapos mamamatay lang din.

Masyado pa akong gustong gawin sa buhay. Ayokong mamamatay. At makakaligtas lang ako sa tulong ng kwintas.

Pero anong nangyari? Ayaw ibigay sa akin ng lintik ng Arianna na iyon!

Nakakainis!

Dalawang araw na ang lumipas nang tumakas ako sa bahay ni Leuros. Hinabol niya ako non pero hindi niya ako naabutan kaya't nakatakas ako.

Nagpalakad-lakad lang ako dito sa gubat. Hindi naman ako nagugutom dahil may mga puno naman ng prutas dito na ligtas kainin.

Swerte lang ako dahil wala akong nakakasalubong na mga halimaw.

Tahimik lang akong naglalakad kahit tirik na tirik ang araw. Hindi naman ako masyadong naiinitan dahil sa mga punong humaharang sa sinag ng araw.

Natigil ako sa paglalakad nang makaranig ng samut-saring tawanan ng mga kalalakihan. Mabilis akong nagtago sa likod ng isang puno dahil papalapit ang mga boses nila sa pwesto ko.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon