CHAPTER FIFTY NINE

225 6 0
                                    

CHAPTER 59: Losing Them

Gulat ang naging reaksyon ng lahat matapos makita ang kalagayan ni Agape. Namumutla ito at hinihingal na para bang nalalagutan na ng hininga.

Mabilis itong dinaluhan ni Leuros. Sinipat niya ang buong katawan nito at halos magimbal siya nang makita ang malaking kalmot sa likod nito.

"M-may sugat siya!" Natatarantang sigaw nito.

Agad niyang binuhat si Agape. Nilingon niya ang mga kasamahan sa likuran.

"Pumunta tayo sa silid ng reyna. Malapit doon ang kwarto kung saan nakalagay ang mga gamot." Mabilis na saad ni Xander bago pa man makapagsalita si Leuros.

Nagmamadali silang naglakad. Gustuhin man nilang tumakbo ngunit gagawa lamang ito ng ingay na maaaring marinig ng mga demonyo.

Si Xander ang nasa unahan dahil siya ang mas nakaka-alam kung nasaan ang kwartong iyon. Samantalang nasa likuran naman sina Franceska at Arianna.

"Siya ba ang prinsesa Agape?" Nagtatakang tanong ni Francesca. Tinanguan naman siya ni Arianna na mas lalo niyang ikinalito. "Ang akala ko ba ay pinatay siya ng dating reyna? Hindi ba't kaya nagtanggal ang dating reyna sa kaniyang pwesto ay dahil pinatay niya ang kaniyang anak?"

"Hindi totoo ang sinabi ng hari. Hindi talaga patay ang prinsesa, nawawala lamang ito. Ginawa niya itong dahilan upang mapatalsik ng reyna."

Natahimik si Francesca. Hindi niya alam na may ganito palang nangyayari sa loob ng palacio. Ngayon ay nagsisisi na siya kung bakit siya sumali sa paligsahan. Hindi na dapat siya nalayo sa kaniyang pamilya at wala sa deliadong sitwasyon.

Nang makarating sila sa kwartong tinutukoy ni Xander ay dali-daling inilapag ni Leuros si Agape. Samantalang tumulong naman sila Franceska at Arianna sa paghahanap ng mga kakailanganin para kay Agape.

Ngunit sa pagbukas nila ng mga aparador. Walang kahit anong bagay ang nandoon.

Napamura silang lahat.

"Bakit wala?!" Galit na hinampas ni Xander ang lamesa.

Kung hindi nila magagamot ang sugat ni Agape ay maaaring itong mamamatay. Nag-aalala siya sa kapatid niya. Kabilin-bilinan pa sa kaniya ng ama ay protektahan ito.

Napalingon sila kay Agape nang dumaing ito. Ang kalmot sa kaniyang likod ay unti-unting nagiging itim. Nagsimula na ring kumalat sa kaniyang katawan ang itim na ugat na para bang isang lason.

"L-Leuros.." Iyak ni Agape habang nakapikit.

"Shh.. Nandito ako. Hindi na kita iiwan." Naiiyak na sambit ni Leuros. "Kayanin mo, pakiusap. Huwag mo akong iiwan."

Parang may tumutusok na kung ano sa puso ni Arianna habang nakikinig sa usapan ng dalawa. Iniwas niya ang tingin dito nang magsimulang manubig ang kaniyang mga mata.

Kahit na muntikan pa siyang mamatay sa kamay ni Agape, hindi niya pa rin maiwasang masaktan.

"Ano?! Nasaan na ang gamot?!" Galit na baling sa kanila ni Leuros.

Ngunit nanatili silang tahimik. Walang mga gamot dito. Wala..

"Walang gamot dito.." Tulalang sagot ni Xander.

Sa galit ni Leuros ay kinuwelyuhan niya si Xander. Napatili naman si Franceska sa takot, samantalang tahimik lang si Arianna na nakamasid sa nangyayari.

"T-tumigil na kayo! B-bakit kayo nag-aaway? Hindi ba't dapat ay mas inuuna natin ang kapakanan ng prinsesa?" Na-iiyak na sambit ni Francesca.

"Manahimik ka!" Angil sa kaniya ni Leuros.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon