CHAPTER 21: Secrets
Third Person POV
"ANONG nangyari? Did you found my daughter?"
"Mahal na reyna, ikinalulungkot ko pong sabihin na hindi namin siya nahanap dahil sa kaguluhang nangyari sa bayan." Yumuko ang Heneral sa reyna bilang tanda ng pagrespeto. "Kasulukuyan na po naming sinisiyasat ang kagubatan."
Malungkot na tumango ang reyna sa Heneral. Nag-aalala para sa kaniyang anak ngunit wala siyang magawa upang mahanap ito.
"Maraming salamat, maaari ka nang umalis." Saad ng reyna.
Tumalikod na ang ito ngunit bago pa man makahakbang ang reyna ay nahinto siya nang maramdaman ang paghawak ng heneral sa kaniyang braso. Hindi niya ito nilingon at pilit na hinihila ang sariling braso.
"Agatha," Seryoso ngunit marahang sambit ng heneral sa pangalan ng reyna.
Silang dalawa lang ang nasa loob ng bulwagan ng palacio. Walang sino man ang nakakarinig sa kanilang pinag-uusapan kung kaya't malakas ang loob ng heneral na tawagin sa pangalan ang reyna.
Siguradong kamatayan agad ang parusa sa heneral kung ito ay makakarating sa hari.
"Kailan mo sasabihin sa kaniya ang totoo? Hindi na ako makakapaghintay, Agatha!"
Hinarap ng reyna ang heneral at marahang tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa braso niya.
"Effren, hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari. Alam kong matagal ka nang naghihintay, ngunit--"
"Ngunit ano? Hindi mo pa rin kayang gawin? Ilang beses ko nang narinig iyan mula sa iyo! Wala ka na bang ibang madahilan, Agatha?" Mahinang natawa ang heneral ngunit walang bahid ng kasiyaan ang kaniyang boses.
Napayuko na lamang ang reyna. Hindi siya makasagot sa tanong ng heneral dahil alam niya sa sarili na totoo ang lahat ng sinabi niyo.
Mahina siya.
"I-I just c-can't... Kailangan k-ko pa ng oras." Nagsimulang tumulo ang mga luha ng reyna.
Lumambot ang ekspresyon ng heneral. Hindi siya nagdalawang-isip na hilahin ang reyna upang ito ay yakapin. Hindi na pumalag pa ang reyna at umiyak na lamang sa bisig ng heneral.
"Kung hindi mo talaga kaya, sabihin mo lang. Ako na ang magsasabi na..." Humigipit ang yakap ng heneral sa reyna. Inilapit niya ang mukha dito at bumulong.
"... Ako ang tunay na ama ni Agape at hindi ang hari."
------
Ferin POV
ISANG nakakabinging sigaw ang pumalibot sa buong kagubatan ng San Eduardo. Sigaw na nanggaling sa isang Archro.
Napa-iling na lamang ako dahil kanina pa ako naghihintay kay Sadro ngunit hindi pa niya napapatay ang archro. Isa lang itong gagamba na sin laki ng tao. May kakayahan itong gumawa ng sapot tulad ng isang normal na gagamba.
"Ano na, Sadro?! Ang tagal mo naman!" May bahid ng inis kong sigaw.
Inis kong sinipa ang isang bato at saktong tumama ito sa ulo ng archro. Agad namang nabaling ang atensyon nito sa akin kaya hinanda ko na ang patalim ko para makipaglaban.
Tumakbo papalapit sa akin ang halimaw ngunit bago ito makalapit sa akin ay natumba na ito.
"Ferin naman! Laban ko 'to, huwag kang mangialam. Kung gusto mong makipaglaban, humanap ka ng kalaban mo!" Nakasimangot akong tiningnan no Sadro.
Hindi na ako sumagot sa kaniya at tumakbo na lang palayo doon. Tutal wala naman kaming misyon ngayon, mabuting mag-ensayo na lang din ako.
Isinukbit ko ang patalim sa beywang ko at umakyat ng puno. Sumampa ako sa isang sanga at tumalon sa katabi nitong sanga.
BINABASA MO ANG
Before The Coronation
Historical FictionArianna Venice Samonte is just your typical college student who really loves reading novels, especially those historical stories. One day, she was invited to a museum. She was amazed by all the historical things that the museum have, but what caug...
