CHAPTER FORTY FOUR

259 7 0
                                    

CHAPTER 44: She's The One To Blame

Nanatiling nakakunot ang noo ko habang nakatingin kay lola Anasya. Seryoso ang mukha niya pero nung binanggit niya ang totoong Agape, nakitaan ko siya ng pagkalungkot sa mga mata pero agad ding nawala.

Namamalikmata lang siguro ako. Nagkibit-balikat na lang ako.

"Ahmm... Paanong konektado sa kaniya lahat?" Tanong ko na lang.

"Apat na taon na ang nakalilipas nang matuklasan ni Agape ang tunay niyang pagkakakilanlan--"

"Alam na niya?!" Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya peke akong tumawa at dahan-dahang umupo. Pasensya naman, nagulat lang.

"Oo, alam niya. At alam mo na din ang storya dahil sinabi na ito sa'yo ni Agatha, hindi ba?" Ngumuso lang ako at tumango. Naaalala ko pa kung paano ako magalit kay Agatha dahil sa ginawa nila sa totoong reyna. "Nabulag si Agape sa galit at nakagawa ng desisyong hindi niya alam na pagsisishan niya."

Kung ganun, may ginawa siya kaya kami napunta dito? Pero anong desisyon ba 'yon?

"Hindi naman na lingid sa kaalaman mo na may nabubuhay na mga demonyo sa mundong ito. Ang mga demonyong ito ay nabubuhay gamit ang kanilang itim na kapangyarihan. Nakakakuha sila ng enerhiya sa isang taong punong-puno ng mga negatibong emosyon tulad ng galit, sama ng loob, inis, inggit at iba pa."

Ikinumpas ni lola Anasya ang kamay niya at sa isang iglap may, nabuong ilaw sa paligid ng kamay niya. Pero ang mga ilaw na ito ay nagkulay itim at pumalibot sa katawan niya.

Napasinghap ako nang maaalala ang ganoong senaryo. Ang mga taong nakitang kong napapalibutan ng itim na usok sa paligid nila.

Naaalala ko na! Ang unang taong nakita kong may itim na usok sa katawan ay 'yong matandang napagtanungan ko doon sa Earth. Ah! Kamukha din pala siya ni lola Anasya, hindi kaya magkamag-anak sila?

"Lola Anasya, may kamag-anak po ba kayo?" Kumunot bigla ang noo niya.

"Hindi ba't ako na lang ang huling dragon sa panahon mundong ito ngayon? Kaya't papaano ako magkakaroon ng kamag-anak?" Mataray nitong sagot. Inirapan pa ako.

Napakamot naman ako sa batok. Oo nga pala, siya na lang ang natitira. Kung ganoon nga, edi sino yung matandang lalaking iyon? Kamukha lang?

"Eh kasi naman, bago ako mapunta sa mundong ito, may nakausap akong matandang lalaki na kamukha mo. Tapos meron din akong nakitang itim na usok na pumapalibot sa kaniya. Pero sandali ko lang iyon nakita, agad din kasing nawala e." Ngusong paliwanag ko.

Sa unang pagkakataon, nakitaan ko ng pagkalito ang mukha ni lola Anasya. Palagi kasing seryoso at kalmado ang mukha niya, parang alam niya ang nangyayari.

Pero ngayon nalilito siya. Ibig sahinin, hindi niya alam ang tungkol doon.

"Huwag na muna natin iyang pag-usapan. Unahin muna natin ang tungkol kay Agape." Umiwas siya ng tingin sa akin.

Ngumuso ako dahil ayaw niyang pag-usapan iyon. Kung hindi niya alam kung sino.. ibig sabihin.. ay teka!

"Ang sabi sa akin ni Fathala, lahat ng namamatay dito sa mundong 'to ay napupunta sa Earth. Paano kung kamag-anak mo nga iyon na namatay dito tapos napunta sa Earth?" Imbis na sumagot ay sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi totoo ang sinabi niyang iyon.."

Natigilan ako sa narinig. Ano daw? Hindi totoo? Ibig sabihin kasinungalingan lang ang mga iyon?!

"B-bak-"

"Makinig ka nga kasi muna!" Iritang sigaw niya sa pagmmukha ko. Ngumiwi lang ako at napakamot sa batok.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon