CHAPTER FORTY NINE

311 8 0
                                    

CHAPTER 49: Gone

Lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang problemang dinadala. Minsan, sa sobrang bigat na ng kanilang dinaramdam ay mas pinipili nilang takbuhan ang problema.

Gustuhin ko mang takasan ang lahat ng problema ko ang hindi ko kayang gawin. Hindi pwede.

Ang dami na nga ng iniisip ko, padagdag pa ng padagdag sa bawat araw na lumilipas. Mabigat sa pakiramdam. Iyong parang gusto mo na lang pumikit habang buhay para lang maka-alis sa mga paghihirap.

Kailan kaya ako mauubusan ng problema? Baki-

"Hoy, Arianna! Isarado mo 'yang bibig mo, baka pasukan ng langaw. Sige ka, baka mas lalo ka pang pumangit niyan." Ani niya sabay halakhak ng malakas. May pahampas-hampas pa siyang nalalaman sa braso ko.

Kita mo 'tong babaeng 'to. Tatawa na nga lang sasamahan pa ng hampas. Hindi niya ba alam na ang bigat ng kamay niya? Baka mabali ang braso ko nang wala sa oras.

"Sige, hampas pa! Hindi siya masakit." Sarkastikong sigaw ko sa pagmumukha niya.

Tumigil naman siya sa paghampas at ngumuso na lamang. Napa-irap ako sa pagbabago ng ugali niya.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa kagubatan. Umaasang sana ay may makasalubong kaming tao na alam ang daan patungo sa palacio ng Suffiron. Ang sabi niya, may kaibigan daw siyang naghihintay doon dahil planado na daw talaga ang pagtakas niya mula sa kawal ng Ghazi.

Mahirap lang daw ang pamilya niya. Nagkaroon ng sakit ang ina niya kaya't napilitan siyang magtrabaho sa palacio ng Ghazi upang magkaroon ng pera pambili ng gamot sa ina niya. Siya lang kasi ang inaasahan ng pamilya niya simula nung iwan sila ng tatay niya para sa ibang babae.

Ang chismosa ko na ba? Eh anong magagawa ko? Bigla ba namang nagkwento ng buhay niya.

Hindi ko naman tinatanong.

"Uy, bakit ang tahimik mo?" Parang batang saad niya. Nilingon ko siya sandali at bumuntong-hininga. "Iniisip mo pa rin ba ang tungkol doon?"

Sandali akong napatigil sa paglalakad. Tama. Kanina ko pa ang iniisip ang tungkol sa sinabi niya.

"Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala, Yssa. Nagkita ko sa gubat ang reyna Agatha dahil pinatapon siya ng hari. At hindi totoong pinatay o patay ang prinsesa Agape."

Gulat siyang napatingin sa akin. Pansin ko rin ang pagkislap ng mga mata niya na para bang nabuhayan ng pag-asa.

"Kung ganon, buhay pa ang prinsesa? Pero.. Bakit ang sabi ng hari ng Suffiron ay pinatay daw ang anak niya?"

"Maaaring nagsisinungaling ang hari. Pero hindi ko alam kung anong pwedeng dahilan."

Sa totoo lang, hindi 'maaari' kundi 'totoong' nagsisinungaling ang Markus na 'yon. Sa ugali pa lang na ipinakita niya sa akin, alam kong may kinalaman siya sa kung anong nangyayari ngayon sa Suffiron.

Malamang siya ang hari kaya may kinalaman talaga siya. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit kailangan niyang magpalit ng reyna?

Naiisip ko rin kung alam na ba ito ni Agape. Sigurado akong magugulat siya katulad ko. Syempre, sinong hindi magugulat kapag nalaman mong pinatay ka pala?

"Gusto ko na talagang umuwi.." Rinig kong bulong ni Yssa.

Mapait akong napangiti. Ako rin, Yssa. Gustong-gusto ko na ring makauwi sa mundo ko. Makabalik sa bahay namin.

"Sana may-"

Umangat ang tingin ko sa harapan nang makarinig ng tunog ng parang tumatakbong kabayo. Natanaw ko mula sa pwesto ang isang lalaking nakasakay sa isang puting kabayo. May kasama siyang mga lalaking nakasuot ng pulang mga baluti.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon